Chapter 6

46 2 0
                                        

"Good evening hon" nakangiting bati ni Romeo kay Annika na kasalukuyang nakaupo sa sala habang nagpapahinga. Ngumiti ang kabiyak at humalik sa labi nito.

"How's your day?" tanong ng babae.

"Well, something new happenedthis day. How will I say this? it's weird but i think in a good way" napapangiting sagot ng lalaki. Bakas sa mukha ng lalaki ang aliwalas ng pakiramdam.

"Tell me, ah wait. Dun tayo sa porch. Want some coffee?" anyaya ng babae."Sige" sagot ng lalaki.

Nagpatimpla si Annika ng kape sa serbidora at sumunod na sa asawa."Thanks Dianne. So? how was it?" tanong agad ng babae pagkaalis ng katulong nito.

"Well to just to summarize it, I met a boy, a young man I mean. Siting on the bench looking at our shoot then I sat beside him and did a little chat with him. He gave me this drink out of nothing. Hindi ako humingi sa kanya o nag utos na bumili sya nun." kwento ng lalaki. "Seriously?" tanong ng babae. "Well yeah at take note, That moment di pa kami magkakilala. Then i asked his name and i told him mine. Hon at that moment hindi ko alam sa sarili ko kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko sa binatang yon. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano-ano at nalaman ko na kasalukuyan pala syang naghahanap ng trabaho tapos may sinusundan daw siya pero hindi alam na naligaw na siya." masayang kwento ng lalaki sa asawa.

Nakangiti lang na nakikinig si Annika sa asawa. Noon nya lang uli nakita ang mukha ng kabiyak na masaya mula ng mangyari sa kanila ang aksidente. Oo at tumatawa ito ngunit batid nya na sa likod ng mga tawa nito ay may nararamdaman pa din itong lungkot.

"Hon I wanted to help that boy" saad ni Romeo. Ngumiti ang babae bilang tugon iya rito. 

----------

Gabi

"Kumusta ang lakad mo kanina?" bungad ni Vincent na may dalang dalawang kape. Inabot nya ang isa sa kasama.

"Ayos naman, magkakatrabaho na siguro ako. Tingnan mo ito oh" sagot ng binata sabay abot ng maliit na calling card. "Ano naman ito? Pangiwang?" biro ng kababata kay Stephen.

"Ulol! Calling card ang tawag dito utoy, pinapagreport ako dyan bukas ng umaga. Susubukan ko lang naman" paliwanang ng binata sa kaibigan.

"Haha, alam ko. Eh saan galing yan?" tanong ni Vincent.

"Dun sa lalaki na nakita ko sa Luneta kanina. Nakwento ko na naghahanap ako ng trabaho kaya yun binigyan niya ako. Dyan daw siya nagtatrabaho eh baka daw mapapakiusapan niya yung kakilala nya" sagot ni Stephen na nakangiti na.

"Aba ayos yan ah, baka mayaman yung nakausap mo. Para kasing natatandaan ko ang pangalan ng gusaling yan eh. Mga sosyal ang nagtatrabaho dyan tol. Pahihiramin kita ng damit, ano?" sabi ng kababata.

"Mayaman? Hindi ko alam eh. Mukha namang ordinaryong tao lang eh. Nakaputing damit na may kohelyo Tapos naka pantalong makintab, ano ngang tawag dun? ah basta yun tapos naka sapatos na balat" saad ng binata habang inaalala ang suot ng nakilalang lalaki.

" Anong oras mo balak puntahan yon bukas?" tanong ng kababata. "Ewan ko, baka hindi muna ako tumuloy. Sabi mo mga mayayaman ang nagtatrabaho dun?" nag aalangang tanong ng binata sa kausap. "Tanga ka, sayang ang pagkakataon huy.Samahan kita gusto mo?" sabi ng kausap.

"Ako na lang. Pahiram na lang ng masusuot bukas. Tara na matulog ubos na tong kape ko." aya  niya sa kababata.

"Geh una na ikaw, tatapusin ko lang ang sakin." sagot ni Vincent.

----------

"Ahhh gutom na ako sis, di ka pa ba kakain?" tanong ni Nicka kay Wendy. "Saglit na lang ito sis patapos na." walang lingon na sabi ng dalaga.Ilang saglit pa ay tumayo na ito at inaya na ang kaibigan.

Lumabas sila ng gusali at kumain sa katapat na restaurant. Masayang kumain ang magkaibigan habang nagkukwentuhan. Nahagip ng mata ni Wendy ang magtitinda ng fishball malapit sa labas ng gusali. Napangiti siya at nilingon ang kaibigan.

"Sis parang ang sarap ng fishball oh, andaming bumibili. Tara!" aya ng dalaga sa kaibigan.

"Hindi ka pa ba busog sa kinain mo? Alam mo nakakainggit ka minsan, ang lakas mong kumain parang lalaki pero hind ka man lang nadadagdagan ng timbang" nakangusong wika ni Nicky.

Hindi pinansin ni Wendy ang sinasabi ng kaibigan at nagmadaling tumayo sabay hatak sa kasama. Walang nagawa ang kaibigan kundi sumama. Pag dating nila sa pupuntahan ay tumungo ang dalaga at humugot ng barya habang naglalakad.

"Aaayy!" impit na tili ng babae nang may nasaging katawan.

Nakakunot na tiningnan niya kung sino ang nakabangga sa kanya dahilan para tumapon ang ilan sa mga baryang nakuha niya sa bulsa ng suot niya. Aandar na sana ang bibig niya nang makita ang hitsura ng lalaking nakabangga sa kanya, o mas tamang sabihin na binangga niya. Matangkad ang nasabing lalaki, medyo magulo ang buhok na nagbigay dito ng astig na dating, pares ng mata na nuon nya lang nakita, matangos na ilong at mapupulang labi na pakiramdam niya ay hindi siya magsasawang halikan.Naputol ang ginagawang pagtingin nya ng magsalita ito.

"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo miss." sabi nito sabay upo at dinampot ang nagkalat na barya sa gilid ng karsada.

Naalarma ang babae at inunahan ang lalaki sa pag dampot. Medyo napahiya siya ng mapagtanto na siya nga pala ang bumangga  dito habang nakayuko. Napangiti siya sa ginagawa ng lalaki. "Ambait pala nito, tinulungan pa talaga ako sa mga nahulog ko" wika niya sa kanyang isipan. Pero nawala ang ngiti niya nang akmang ibubulsa na ng lalaki ang pera niya.

" HOY! Anong ginagawa mo? Akin yan ah" bulyaw ng dalaga sa lalaki. Kumunot ang noo ng lalaki at tiningnan lang siya.

"Alin? Eto?" sabi ng lalaki sabay lahad ng mga barya sa palad nya.

Mabilis niyang kunuha ang pera at inilagay sa bulsa. Nanlaki ang mata ng lalaki at akmang babawiin sa dalaga ang kinuha nito pero tinarayan lang siya nito.

"Bakit mo kinuha! eh akin yan, binibilang ko yan kanina nang banggain mo ako eh! singhal ng lalaki sa kanya. Aba't antipatiko eto siya pa ang sinabihan ng ganun.

"Hoy lalake! kumukuha ako ng pera sa bulsa ko ng mabangga kita. Pasensya ka na kung nabangga man kita pero sakin po ang mga ito!" sumbat niya sa nakakunot-noong lalaki habang dinuduro ng kanyang hintuturo ang dibdib nito.

Papalag pa sana ang lalaki ngunit tinalikuran na niya ito. Noon lang niya napansin na halos lahat ng tao sa lugar na iyon ay nakatingin at pinakikinggan silang dalawa habang nagtatalo. Namula ang mukha ng dalaga dahil sa kahihiyan  kaya hinanap na nya ang kaibigan at hinila na nya paalis ng nasabing lugar.

Pumasok na sila sa gusaling pinagtatrabahuhan. Nasa elevator sila ng magsalita si Nicka. "Grabe sis, ang tapang mo pala. Makikipagpatayan ka pala para sa barya" natatawang bigkas ng kaibigan. Inis pa ring sumagot ang dalaga.

"Eh pano naman kasi para barya lang eh kukunin pa. Syempre pera ko ito kahit barya lang eh pinagpaguran ko din to noh. Ha! ako pa ang kinalaban nya." naiinis na wika ng dalaga.

"Sabagay, pero sis ang gwapo niya noh, gosh kung ako ang nakabangga dun malamang niyakap ko na lang para siya ang mahuhulog sakin at ako naman ang dadampot sa kanya. Ayeee!!!" kinikilig na saad ng kaibigan.

Muling naalala niya ang mukha ng lalaki. Tama ang kaibigan nya gwapo nga ito at matangkad. Nahihiya syang aminin sa sarili nya na natulala siya sa mukha ng lalaki kundi lang nito ibinulsa ang pera niya. "Magnanakaw naman" putol niya sa kinikilig na kaibigan.

Bumukas ang elevator at nauna na siyang naglakad papunta sa lamesa niya. Umupo na din ang kaibigan na hindi kalayuan ang pwesto mula sa kanya. Kuniha niya ang mga barya sa bulsa at akmang ilalagay na sa bulsa ng bag ng mapansing marami ito. Wala sa loob na biniling niya ang pera at sa huli ay napakagat labi siya.

"Oh no, labis ng sampung piso ang barya ko"

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon