Chapter 8

56 2 1
                                    

"Buti na lang tinanggap mo ang alok ko sayo." bungad ni Romeo kay Stephen habang naghihintay sa pagbukas ng elevator.

"Kinakabahan nga po ako eh. Hindi ko talaga akalain ser, ang yaman nyo po pala talaga. Ang galing ah, hindi ko kayo nahalata noon" sagot ng kinakabahang binata. Ngumiti lang ang matanda.

Bumukas na ang elevator at pumasok na.sila. Napakapit ang binata nang umandar na ang elevator. Palibhasa ay noon lang nakasakay ito sa ganun. Napnsin naman ito ng matanda at lihim na napangiti.

"Relax ka lang iho" sabi ng matanda.

Napakamot na lang ang binata. "Hanep, kumakain pala talaga ng tanga dito" bulong ng binata sa sarili.

Bumukas na ang elevator at sumunod na si Stephen sa matanda. Naglakad sila papunta sa table ng mga sekretarya nya.

" Where's Wendy?" tanong ng amo sa empleyado.

Halos matulala naman si Nicka sa kasama ng kanilang amo."Yung lalaki kanina, shet ang gwapo pala sa malapitan" wika sa isipan ng dalaga.

"Hello?" natatawang kinumpas ni Romeo ang kamay niya sa kausap.

" Ay sorry sir, nag CR lang po sandali si Wendy sir" namumulang sagot ng dalaga sa amo habang palihim na sumusulyap pa rin sa binatang kasama.

"Hahaha, just tell her to go to my office" nakangiting saad ng amo.

"Okay po sir" sagot ng dalaga. Pumasok na ang dalawa sa loob habang hinahabol pa rin ng dalaga ng tingin ang binata.

---

"Sis! Grabe kinikilig pa din ako. OMG!" mahinang tili ni Nicka nang makabalik si Wendy sa pwesto nya.

"Anyare sayo? Tumigil ka nga baka marinig ka ni sir Romeo dyan eh. Teka andyan na ba sya?" tanong ng dalaga sa kaibigan.

" Ay oo sis andyan na sya, hinahanap ka. May kasama sya. Punta ka na dali" tulak ng kaibigan sa kanya.

"Oo na saglit lang, sino ba kasama nya?" tanong ng dalaga.

"Eh basta pumunta ka na lang, baka magalit si sir dahil ang tagal mo" nakangiting saad ng kaibigan sa kanya.

Tumayo na ang dalaga at kumatok na sa opisina ng amo niya. Naiwang nakangiti lang ang kaibigan sa pwesto nito.

Pumasok ang dalaga at nabungaran ang amo habang may kausap ito. Nakatalikod ang kausap nito kaya hindi niya ito makilala. Ngumiti ang matanda at sinenyasan siyang lumapit. Lumingon ang kausap ng amo dahilan para matigilan ang dalaga. Nagulat din ang ito ngunit bigla itong ngumiti ng nakakaasar. Parang gusto nang umatras ng mga binti ng dalaga nang masigurado kung ito nga ang taong yun.

Ang taoong hindi niya sinasadyang agawan ng barya at masama pa nito ay na sigawan at natarayan nya pa. Nagtataka siya kung bakit narito ang lalaking ito. Naputol ang pagtatagisan nila ng tingin nang tumikhim ang matandang amo.

"Come here Wendy, I'd like you to meet Stephen Madrigal. Stephen , this pretty lady here is Wendy Santos, my secretary" pakilala ng matanda na hindi pa rin nararamdaman ang pagkailang ng dalaga sa kasama niyang binata. Nag palitan lang ang dalawa nang ngiti.

" Wendy pakisamahan mo naman siya papuntang HR. Naitawag ko na sya kay Mr. Galvez" saad ng amo.

Sukat doon ay napayingin ang dalaga sa matanda.

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon