CHAPTER 17: Dream

9 2 0
                                    

Clarence Marie's pov:

Kakaisip ko hindi ko na nagalaw pa ang pizza na in-order ni Liza kanina bago kami umuwi. Nasa bahay na kami pero feeling ko nasa kalawakan ako at lumulutang.

Kanina,hindi ko maintindihan kung bakit wala'ng nagflashback na alaala sa akin. Wala'ng image na mag-pop up sa utak ko. Mas naguluhan ako sa nangyayari sa akin. Ila'ng beses ko na ba'ng nasabi na gusto ko ng maka-alala. Nakakapagod na lagi ko'ng iniisip na sana maalala ko ang lahat pero wala pa rin.

"Galit ka pa rin ba?" Tanong ni sarah. Ang tinutukoy niya ay iyo'ng matagal sila'ng naka-balik sa gym,ang akala ko matagal lang sila'ng magshower iyon pala nakipag-chilahan lang sa mga crush nila. Iyon pala ang sinisigawan nila kanina at pinagkakatuwaan kaya kinikilig habang naglalaro ang mga players.

"Huh? Hindi."

"Don't deny it. Galit ka."

"No,no. I'm not,it's okay!" Kanina pa ako nagsasabi na hindi,okay lang,ayaw naman nila'ng maniwala,ang kukulit,gusto nga ata nila ako'ng magalit eh. "Huwag paulit-ulit,Sarah. Sabihin mo nalang kung sino iyo'ng mga kinausap ninyo." What i mean is iyo'ng chinika nila,kamusta naman kaya ang pangfi-flirt.

"Yieeehh!!! Kenekeleg akesh!!!" Para siya'ng nabudburan ng asip dahil sa kalikutan sa kinauupuan niya. Nagtanong lang ako,mukha'ng ikamamatay na niya ang kakiligan! But i smiled.

"Ano,mag-kwento na kayo." Sakto kararating ni Liza galing sa loob,kumuha siya ng juice na nasa pitcher. Sino ba ang mga 'yon?" Sunod na tanong ko.

"Nakita mo ba 'yong kambal na basket ball player kanina?" Ani Sarah.

"Mmm."

"Yong isa doon,'yon ang crush ko!" Ani Sarah.

"So yong isa crush naman ni Liza?"

Tumango sila,as usual kinikilig sila'ng dalawa. Mapansin ko nga ang kambal kanina habang naglalaro pero hindi ko naisip na kambal sila baka kasi naduling lang ako. ^__^"

"Teka,paano niyo nalaman kung sino sa dalawa ang crush ninyo?" Kung ako 'yon hindi ko kaagad naa-identify kung sino ang crush ko sakanila but fyi,wala ako'ng crush do'n for example lang.

"My crush is always wearing an small earring on his left ear." Ani Liza. "Kapag naman wala siya'ng suot na earring lagi ko'ng hinahanap ang panyo niya na may letter J." Dugtong niya.

"Ako naman,tinitingnan ko ang lakad niya. Magkaiba kasi sila ng lakad. Minsan binabase ko sa maliit na letter J na tattoo sa gilid ng daliri niya sa hinliliit." Sagot naman ni Sarah.

"Same na J?"

"Uhuh, ang name nila ay Jack at Jick. Si jack ang matanda ng ila'ng sigundo." Sagot naman ni Liza. Para'ng alam ko na kung sino ang crush nito. Nakikinig ako sa kwento nila habang kumakain. Mabuti nalang nalibang ako kahit papaano,na enjoy ko ang pagkain ko at nawala ang naiisip ko kanina.

Naabutan na ng gabi ang dalawa sa pag-uwi,katulad ng dati nandidito si lola,naabutan pa nga niya ang dalawa ko'ng kaibigan. Nagkwentuhan sila pero hindi rin 'yon nagtagal.

"Mag-iingat kayo." Sabi ko. Pinahatid ko na sila kay Mawi para safe sila maka-uwi. Nasa iisa'ng subdivision lang kami pero nasa kabila'ng kanto pa ang bahay nila.

"Young lady,pumasok na po kayo sa loob,gabi na." Usal ni mawi. Napa-pout ako,nag-wave nalang ako sa dalawa na nasa loob na,naghihitay na tumakbo ang sasakyan. Nauna ako'ng pumasok dahil sa sinabi ni mawi sa akin. Wala pa rin ako'ng alam kung bakit ang istrikto ng mga tao dito sa bahay,maliban lang kina mommy at ate Sammer.

Speaking of... hindi pa umuuwi si Ate,baka nasa dorm yon. Wala pa sila mommy at daddy,baka hindi sila uuwi dahil busy sila sa trabaho. Si lola na naman ang makakasama ko sa kainan ngayo'ng gabi.

Sweet Lover (The Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon