CHAPTER 31: THE DAY

1 0 0
                                    

Clarence Marie's Pov:

"Grade 9 section C,assemble here!" Sumigaw ang isa'ng instructor na naka-assign para sa maayos na pila ng mga estudyante. Naghe-head counts siya sa buo'ng section ng grade 9. Maaga ako'ng nag-impake at dumating dito sa meeting place. Syempre dito lang sa parking lot ng university. Bale,may apat na malalaki'ng school bus na naka-park ng sunod-sunod at marami'ng estudyante na ang naka-pila.

"I....2....3....4....5....5....6.....7....8....9...10..." Sari-sarili'ng bilang namin. Hindi ko kasama sila Sarah at Liza dahil grade 10 na sila. Kaya ang makakasama ko sa byahe ay iyo'ng kasama ko sa cheerdance. Nandidito na sila Sarah at Liza,syempre maaga rin sila dahil excited sila. Inilabas namin ang mga consent namin at ipinasa sa instructor. Nag-alphabetical order rin kami'ng isinakay na sa bus.

"Ikaw? Ano ya'ng hawak mo?"

"P-pagkain lang po sir."

"Pagkain nga ba?" Lumapit ang instructor sa kaklase nami'ng chubby at kumuha ng chips sa kinakain ng kaklase ko. "Akin nalang 'to." Ani ng instructor ng makita ko ang hawak niya'ng maliit na lata ng beer. "Bawal ang beer sa fieldtrip na ito. Kung sino pa ang may mga dala ng ganito,hindi kayo makaka-sama." Pananakot ng instructor. Pinababa naman yong chubby nami'ng kaklase at pinatingin ang gamit niya. Hindi lang pala siya ang gagawa n'yon kun'di kami rin,lahat kami.

"Good,pumasok na ang mga nagpa-check na." Usal pa ng instructor.

Nakapasok na rin ako sa wakas. Makaka-upo na rin. Nilagay ko na sa itaas yong maliit na maleta ko habang yong bag ko yakap-yakap ko.

"Clarence Marie,nakaka-excite 'noh?" Ano ng katabi ko. Tumango nalang ako at hinihintay na umandar ang sasakyan.

"6:30 na ah. Dapat kanina pa tayo naka-alis." Dugtong niya pa. Naka-limutan ko na ito'ng pangalan niya. Magkak-klase kami at madalas na nag-kakausap pero malgi ko'ng nakakalimutan ang pangalan niya.  "Iidlip na nga lang muna ako." Mabuti naman at maiidlip siya.

"Wala ng bababa ng bus. Ila'ng minuto nalang aalis na tayo." Usal ng instructor na nasa harapan katabi ang driver.

Dumungaw nalang ako sa may bintana para silipin ang iba'ng mga estudyante na pumapasok sa bus. Agaw atensyon sa'kin yong lalaki'ng tumatakbo papunta sa isa'ng bus. Kung hindi ako nagkakamali ng nakikita si Renz,'yon? May dala siya'ng dalawa'ng huge bags at mukha'ng mabibigat ang mga 'yon. Tinitigan ko siya mula sa malayo. Mukha talaga siya'ng mabait,maamo ang mukha at para'ng hindi gagawa ng masama o kung ano. Basta yong tipo'ng hindi siya mag-iisip ng masama sa kapwa niya,yon ang nakikita ko.

Nang makalapit na siya sa bus kasunod nama'ng nakita ko si mr. Sungit.

Dug.....dug.....dug dug.......dug dug.....

Gosh, bakit bumilis ang tibok ng puso ko?

Napahawak ako sa dibdib ko habang hindi maiwasa'ng titigan si Zyleer. As usual,hindi maipinta ang mukha niya,parati nalang ang seryoso ng mukha,nakakatakot lapitan at baka mangagat pero syempre 'di ako magpapasindak sa kaniya.

Doon rin siya sumakay sa bus na sinakyan ni Renz. Mukha'ng mag-best friend sila pero bakit hindi same ang ugali nila? Buti natitiis ni Renz ang katulad ni Zyleer, ang sungit-sungit habang siya masayahin. Nawala tuloy bigla yong antok ko sa kaka-isip. Hindi ko na nga rin namalaya na tumatakbo na pala ang bus na sinasakyan ko. Hindi ko na makita yong bus na sinakyan ng dalawa.

"Sana makita ko yong crush ko!"

