Chapter 21
"Try to add a little pressure on the gas, okay that's it" sabi ni Romeo kay Luke.
Parang robot naman na nakatitig ang binata sa harapan at tila walang balak lumingon. Kasalukuyang tinuturuan ni Romeo si Luke na magmaneho nang kotse.
Gustong iparanas ni Romeo sa nawalay na anak ang dapat na noon pa ay tinatamasang buhay nito. Mula sa lugar kung saan nanirahan ito hanggang sa munting barong barong na inuupahan nang binata ay tila nakikita niya ang hirap na pinagdaanan nito. Nabanggit ni Luke sa kanya na isa sa mga pangarap niya ay ang magkaroon nang sariling kotse kaya naman kinabukasan din noon ay kumuha agad sila nang lisensya nang binata. Pagkatapos ay sabik na tinuruan sa pagmamaneho.
"Okay, we're gonna turn right now. Slightly step into the brake" mahinahon na saad ni Romeo.
Biglang may tumawid na pusa kaya nabigla sa pagyapak sa preno si Luke.
"WAAA!!" sigaw nang binata.
Napatawa naman ang matanda sa reaksyon nang binata kaya napakamot siya sa ulo.
"Sorry dad, nagulat ako eh"
"Okay lang Luke, relax ka lang. Ganyan na ganyan din ang mommy mo dati noong tinuturuan ko sya. Natakot talaga sya kaya kinabukasan eh sa driving school na sya nagpunta" natatawang kwento nang matanda.
"Dad ang hirap pala nito. Akala ko madali lang"
"Haha, sadyang ganyan sa umpisa anak. In due time makukuha mo din kaagad"
"Siguro kung kalabaw o baka ito, kahit nakapikit, kayang kaya ko" nakangiting sabi ni Luke.
Natawa na lang ang matanda sa sinabi nang binata. Tinuloy na nila ang naantalang pagaaral hanggang sa may tumawag sa telepono ni Romeo.
"Hon uwi na kayo. Handa na ang meryenda"
"Okay hon, we're on our way. Don't start without us"
"Okay"
Pagkababa nang tawag ay binalingan na niya ang anak. Tahimik na natatawa ang matanda habang pinagmamasdan ang walang lingon na si Luke. Nakatutok pa din ang mata nang binata sa karsada at kunot na kunot ang noo.
"Hey Luke, relax your shoulders and try to breathe. Nakaluto na daw nang meryenda sa bahay kaya umuwi na tayo"
"Okay po" sagot ni Luke pero tumigil ito sa tabihan nang karsada.
"Oh bakit ka tumigil?" nagtatakang tanong ni Romeo.
"May tali po ba kayo dyan dad?" tanong nang binata.
Kumunot ang noo nang matanda habang nakatingin sa anak.
"Bakit naman? Saan mo gagamitin ang tali?"
"Tatalian ko na lang 'to dad at hihilahin pauwi sa bahay. Mukhang mas madali kesa manehuhin eh"
Napuno nang tawanan at kulitan sa loob nang sasakyan habang pauwe ang mag ama.
----------
Tuliro si Mae sa upuan niya nang itawag sa kanya nang HR na hindi pinirmahan ang resignation letter nang nobyo.
"Bakit kaya? Ano kayang naging problema" tanong ni Mae sa isip niya.
Dumaan si Wendy kasama si Nicky sa desk niya. Lunch break kaya niyaya nila ito para kumain.

BINABASA MO ANG
Expensive Hearts
Roman d'amourSi Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pina...