Gosh, para ako'ng aso na naghihingalo para lang makalayo. Nandidito na ako sa food court,nagbabakasakali'ng nandito na 'yong dalawa.
"Frienny!" Boses 'yon ni Sarah. Nakita ko kaagad s'ya dahil sa kulay red nya'ng buhok. Sawakas makakapag-pahinga na rin. Grabe,ang layo ng tinakbo ko at syaka nangawit rin yong paa ko dahil sa pagiingat sa sahig na naka-tiles delikado na baka madulas ako nakakahiya sa mga tao'ng nakakita.
"Whaaahh,tubig!!!" Sakto naman naka-kita ako ng nagyeyelo'ng soda kaya nilagok ko 'yon. Mukha'ng kay Liza namam 'yon kasi nagreak s'ya.
"Wait,where have you been?"tanong ni Liza. "You look tired." Dugtong n'ya pa. Syempre halata'ng pagod ako. Ikaw ba naman magtatakbo sa sahig na naka-tiles tapos malayo pa 'yong pinanggalingan mo samahan pa 'yong kaba dahil sa pagmamadali na baka mabigwasan ka ng masungit na lalaki sa national bookstore,talaga'ng mapapagod ka.
"Whaahh,this is unbelievable!" Nahimasmasan na ako,buti naman. Napatingin sila'ng dalawa sa'kin at nawi-weirduhan sa mga kinikilos ko. Kailangan ba talaga'ng alam nila ang nangyari sa'kin? Ayaw ko na nga'ng alalahanin ang nangyari eh.
"What happened?" Ani Sarah.
"Frienny,isusumbong ka namin kay tita kung hindi mo sasabihin ang nangyari." Ani naman ni Liza. Ito tayo eh,kapag sumbungan na ang usapan.
Nai-kwento ko sakanila noon yo'ng lalaki'ng tatawag sana ng pulis tapos binaggsak ko nga yong phone. Nagkwento lang ako tapos nangihil na ng mapunta ang usapan doon sa lalaki'ng nakatapak sa kamay ko tapos tinignan ko 'yong libro na proweba ng pinag-awayan namin. Grabe,adik ata 'yon sa libro.
"So,baka magkita kayo sa school kasi sabi mo magkaparehas kayo ng tatak ng uniform." Ani Liza. Oo nga'yon nga ang problema ko,paano kung makita n'ya ako tapos paparusahan dahil sa ginawa ko pero hindi ko naman siguro kasalanan eh.
"Umalis na kaya tayo dito. Baka hinahanap pa ako ng dalawa'ng 'yon." Kinakabahan tuloy ako. Pero bago 'yon uubusin ko muna ito'ng ice cream na may stick-O na nakatusok. Sharap.
"Ang akala ko ba,aalis na tayo?"
"Saglit,sayang yong ice cream lalo na ito'ng stick-O!" Grabe ang sarap ng chocolate flavor,kailangan ko'ng maubos baka managinip ako mamaya'ng gabi. "Whaah,ang lamig!"
0___0 Oh,gosh hanggang dito ba naman!
"Tago,tago daliiii!!!"
Hindi naman magkanda-ugaga yo'ng dalawa. Ang lakas pa ng loob ko'ng ituro yo'ng dalawa na papaupo sa kabila'ng table.
"Halla,oo nga!" Mabuti nalang may malaki'ng menu dito sa table,kasya kami'ng tatlo. "Ang pogi nila!" Ani Liza. Ito na namam 'yong ngiti n'ya na labas ngipin. Nagpapa-cute na naman.
"Nasaan d'yan yong una mo'ng nakilala?" Para'ng bubuyog na bumubulong si Liza. Para nama'ng maririnig s'ya ng dalawa'ng 'yon ang layo-layo nila.
"Iyo'ng medyo maliit." Usal ko. Nag-uusap sila at todo pa ang ngiti nito sa kasama n'ya na ang sungit sungit ng itsura. Para'ng ikamamatay n'ya kapag ngimiti s'ya. Hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila pero para alam ko na dahil sa mga ekspresyon ng masungit na lalaki'ng kasama n'ya. Mukha'ng makimkim na tao s'ya.
"Ano kaya'ng level ng dalawa'ng 'yan at hindi ko sila kilala. Ano frienny Sarah?" Ani Liza.
"Oh....emmm...gieee!!!" Bigla pa'ng napatayo si Sarah. Bamuti nalang napigilam namin s'ya ni Liza sa gagawin n'ya. "No way!" Bulong pa n'ya. Ano'ng nangyari dito?
"Do you know them?" I asked.
"Friennies,alis na tayo ngayon na!"
Hindi ko sila naintindihan pero dapat nga na umalis na kami,delikado na baka makita ako. Normal lang kami'ng naglakad palabas. Palingon lingon pa nga kami sa likod namin para makasiguro lang na hindi kami nasundan.
BINABASA MO ANG
Sweet Lover (The Reality)
Teen FictionThe Book 2 Binigyan ako ng pangalawa'ng pagkakataon para mabuhay. ngunit ang kapalit no'n ay ang pagkawala ng aki'ng mga alaala. Marami'ng tanong na hindi ko kaya'ng sagutin hanggang sa dumating ang araw na nagiging kontento na ako sa bagong alaala...