CHAPTER 26: A THING

2 0 0
                                    

Clarence Marie's Pov:

Nakaka-inis,nakakka-inis.... Gusto ko ng maluha eh kaso ayaw lumabas ng luha sa mata ko kaya itinakbo ko nalang. Buti nalang nag-flat shoes lang ako kaya nakakatakbo ako at hindi masakit sa paa.

Lagi ko'ng tanong habang tumatakbo. Nasaan na 'yon? Tinapon niya ba? Pwede ko pa ba'ng makuha?

Alam ko'ng napapalitan 'yon at pwede'ng pwede'ng itapon pero mahalaga sa akin 'yon.

"Marie, wait!" Hinabol ako ni Sarah,pero siya lang wala si Liza,baka naman kung anu-ano'ng sabihin no'n.

Nangangatog na ang tuhod ko at bumabagal na rin ang takbo ko. Sobra'ng hingal ako dahil sa ginawa ko'ng pagtakbo. Nasa dulo na kami ng hallway na malapit sa madilim na sulok. Sa kikod kasi ng Café may parking lot. Sasakyan ni Sarah 'yong sasakyan na gamit namin ngayon papunta'ng university,dumaan lang kami dito para bumili ng extra pagkain na kakainin namin mamaya sana sa garden before magsimula ang klase. Friday na ngayon kaya kaunti nalang ang mga subject na papasukan namin.

"Finally,huminto ka na rin. Grabe.... hiningal ako kakahabol sa'yo." Ani Sarah.

"Pasensya na." Hinihingal ko'ng sabi,pero hindi ko alam kung narinig na 'yon dahil naghahabol rin siya ng hininga niya.

"Okay ka lang ba? Bigla ka nalang tumakbo." Aniya. Sa tingin ko okay na siya,hindi na siya humihingal. Napa-pumas ako ng noo ko gamit ang forearm ko na animoy may pawis. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kaniya ang dahilan ko. Maski ako,gusto ko'ng magtanong kung bakit ako tumakbo. Siguro valid naman anh reason ko kung sasabihin ko'ng naiinis ako sa lalaki'ng 'yon dahil hindi niya binalik yong pahmamay-ari ko.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Pakiramdam ko may mga bagay ako'ng gusto'ng idahilan sa kaniya ngunit hindi ko naman alam kung ano ang mga 'yon. Mahalaga sa akin ang bagay na 'yon.

FLASKBACK.

4 MONTHS AGO.

Naghahalugad ako sa kwarto ko dahil may mga bagay ako'ng gusto'ng maalala kahit na kaunti lang. Wala nama'ng masama kung gagawin ko ang manghalugad dahil akin naman ang kwarto'ng ito. Naisip ko kasi na ang mga bagay dito ang magpapa-alala sa akin,kung wala pa rin talaga ako'ng maalala ayos lang,sinubukan ko naman kahit na papaano.

Sinumulan ko'ng maghalugad sa malaki'ng lagayan ko ng mga damit. May mga nakasambay na matitingkad ang kulay at suot pang-mayaman. Tinitigan ko iyo'ng mga 'yon hindi sa pinipilit ko'ng alalahanin kun'di dahil nagagandahan ako. Napa-isip tuloy ako. Ako ba ang nagsusuot ng magagara'ng damit na ito? May mga palamuti kahit saan,mga bulaklak na iba't iba'ng klase at higit sa lahat isa'ng damit na naka-balot sa isa'ng supot. Mukha'ng bago pa ito kaya naman tiningnan ko tutal ito ang kumuha ng atensyon ko.

Wala'ng kadise-disenyo,hindi katulad ng iba'ng damit na nakita ko,lila ang kulay nito ngunit magpagka-itim. Kahit wala'ng mga disenyo ng bulaklak mayroon pala ito'ng kumikinang na maliliit na para'ng kristal.

Nilabas ko iyon sa supot at pagka-alis ko may nahulog na kung ano sa sahig.

'Hand...Sa..ni..ti..zer... ni.... Clarence Marie.'

Sa'kin ba ito?

Binuksan at inamoy ko pa yon. At ang bango-bango sobra,pwede kaya ito'ng kainan? Mukha'ng masarap.

Naiisip ko na,baka ito na ang sagot para maka-alala.

END FLASKBACK

Ginagamit ko lang ang hand sanitizer na 'yon kapag kailangan na kailangan lang. Hindi ko nga alam kung bakit basta-basta ko nalang iyon ipinaubaya sa tao'ng 'yon. Nakaka-inis,iyon pa naman ang isa sa mga gamit ko na madali ko'ng dalahin para kapag nag-iisip ako ng mga kung anu-ano tititigan ko lang 'yon at nagbabakasakali na maka-alala. Lagi ko'ng ginagawa yon pero wala pa rin,wala sa akin ang salitang nakakasawa dahil gusto'ng gusto ko na talaga'ng maka-alala.

Yong hand sanitizer ko... Gusto ko'ng ibalik niya 'yon.

"Clarence Marie,ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Tanong ni Sarah. Bakitt n'ya pa ako tatanungin ng ganiyan sa tingin ko naman alam niya kung ano'ng dahilan ko.

"M-mahalaga kasi sa akin 'yon. 'Yon nalang ang bagay na magpapa-alala sa kung ano ako dati. G-gusto ko ng maka-alala at habang tumatagal mas nagiging determinado ako na humanap ng paraan para lang maalala ko ang lahat." Naluluha na ako at ayaw ko ng ganito. Nagiging emosyonal na naman ako. Ang aga-aga ganito ang nangyayari.

"Akala ko naman naiintindihan niyo ang sitwasyon ko. Kung nahihirapan na kayo'ng intindihin ako....mas nahihirapan ako'ng intindihin ang buo'ng pagkatao ko. Pakiramdam ko,kulang na kulang ako kahit na isipin ko'ng nandi-dito kayo'ng lahat sa tabi ko." Anas ko. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko,nahihirapan na kasi ako sa sitwasyon ko. Para'ng binibiyak ng unti-unti ang ulo ko dahil sa kaka-isip.

"Marie." Malambing na usal ni Sarah. "Im sorry,kung nahihirapan ka,wala kami'ng magawa para maging okay ka ulit." Dugtong nito. Para'ng may gusto pa ata siya'ng sabihin pero hindi na niya tinuloy.

"Marie,malalagpasan mo ito'ng lahat."

"Tama,nalalagpasan ko ito. Balang-araw magiging okay ang lahat." Pilit ko'ng pinapaniwala ang sarili na magiging okay ang lahat,may pag-asa pa ako kung patuloy ako'ng gagawa ng paraan.

Umupo ako sa sahig para kumalma. Ano ng gagawin ko ngayon? Nawalan na naman ako ng isa'ng bagay para maka-alala. Magsisimula na naman ba ako sa umpisa? Hahanap na naman ba ako ng mga bagay para pagkamalan ko'ng dahilan para maka-alala? Tama ba na dumipende ako sa mga bagay na nakikita ko lang. Kasi iyon lang naman ang mga naiisip ko'ng paraan. Wala'ng nagsasalita about sa nangyari sa akin,para'ng may itinatago sila na kapag nalaman ko ay ika-sisira ng ulo ko. Ayaw ko'ng mag-isip ng kung anu-ano pero madalas na iyon ang sumasagi sa isip ko. Ayaw ko'ng isipin na kasangkot sila Sarah at Liza dahil wala na'ng dahilan para isipan ko sila ng masama,mula't sapul sila na ang kasama ko.

"Hey." Ani Liza. Andito na pala siya,hindi ko man lang napansin. Tsyaka lang ako tumayo ng huminto si Liza sa harap namin. Pinagpag ko ang pwetan ko na inupo ko sa sahig tapos sumakay na sa sasakyan.

"Tara na,male-late na tayo." Aniko.

"S-sige." Tugon ni Liza.

Nanlulumo pa rin ako syempre,hindi na maalis ito ngayo'ng araw. Wala na ako sa mode o kung ano ma'ng kainte-interes na mga bagay sa paligid.

Tahimik ang byahe namin. Wala'ng umi-imik sa dalawa. Napapatingin nalang ako sa labas. Boring pero wala ako'ng paki-alam basta tinitingnan ko lang ang mga puno,bahay,stores,tao at side walk. Samantala ang dalawa ay sa harapan lang nakatingin. Alam ko naman na nagtitinginan na sila, ano ba'ng magagawa ko? Isipin na nila na napaka-big deal ng simple'ng bagay na 'yon pero totoo naman na big deal sa akin yon,inaamin ko. It is not just a simple thing. This is something that many people believe is unimportant and easily discarded,yet it is a very important thing to me that they will never understand.

Sweet Lover (The Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon