Chapter 20

51 2 0
                                        

Chapter 20

Tigil pa din  si Wendy sa nasaksihan. Ganoon ba talaga ka-close ang binata sa amo nila. Hindi sila sanay na nakikitang naglalakad ang matandang amo na may ibang kasabay at ang ikinagulat nila ay animo'y mag kaibigan lang ang turing sa isa't isa. Pinakamataas na tao sa kanilang kompanya naka-akbay sa isang ordinaryong emplyado na binata habang masayang nagkukwentuhan.

Parang may mali. 

"Wendz, si Stephen ba yun?" tanong ni Nicky habang palapit sa lamesa niya. "Nakasalubong ko sila sa elevator. Close pala talaga sila noh? Oh my, ngayon ko lang talaga napagtanto" dagdag pa nito.

"Magkaibigan naman daw talaga sila eh. Si Sir Rom pa nga ang nagpasok dito sa kanya" komento nang dalaga.

"Hmm pansin ko lang sis, simula noong total make over ni papa Stephen, parang magkahawig sila ni Sir Rom. Baka father and son ang peg nila ngayon teh! Haha" biro ni Nicky kay Wendy.

"Ah ewan ko sayo. Iwas-iwasan mong sumama kay Danica at tingnan mo tuloy nag boboses baklita ka na, teka, bakit ang aga mo? Akala ko ba mamaya ka pang 1pm?"

"Aish! Naman sis eh, good mood na nga ako pagpasok ko eh. Wag mo na ipaalala" nakasimangot na komento ni Nicky.

"Ay kwento ka Nickz dali" tumatawang sabi ni Wendy.

"Tingnan mo tong babaeng 'to, sabi na kasing wag na at nanggigigil ako sa lalaking yun"

"Ay yung bago mong boylet? Naumpog na ba? Hahaha, sabi na kasing suotan mo nang helmet eh yan tuloy" pangaasar pa ni Wendy.

"Ay sis ang bad mo. kainis ka! Ano ba kasing nakita nya kay Keshia eh" maktol ni Nicky.

Napatakip nang bibig si Wendy at hinarap si Nicky. Hindi nagtagal ay napatawa din ito.

"Infairness sis, mas cute si Kesh-"

"I hate you sis! galit na ko sayo. Mas maganda ako dun! Cute din naman ako ah!" putol ni Nicky sa sinasabi ni Wendy.

Sukat doon ay mas lumakas pa ang tawa nang dalaga at lalo pang inasar ang kaibigan.

"Sino ba kasi yung lalaking yon?"

"Che! Mas lalong hindi ko sasabihin sa'yo. Buti pa si Danica naiintindihan ako. Sa kanya na lang ako makikipag usap" saad ni Nicky at naglakad na papunta sa table.

"Sis! Hahaha, sorry na, Huy balik ka na dito" tumatawa pang habol ni Wendy sa kaibigan.

Inirapan lang siya nang kaibigan pero napangiti din naman sa huli.

-----

"Nay Miding! Okay na po ba yan? Baka dumating na sila" sabi ni Annika sa matandang katulong. 

Naghahanda sila nang pananghalian dahil tumawag ang asawa na sa bahay na daw siya kakain pero hindi ito nagiisa. Sinabi nito na may kasama siyang isang espesyal na tao at kasalukuyan na silang bumabyahe pauwe nang bahay.

"Oo neng, saglit na lang ito at isasalin ko lang sa lalagyan. Sino ba daw kasama ni Miyo?" tanong nang matandang katulong. 

Sanay na ang magasawa sa matanda dahil simula pa pagkabata ay ito na ang yaya ni Annika. Ito din ag dating tagapagalaga kay babay Luke noong panahon na kasama pa nila ang bata.

"Hindi ko po kilala eh. Basta ang sabi sakin ay special daw po eh" sabi ni Annika.

 Kasasabi pa lang ni Annika nang biglang may bumusina sa tapat nang bahay nila. Nagmadali siyang magpunas nang kamay at lumabas. Inabutan pa niya si Ron, ang katiwala nilang lalaki, na binubuksan ang gate mula sa isang panel board sa may garahe. 

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon