Chapter 15
"Timots! Halika nga dito" tawag ni Mang Teban sa isang binatilyo.
"Ano yon tsong?" tanong nang binata.
"Wala ka pa bang balita sa kuya Estong mo? Hindi pa ba sya tumatawag?" tanong nang matanda.
"Wala pa tsong eh, bakit ho?" sagot nang binata.
"Ah wala naman, gusto ko lang kumustahin ang lagay nang batang yun. Dalawang bwan nang hindi tumatawag eh" sabi ni Mang Teban.
"Alam mo tsong, aminin nyo na kasi na namimiss nyo na ang mabait nyong anak hahaha." pangungulit ni Timothy.
"He! Magtigil ka nga, sinong makakamiss sa lukolukong yun. Magpapasalamat lang ako dahil napagawa na ang bahay tapos nakabili na din tayo nang mga baka at kambing. Ni hindi ka pa din nagpapasalamat sa kuya mo na nag papaaral sayo." saad nang matanda.
"Wushuu! Tatanggi pa kayo, eh parang kagabi lang eh nakarinig ako nang naatungal sa taas, 'si estong ko, nakalimutan na ako nang anak ko' wahahaha" asar nang binata.
Namula ang matanda at akmang manghahampas nang tungkod nang bigla na lang itong tumigil at biglang natumba. Nakita naman ito ni Timothy at agad nilapitan.
"Tatang! Napano ho kayo? Tatang!... Tulong! Tulungan nyo kami!" sigaw ni Timothy habang hawak sa bisig nang matanda.
------------
Nakatitig lang sa kawalan ang isang dalaga habang nakaupo sa kanyang pwesto. Tumutunog ang telepono sa tabi nya ngunit hindi nya ito napapansin.
"SIS! Kanina pa natunog yan. Hindi mo ba sasagutin?" sabi ni Nicky. Nataranta ang dalaga at madaling sinagot ang tawag.
"H-hello, office of the president, good morning" tarantang sagot ni Wendy sa telepono.
"Wendy, come to my office please, thank you" sagot nang nasa kabilang linya. "Ok po sir Rom" sabi nang dalaga.
Pagkababa nang telepono, hinarap naman siya nang kaibigan.
"Ano bang nangyayari sayo at naatulala ka kanina? Ilang araw ka nang ganyan. Nagaalala na ko sayo. May problema ka ba?" tanong ni Nicky.
"Wala naman sis, medyo antok lang ako. Napuyat kasi ako eh" sagot nang dalaga. "Hay ewan ko sayo. Alam mo minsan para kang praning. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sayo eh. Minsan ngingiti tapos biglang sisimangot. Tapos ngayon napupuyat nang walang dahilan. Hello Ms. Wendy Santos, ikaw pa ba yan?" litaniya nang kaibigan sa dalaga.
"Gaga ka, ay teka. Mamaya na tayo mag usap, tawag ako ni boss sa loob" sagot nang dalaga.
Nagmadaling pumasok si Wendy sa loob habang naiwan si Nicky na umiiling na lang.
"Teka sir, sigurado kayo? Nandun pa kaya yun? Three years na na-hire si Stephen sa company. Sigurado pong natabunan na yun nang mga mas bagong employee ngayun. Mahihirapan tayong hanapin yun." sabi ni Wendy.
"I know, pero I need his file, I just wanna know something. Please Wendy, do me a favor" pakiusap nang matanda.
Nagtatakang sumangayon na lang ang dalaga ngunit hindi maalis sa isip nito kung bakit at anong gagawin nang amo niya sa files ni Stephen. Masesesante ba ang binata o mapo-promote.
Nagpaalam na ang dalaga at nagtungo sa elevator. Pinindot niya ang button para sa palapag na pupuntahan niya. Iniisip pa rin niya kung bakit ganon na lang ang atensyon na ibinibigay nang amo sa binata. Hindi kaya kamaganak nila ito? Eh bakit janitor ang posisyon nito sa kumpanya, tapos parang hindi pa ata nakapagtapos nang pagaaral? Malamang hindi.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomansaSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...