Chapter 22: BONDING WITH STRANGERS

5 1 0
                                    

Clarence Marie's Pov:

"Tsk."

Doon lang niya ako tinulungan ng nadapa na ako. Bugok ba ulo niya?

"Here."

"Hah? Bakit d'yan?"

"Ayaw mo,edi paglakad ka."

>/////<

Mas pipiliin ko'ng maglakad nalang kaysa naman magpiggyback ako sa'yo. Nakakahiya at nakaka-ilang.

"Ano,wala nama'ng magagawa ya'ng tingin mo kaya sumagot ka."

Napa-pout nalang ako at pumunta sa likod niya. Gosh!!! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko! Siya na rin ang humawak ng sapatos ko at nakakahiya rin yon para sa akin. Andoon rin yong medyas ko.

"N-naka-palda ako." Pagpapa-alala ko.

"Wala'ng sisilip sa'yo dito."

Aba!!! Para'ng sinasabi niya rin na wala'ng makikita sa akin ah. Para'ng may pang iinsulto! Sarap batukan sa totoo lang.

Tahimik ako habang nasa likod niya pero yong puso ko talaga ang lakas ng kabog. Sana hindi niya naramdaman,nakakahiya baka may maisip siya na kung ano.

DUG....DUG...DUG...DUG...DUG...DUG...

>___<

Ayaw pa rin tumigil sa pag-kalabog.

"Do you want to run again,right?"

"H-huh?" Hindi ko alam ang sinasabi niya o pinupunto niya sa tanong na 'yon kaya nanahimik na ako habang naka-hawak sa magkabilaan niya'ng balikat.

Ano naman sa'yo?

Hindi ko inisip na magka-problema siya sa bigat ko,wala naman ako'ng sinabi na ibakay niya ako,siya ang nagpresinta kaya wala'ng iba'ng dapat sisihin kun'di ang sarili niya.

Naka-rating kami sa cottage,may nakita ako'ng dalawa'ng bata na naka-upo habang papalapit naman sa amin ang bata na kausap ko kanina.

"Kuya pogi,okay lang ba si ate ganda?"

"Oo naman,daig niya nga ang chita kung tumakbo." Pang-aasar niya. Hindi nakakatawa 'yon pero natawa ang bata.

"Kuya pogi!!!" Tawag ng dalawa'ng bata.

Napatingin nalang ako kay Zyleer. Mula dito sa likod kahit na three-fourth lang ang nakikita ko'ng mukha niya alam ko naka-ngiti siya. Oo nakangiti. Kilala niya kaya ito'ng mga bata'ng 'to?

Binaba niya naman ako sa upuan pagka tungtong namin sa cottage. Kahit papaano naman may ilaw dito. Pati sa paligid may mga maliliit na mga bumbilya na naka-sindi,para'ng mga Christmas light na naka-sabit sa mga puno.

"Kuya pogi,girlfriend mo ba siya? Ang ganda niya kasi."

"Mas maganda ka sa kaniya." Usal niya sa bata.

"Ate ganda,Foreign ka po ba?" Siniri niya pa ang mukha ko. "Mukha ka'ng koreana eh." Dugtong ng batang lalaki.

"A-ah,Pure pilipino ako,mukha lang pero hindi." Natatawa'ng usal ko.

"Ate ganda. Ang sarap naman po nito!" Sahi no'ng bata.

"Sorry,isa lang binili ko." Ani ko. Pero okay lang 'yon marami naman,pwede nila'ng paghati-hatian.

"Ayos lang 'yon ate ganda. Parehas kayo ni kuya pogi."

Huh? Ano'ng parehas kami?

Napatingin pa ako sa kaniya. Wala siya'ng reaksyon habang naka-tingin sa mga bata na binubuksan lahat ng naka-styro na pagkain. Napa-isip tuloy ako bigla sa kaniya, tahimik siya'ng tao at nasasabi niya kaagad kung ano ang gusto niya'ng sabihin, pabalang siya'ng magsalita kaya kahit sino maiinis sa kaniya.

Sweet Lover (The Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon