Chapter 12

55 3 0
                                        

Pasipol-sipol na nagma-mop ng patio si Stephen nang may tumawag sa kanya.

"Hi, salamat pala kagabi ah. Sinabi na sakin ni Nicky ang nangyari. Pasensya ka na din" bungad ni Wendy sa binata.

"Okay lang" tipid na sagot ng binata at ipinagpatuloy na uli ang ginagawa.

"Uhmm... galit ka ba? Pasensya na talaga ah" nahihiyang tanong ng dalaga.

"Hindi naman" sagot uli ng binata. Tila nakaramdam si Wendy nang pagkailang kaya dahan dahan siyang humakbang paatras sabay mabagal na pumihit patalikod. Nakailang hakbang na siya nang magsalita ang binata.

"Sa susunod kasi kapag may problema ka, wag ka magiinom kung hindi mo kayang maglakad pauwe" saad ng binata.

Tumigil sa paghakbang si Wendy at sinulyapan ang binata.

"Ang bigat mo pa naman, nakapa ko ang mga taba mo nung buhatin kita eh" dagdag pa ni Stephen sabay bungisngis.

Ang kaninang mukha na halos takipan na ng buhok nya ay nalantad. Mga labi na nahihiyang magsalita ay napalitan ng nanggigigil na postura. At ang mga kamay na nakatago sa likod ay tila may sariling isip at kusang tumikom nang mahigpit. Tumitig siya sa binata na may nanlilisik at nakakahiwang mga tingin.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" malumanay ngunit madiing tanong nang dalaga kay Stephen na noon ay bungisngis pa din.

"Huh? Wala! Wala naman akong sinabi. May narinig ka ba?" depensa nang binata.

"Anong wala, malinis bagong linis ang tenga ko! Ako? Mataba ako?" singhal nang dalaga sa binata. Walang sabing nilapitan niya ito at pinagkukurot sabay hampas sa braso nito. Tumatawa namang umilag ang binata ngunit pagpagatras niya ay natakid sya sa timba na nasa likodan niya. Wala sa loob na kumapit ang binata. Di niya alam na kamay pala nang dalaga ang nakapitan niya. "Aaayyy!" tili nang dalaga sa pagkagulat. Napatingin siya sa binata at nagulat siya nang makitang nakatingin din ito sa kanya.

Kasalukuyang nakahiga ang binata habang nakadapa naman siya rito. Matagal na nagpalitan ng titig ang dalawa.

"Ambigat mo talaga" saad ng binata na unang nakabawi sa kanilang titigan. Namula ang mukha ni Wendy at nagmadaling tumayo. Mabilis siyang naglakad palayo habang hawak ang kaliwang dibdib.

Mabilis ang tibok nang puso niya . Dahil ba ito sa pagkagulat o dahil sa pakikipagtitigan niya sa binata habang nakadapa sa katawan nito. Buti na lang at walang nakakita sa kanila kundi siguradong uulanin na naman sila nang tukso kahit alam nila na may nobya na ang binata.

Mula sa malayo, kita ni Mae ang nangyari. Alam niyang nagbibiro lang ang binata sa ginawa nito ngunit umahon ang sangkaterbang selos sa loob nya. Nilapitan nya ang binata na nagaayos nang mga gamit niya.

"Ang sweet huh" bungad ng babae. Napatingin ang binata at nginitian ang nobya.

"Hi babes, san punta?" tanong ng binata.

"Dyan lang sa boss mo, hindi ko makontak ang linya nyo. May ipapaayos daw sa lobby. Naisipan ko na din na puntahan ka pero mukhang abala ka sa pakikipagkulitan sa kaibigan ko" pairap na sagot ni Mae.

"Asus naman ang babes ko nagseselos. Samahan na nga kita tapos mamaya eh sabay na tayo mag lunch. Okay ba sayo?" paglalambing ng binata sabay hawak sa kamay nito. Kinilig ang dalaga ngunit tumatak na sa isipan niya ang reaksyon ng dalawa habang nakatitig sa isa't isa.

----------

Pumarada ang isang magarang kotse sa harap ng gusali. Lumabas ang sakay nito at iniabot sa guard ang susi.

"Manong Jax, kayo na po ang bahala" nakangiting saad ng ginang.

"Good morning po ma'am Annika, ako na po ang bahala" magalang na sagot nang matandang gwardya. Ngumiti lang ang ginang at nagtuloy na sa lobby.

"Mae, nandyan na ba si sir Romeo nyo?" bungad ng ginang sa receptionist.

"Ah kayo pala ma'am Annika, yes ma'am, kadadating lang po. Pasensya na po at hindi ko agad kayo napansin" sagot ng dalaga.

"Oh it's okay, just send someone here na lang kasi may mga dala ako na naiwan sa kotse. Ask manong Jax na lang sa key ah" sabi ni Annika.

"Naku ma'am, wala pong available right now kasi may nirerepair po sila sa basebasement eh... ay pwede ba ma'am siya na lang?" turo ni Mae sa nobyo na kalalabas lang ng elevator.

Nilingon ng ginang ang tinuro ng dalaga at agad naman niyang namukhaan ito.

"Pssst! Babes! Halika muna saglit" tawag ng dalaga.

"Yes beautiful? Ay! Good morning po pala" bati ng binata nang mapansin ang ginang.

"Babes pakikuha naman nang mga gamit ni ma'am Annika sa kotse nya tapos isunod mo na din sa opisina ni sir Rom ah. Ma'am sya na po ang magdadala nang mga gamit nyo" saad nang dalaga.

"Salamat uli iho ah. Sige kunin mo na lang muna yung mga gamit ko tapos sabayan mo na ako sa opisina nang asawa ko" sabi ng ginang.

"Ah sige po"

Tumigil ang dalawa sa harap nang lamesa ni Wendy. Mag isa lang siya ngayon dahil dayoff nang kaibigan niya. Abala ito na tumitipa sa computer kaya hindi niya namalayan na may tao na pala sa harapan niya.

TOK! TOK! Kinatok ni Stephen ang lamesa ng dalaga kaya nagulat ito.

"Ay kabayong palaka! Ano ba!? Oh my! Sorry po ma'am Annika kayo pala. Hindi ko po kasi napansin" nahihiyang tugon ng dalaga.

"It's okay Wendy, sige ituloy mo na ang ginagawa mo. Pasok na lang kami sa loob" nakangiting sabi ng ginang.

Tiningnan ni Wendy ang dahilan nang kanyang pagkagulat at tiningnan ito nang masama nang mapansing nagpipigil lang ito sa pagtawa.

"May araw ka rin sakin lalaki ka!" gigil na sambit niya sa kanyang isipan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Stephen, dapat hindi ka muna pumasok ngayon" sabi ni Romeo sa binata.

"Oo nga iho pero salamat talaga sayo ha, at pasensya na din kasi kundi dahil sakin eh hindi ka magkakaganyan." sabi naman ni Annika.

"Ah wala ho yun, nagkataon lang ho talaga na ako yung napadaan dun. Kung sakali naman ho na iba eh siguradong gagawin din naman yung ginawa ko" saad ng binata.

"Nagpapasalamat din ako sa ginawa mo iho para sa asawa ko. Gusto sana namin ibitahin ka sa anniversary namin bilang pasasalamat na din sa nagawa mo" sabi ng lalaki.

"Yes iho, sana pumayag ka. Sa sabado na yon" singit naman nang ginang.

Nagulat ang binata ngunit sa huli ay napakamot na lang siya sa ulo.

"Nakakahiya po. Wala naman po sakin yung nagawa ko eh, pero parang hindi ko po ..." alangan na sabi nang binata.

"Please iho, sige na, you can bring someone. Isama mo ang girlfriend mo kung nahihiya ka" giit nang ginang.

"Susubukan ko po. Pero diba mayayaman po ang mga bisita nyo? Sir Rom, alam nyo naman na allergic ako sa mayayaman eh, sa inyo lang hindi. Tapos wala din naman po ako isusuot eh" biro ng binata.

"Don't worry iho, may isusuot ka na, here" saad nang ginang.

"Wow eh di hindi na pala ako makakatanggi nito, salamat po ah. Nakakahiya naman" sabi ng binata.

"It's okay, basta wag kang mawawala sa anniversary namin ah, asahan kita. May ilang staff din naman na pupunta so for sure ndi ka mawawalan nang kakilala" sabi ni Romeo.

"Nakakahiya po talaga eh, pero salamat po at asahan nyo na darating po ako. Isasama ko na din po girlfriend ko para siguradong may kausap ako dun" sabi ni Stephen.

Ngumiti lang ang dalawa. Natutuwa sila at tinanggap nito ang paanyaya nilang mag asawa. Nagpaalam na ang binata at lumabas na ng opisina. Dinaanan niya si Wendy sa pwesto nito para batiin ngunit pagkakita pa lang dito nang dalaga ay masama na agad ang titig nito sa kanya. Umiling na lang ang binata at sumakay sa elevator.

___________________________________________________________

Author's note: pasensya na sa late updates tapos medyo maikli. Busy lang kasi. Bawi na lang ako next time. Just leave a comment if its good or not. thanks

Expensive HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon