Stick-O,stick-O. Nawawala ang stick-O ko! Huhuhuh!
Kumakanta lang ako sa isip ko habang nangungulila sa pag-kain ko. Nagluluksa ako a pagkawala ng stick-O ko. May kumain at ang huling humawak lang ng bag ko ay ang mr. Sungit na 'yon. Wala'ng hiya 'yon,wala'ng modo. Kinain niya yong stick-O ko. Kung nilagyan ko 'yon ng lason siguro bumubula na ang bibig niyon kagabi. Nakaka-inis.
'Wala man lang kapalit!'
Hinalughog ko lahat ang sulok ng bag ko,pati maliliit na bulsa sa loob. Swerte ko may mga candy doon katulad ng maxx,potchi at gummy bears. Sakto'ng sakto naman na wala'ng teacher dito sa room,halos lahat nga nagda-daldalan. Ang iingay nila lalo na yong mga kaklse ko'ng babae na nag-effort pa'ng tumongtong sa upuan para lang kumanta sa harap ng aircon. Mayroon ri'ng nagdo-drawing sa board,sa tingin ko nag-lalaro sila. May mga naka-upo tapos huhulaan nila kung ano 'yong naka-drawing. Napapatawa rin ako ng panuorin ko sila. May naka-draeing na para'ng manok. Eh,bawal nama'ng magsalita yong nakatayo at nagdo-drawing sa board,dapat yong mga naka-upo lang ang magsasalita at sasabihin ang tama'ng sagot.
"Chicken!"
Umiling ang lalaki.
"Pato!" Umiling ulit!
"Kalabaw?" Napapasabunot siya sa buhok niya,madali na nga lang hindi pa mahulaan.
"Ibon!!" Umiling siya ulit.
"Ano ba 'yan!" Reklamo ng nanghuhula. "Ang hirap!" Nasabi na nila ang uri ng ibon at manok pero wala pa rin. Unti-unti ng nauubos ang oras hanggang sa wala ng patira pa.
"Iguana 'yan,tanga!"
"Vovo ka ba? Iguana pero dalawa lang 'yong paa. Mukha nama'ng manok 'yan eh!" Reklamo ng isa'ng nanghuhula. Oo nga naman,papaano naging iguana 'yon eh mukha'ng chicken 'yong itsura. Hindi pa siguro siya nakaka-kita ng iguana hahahaha.
On the other side,busy ang mga kaklase ko sa mga katabi nila. Nag-uusap sila,may mga mag-girlfriend/boyfriend rin dito,naglalabing kabing pero hindi naman 'yon problema sa'kin kahit na nasa harapan ko pa sila'ng naglalambungan. I grimaced,inalis ko nalang ang tingin sa kanila,hindi ako komportable.
Sa mga candies na nasa bag ko. Nagbukas ako ng maxx,red ang kulay n'yon. Dalawa'ng candy ang binuksan at sinubo ko. Hindi ko trip ngayon ang gummy bear at yong potchi,kasi 'di naman sweet ang mood ko ngayon. Sa ngayon, cool lang ako.
Sunod-sunod ang quizes namin pagka-dating ng teacher. Nakaka-stress na nakaka-antok. English literature ang pinag-aaralan namin,gusto ko ma'ng makinig pero ayaw naman ng utak ko. Hindi ko naman pwede'ng pilitin dahil sumasakit ang ulo ko pero wala naman ako'ng matutu-tunan kapag pinagpatuloy ko ang hindi pagkinig sa kaniya. Tumingin naman ako sa notebook ko. Halla,hindi ko man lang napansin na nakapag-guhit ako ng hindi kaaya-aya. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Paano ba naman kasi,hindi pa rin ako maka-move on sa pagkawala ng stick-O ko. Hindi naman na ako babalik sa lungga ng mga hudas dahil baka mas nagiging malala ang mangyari sa akin.
Natapos ang klase. Sawakas. Makaka-kain na ako,katilad kahapo ay nagyaya si Liza na mag-shopping,may kalahating oras lang ang break namin kaya hindi ako sigurado kung sapat 'yon para makapag-tambay sa mall kahit na malapit lang dito sa university.
"Clarence Marie. Saan ang punta mo?" Hinaharangan ako ng kaklase ko. Siya yong kasama ko'ng cheerdancer noo'ng tinakbuhan ko si mr. Sungit. Ang pangalan niya ay Abby.
"Ikaw pala,abby. Niya-yaya kasi ako ng mga kaibigan ko mag-Mall."
"Hindi ba kayo makiki-practice sa amin? Mamaya na ang simula ng practice dahil i-a-announce na next week kung kailan ang sportfest," Pagbibigay niya ng impormasyon sa akin. Naisip ko lang kung,pupunta kami sa mall,mami-miss na namin ang mga step. "Samahan kita sa mga kaibigan mo para alam din nila ang mga magaganap next week." Prisenta nito. Wala naman na ako'ng nagawa ng hilahin niya ako papunta sa room ng mga kaibigan ko. Kalalabas lang ng teacher nila kaya nag-greet kami ng kasama ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Lover (The Reality)
Teen FictionThe Book 2 Binigyan ako ng pangalawa'ng pagkakataon para mabuhay. ngunit ang kapalit no'n ay ang pagkawala ng aki'ng mga alaala. Marami'ng tanong na hindi ko kaya'ng sagutin hanggang sa dumating ang araw na nagiging kontento na ako sa bagong alaala...