CHAPTER 33: CAMPSITE

9 0 0
                                    

Clarence Marie's Pov:

"Pick your class representative kasi hindi pwede ang presidente at Vice President ninyo,they have businesses related sa mga activities na gagawin natin." Ani ng instructor namin.

"Si Clarence Marie po,sir!"

"Come in front,iha." Ani ng instructor namin na sinisenyasan pa ako'ng lumapit.

Wala na ako'ng nagawa dahil pinagtutulukan nila ako'ng pumunta sa harapan.

"Huwag ka'ng kabahan. All you need to do is to assemble your classmates and headcounts before and after ng activities." Usal ng instructor. "Babalik rin naman ang President at Vice President ninyo para i-check ulit kayo."

"By the way class,hihingi muna kayo ng permiso sa'kin kung may pupuntahan kayo. Dapat alam ko kung saan kayo pupunta at kung ano'ng gagawin niyo dahil ako ang mananagot kapag may nangyari sa inyo'ng masama dito sa lugar na ito." Usal na naman ng instructor.

"Yes,sir!!!" Sigaw ng mga kaklase ko.

"Get your things now at sumunod kayo sa'kin."ani ng instructor.

Kinuha ko na ang mga gamit ko. Mabuti nalang malaki yong dala ko'ng maleta tapos isa'ng bag pack. May sinasabi ang mga instructor kaya naman nakinig  ako,ako ang nasa harap ako kasi ako ang class representative. Nahihiya ako ngayon palang. Hinanap ko yong dalawa ko'ng kaibigan pero iba ang nakita ko.

Si mr. Sungit. Sumama pala ang tao'ng 'toh? Akala ko naman hindi ko siya makikita dito.

"Frienny!" Nadinig ko yong sigaw ng dalawa kaya naman kumaway ako. Ang ingay nito'ng dalawa kahit kailan. Nahagip ng mata ko yong babae'ng forth year,yong babae'ng nanampal sa'kin, yong babae'ng hindi ko gusto yong ugali. Ang taray,ang sama maka-tingin sa'kin,para'ng gusto ako'ng burahin sa mundo'ng ito ura-urada.

Napalunok ako nang magsink in sa utak ko kung bakit nasa harapan siya. Ibigsabihin class representative rin siya. Sana hanggang dito lang ang gaganapan ko'ng role.

After ng speech ng mga instructor pinagpahinga kami. Pinayagan kami'ng gumala rito pero huwag lang daw lalayo. Nandidito rin kasama namin ang mga may-ari ng camp.

"Frienny,kamusta ang byahe kanina?" Ani Liza.

"Okay lang naman,pero kanina doon sa daan papunta dito,may something ako'ng narinig na bunggo ng sasakyan,pero wala nama'ng narinig yong mga kasama ko. Siguro iba lang yong narinig ko." Usal ko sakanila. Nag-sabi ako sakanila ng nangyari kanina. Wala naman sila'ng imik kaya nagpatuloy ako sa magku-kwento.

"Gutom lang 'yan girl. Wala ka'ng nginunguya sa byahe 'noh?" Ani Sarah. Umiling ako, umiidlip nga lang ako kanina.

"Huwag mo na isipin 'yan. Mag-picture nalang muna tayo!" Ani sarah.

"Yeah! B.T.W, ikaw ba ang class representative ng klase ninyo?" Tanong ni Liza. Tumango ako.

"Good luck frienny. Alam mo ba dati,ikaw lagi ang representative ng klase natin. Kaya palaging panalo." Ani sarah.

"Ano kaya ngayon? Magagawa ko pa kaya yon?" Ani ko. Hindi ko maalala pero iniisip ko nalang na ginawa ko 'yon.

"Kaya mo frienny. May word tayo'ng confinent!" Ani Liza na naka-chin up pa.

Tinanaw ko ang maganda'ng view sa malayo mula dito. Ang ganda dito,ang sarap ng simoy ng hangit nakakapang-kalma. Nagtatayo ng malalaki'ng tent ang mga senior at mga instructor, may mga iba na abala sa pagkuha ng mg litrato. Siguro naman pwede ako-ng maglakad-lakad dito,hindi naman ako lalayo eh, hahanap lang ako ng lugar na medyo tahimik at malakas na simoy ng hangin. Kaya nga nagdesisyon ako'ng sumama dito sa fieldtrip na ito.

Sweet Lover (The Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon