Chapter 22
Naglalakad si Mae sa may parking lot nang building na may malungkot na mukha. Magdamag na naman niyang inisip kung nasaan ang kasintahan. Halos dalawang oras lang ang naging tulog nya kaya tila tinatamad siyang gumalaw. Tumigil ito sa paglalakad at tinungo ang ulo. Inilagay niya ang kanyang kamay sa noo at dahan-dahang hinimas ito sabay pikit nang mata.
Naramdaman ni Mae na tila may nilalang na nakatayo mula sa likuran niya. Nasamyo niya ang isang amoy na tila pamilyar sa kanya. Amoy na hinihiling niya na sana'y makasama na uli niya ngayon at sa mga susunod pang mga araw. Napamulat siya nang maramdaman niya ang isang mahigpit na yakap mula sa likuran. Muli niyang ipinikit ang kanyang mata nang masiguradong tama ang kayang hinala.
"Stephen" mahinang bulong ni Mae.
Pumatak na ang luhang pinipigilan nang dalaga. Kumawala siya sa yakap nang binata at hinarap ito nag may namamasang mata.
"I'm sorry. I'll promise i"ll make up to the days na wala ako. And I miss you" taos pusong pahayag ni Luke sa girlfriend.
Napaatras nang isang hakbang ang dalaga at gulat na tinitigan ang kaharap. Hindi siya nagulat sa sinabi nito dahil batid niyang totoong malambing ang nobyo ngunit ang paraan nito nang pagsasabi.
"English? Babe english yung sinabi mo" napapangiting pinagmasdan niya ang naguguluhan ngunit sa huli'y napangiting si Stephen.
Muling yumakap ang binata kay Mae bilang tugon sa tanong nito. Pero talagang hindi maka-get over ang dalaga sa narinig nya kaya napabungis ngis na siya.
"Ganun ba talaga ang tingin nyo sakin babe? Nakakapagtampo naman kayo nyan eh. Don't worry, I'll never gonna speak english in front of you again" saad nang binata na napapatawa na din.
Simula nang tumira siya sa bahay nag mga magulang ay tila napansin ni Luke na malimit mag ingles ang kanyang ama't ina kaya palihim siyang nagpapaturo sa butler nang kanilang pamilya. Hirap na hirap siya sa umpisa pero nito lang nakalipas na mga araw ay bigla na lang dumudulas sa bibig niya ang pangalawang lengwahe.
"There you go again! Hala to, ilang linggo lang tayong hindi nagkita tapos... Yung totoo, sino ka? Iluwa mo ang boyfriend ko. Iluwa mo ang boyfriend kong malalim managalog! Hahahaha" sabi nang dalaga na nakalimutan nang komprontahin dahil sa matagal na pagkawala.
"Aishh! Naman babe eh. Pakiss nga, sobra kita namiss eh"
"Hep! Walang kiss. Hmp! Antagal mong nawala tapos kikiss ka na agad?" pagtataray nang dalaga pero nakangiti naman.
"Mamaya na ko magpapaliwanag babe kasi mahabang kwento. Bilisan na lang natin para makapag-in na agad tayo. Kababalik ko lang tapos late agad ako? Ha! No way" yakag nang binata sa nobya.
"Ay oo nga. Ikaw kasi. Tara na" nakangiting sagot nang dalaga.
Masayang naglakad ang magkasintahan papasok nang gusali na magkaakbay habang nagkukulitan.
Mula sa malayo, tila may libo-libong karayom ang naguunahang tumusok sa dibdib nang isang dalaga. Tiningala niya ang kanyang ulo para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Pagbaba niya nang jeep na sinasakyan ay nakita niya si Stephen na naglalakad at balak sana niyang lapitan pero nakakailang hakbang pa lang siya nang mamataan naman niya si Mae na halos isang dipa lang ang layo.
----------
"Sis! Prince Charming mo nagpakita na" bungad ni Nicky kay Wendy paglapit pa lang nito sa kanyang lamesa.
"Che! Baka may makarinig sayo. Kung ano na lang isipin nang ibang makarinig"

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
RomanceSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...