Clarence Marie's Pov:
"Good morning iha." Bungad kaagad ni Manang kasama ang isa pa'ng katulong pagka-baba ko. Naupo na kaagad ako sa upuan at kinain na ang nakahain sa lamesa. "Hindi ka ba naka-tulog ng maayos? Tingnan mo iya'ng mata mo." Pinagmasdan n'ya pa ang mata ko kaya niyuko ko na 'yon. Nakaka-hiya naman,naka may muta pa ako. Tama siya,hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko kung paano ko kukunin ang bag ko sa kaniya. Hindi ako nakatulog kaiisip kung ano'ng gagawin n'ya do'n. May pagkain pa naman ako do'n.
"Opo manang."
"Gusto mo'ng umidlip muna. Maaga pa naman."
"Hindi na po. Papasok na po ako kaagad sa school para makalanghap ng sariwang hangin." Iyon nalang ang palusot ko. Last na inum ko na ng tubig at bago ako tumayo papalabas.
"Young lady,saan ang punta mo?" Nakaka-gulat aman ito'ng guard namin sa bahay slash driver ko.
"Papasok Mawi." Lahi ko siyang tinatawag na mawi kasi kamukha n'ya si Mawi sa moana. Yong dalawa shrek tapos Golem.
"E,nasaan po iyo'ng bag niyo?" Aiysh,salamat sa pagpapa-alala Mawi.
"Naiwan ko po sa school." Alibay ko nalang. Papasok nalang ako sa kotse dahil papasok na ako ng wala'ng dala na kung ano,hindi rin tuloy madadala 'yong isa'ng carton ng stick-O ko dahil wala ang bag ko.
"Mawi. Huwag mo na ako'ng hintayin mamayang hapon. Baka kasi may training kami ng cheerdance." Inform ko sa kaniya. Alam ko nama'ng muse lang ako do'n. May kutob rin ako'ng may mangyayari mamaya,hindu ko alam kung bad or good 'yon,be ready nalang.
"Copy young lady pero kailangan mo'ng sabihin sa akin kung saan pa ang punta mo. Malalahot ako a daddy mo kapag nawala ka." Thanks to your concern. Hindi na ako katulad ng dati na makikipag-habulan,nadala na ako. Hindi ko alam na grabe pala kung magalit si Daddy. Minsan narinig ko sila ni mommy na nag-aaway dahil kay ate Sammer,sigurado rin na nandoon rin s'ya habang nagagalit si Daddy.
Gano'n ba talaga s'ya? Hindi ko maalala. Gusto ko ng bumalik ang mga alaala ko para naman mahing buo na ulit ang pagka-tao ko. Papaano nga ba ako nawalan ng alaala? Nabagok siguro ang ulo ko.
"Si Daddy. Matapang ba talaga siya?" Bigla ko'ng naitanong 'yong kay Mawi. Kahit papaano sa masagot n'ya ang tanong ko.
"Hindi naman po young lady. Istrikto lang talaga siya sa lahat ng bagay. Lahat ng gusto n'ya dapat nasusunod sa maganda'ng dahilan." Sagot naman niya habang nagmamaneho.
"E,si mommy?" Hindi ko na dapat pa tinatanong 'yon dahil alam ko'ng mabait talaga si mommy.
"Hindi niyo na dapat pa'ng itanong iyan dahil kung ano'ng nakikita mo sa kaniya siya mismo 'yon." Tama si Mawi. Maamo ang mukha ni mommy,maalaga at mabait. Siguro nagmana siya kay lola.
Takot ako kay Daddy simula ng magising ako at naka-uwi sa bahay. Wala pa ako sa sarili ng mga oras na 'yon at wala pa ako'ng tiwala sa mga sinasabi nila. Pero habang tumatagal naman,unti-unti nila'ng nakuha ang loob ko hanggang sa naniniwala na ako sa mga sinasabi nila,hindi ko naman 'yon pinagsisihan dahil ito ako ngayon at maayos.
Katulad pa rin kahapon,may mga estudyante na naglalakad papasok ng building ang iba nasa garden at naka-tambay. May mga iba rin na do'n nila ginagawa ng mga homework nila.
Ang gaan ng katawan ko kasi wala ako'ng dala'ng bag ngayon. Hindi ko tuloy nagawa yong mga homework ko. Ang tanga ko,ano ba'ng pumasok sa isip ko at iniwan ko 'yong bag ko makatakbo lang. Siguro naman wala'ng nangyari'ng masama sa pink bag ko tapos yong.... yong stick-O ko!
"What should i do?" Wala ako'ng maisip na paraan para mabalik sa akin iyong bag ko.
"Hey Clarence!"
BINABASA MO ANG
Sweet Lover (The Reality)
Teen FictionThe Book 2 Binigyan ako ng pangalawa'ng pagkakataon para mabuhay. ngunit ang kapalit no'n ay ang pagkawala ng aki'ng mga alaala. Marami'ng tanong na hindi ko kaya'ng sagutin hanggang sa dumating ang araw na nagiging kontento na ako sa bagong alaala...