"Oh,tapos... ano'ng gagawin mo?"

"As usual,sosolohin ko siya. Dadalhin ko siya sa lugar kung saan dalawa lang kami. Tapos sasabihin ko naliligaw ata kamo tapos... sa sobra'ng takot ko mapapayakap ako sa kaniya then yayakapin niya rin ako ng mahigpit na mahigpit!!" May kaklase ako'ng nag-uusap hindi ko sinasadya'ng malinig 'yon. With action pa ang mga sinasabi niya about sa crush niya. "Dahil sa sobra'ng lapit namin sa isa't isa mararamdaman namin yong spark,yong kuryente na dumadaloy sa ami'ng mga katawan at magko-cause iyon ng init,yong init na unti-unti'ng lumiliyab tapos......tapos...."

"Then?"

Hindi naituloy ng kaklase ko ang pagsasalita ng mapansin niya na nakikinig pala ang instructor namin sa kaniya kanina pa. Marami'ng nagbungisngisan dahil sa reaksyon niya.

"H-heh...wala po sir."

"Sino ba 'yang crush mo? Ano'ng grade at section?" Kuryosidad na tanong ng instructor.

"Wala po sir! Joke ko lang po 'yon!"

"Una'ng-una hindi namin papayagan ang mga estudyante na pumunta kung saan-saan. Marami'ng makaka-kita sainyo kung saan ang punta ninyo. Delikado kung hihiwalay kayo sa mga kasamahan ninyo lalo na at hindi kayo pamilyar sa lugar. At kung ay mangyari sa inyo'ng masama kami ang mananagot,kaya sana kung ano man yang tumatakbo sa utak niyo sa lugar na 'yon,paki-usap siguraduhin niyo lang na hindi kayo mapapahamak at hindi niyo kami idadamay!" Mahabang paliwanag ng instructor. Wala'ng umimik sa amin.

"Maliwanag ba ang sinabi ko?"

"Yes,sir!"

"Good. Ila'ng oras pa ang byahe. Umidlip muna ang gusto at yong iba,manahimik nalang kayo." Ani instructor.

Sakto naman dala ko yong earphone ko. Magpapatugtog nalang ako.

When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see are the made of gold.

In-volume ko lang ito ng 6 tapos pinakiramdaman na ang kanta. Sakto lang ang bilis ng bus na sinasakyan namin,hindi ko matanaw sa likod ang bus na sinasakyan nila Sarah,nabi-boring ako dito,gusto ko ma'ng kausapin ito'ng katabi ko pero sa tingin ko kapag nagsimula na ako'ng kausapin siya at kapag naubusan na ako ng sasabihin siya na ang nagtutuloy hanggang sa wala ng hintuan ang bibig niya sa kakasalita. Kaya naman naisipan ko nalang na umidlip kahit na mataas na ang araw. Sinabi ng mga instructor kung saano'ng lugar kami pupunta pero nakalimutan ko na. Basta,pagdating namin doon hahanap ako ng paraan para mapag-isa,para makapag-isip sa tahimi na lugar kung saang hangit at mga ingay ng puno lang ang maririning ko. Sana sa paraa'ng 'yon maka-alala ako.

1 hour left*

Namulat ako dahil sa pag-alog-alog ng bus. Teka,bakit para'ng nasa gilid kami ng bundok? May nakita pa ako'ng landslide sa dinaanan ng bus namin. Sa kabilang side ng bus para'ng bangin na. Nasaan na kaya kami?

Nakakatakot naman dumaan dito.

Click*

0___0? Huh? What's that?

Bigla'ng kumirot yong ulo ko pero nawala rin. May narinig ako'ng nabangga'ng sasakyan kaya napatayo ako. Hinanap ko kung saan nang-galing 'yon.

"Clarence Marie,ayos ka lang ba? Ano'ng problema?" Tanong bg katabi ko.

Wala,wala ako'ng nakikita sa paligid na sasakyan pa para'ng naaksidente, pero bakit may narinig ako?

"May narinig ka ba'ng nabangga na sasakyan?"

"Hah? Ano'ng sinasabi mo dyan? Wala naman eh?" Usal niya. "Namali ka lang siguro ng rinig Clarence,baka yo'ng preno ng bus natin yong narinig mo." Usal pa niya. Baka nga siguro namali lang ako ng rinig.

Pinauli-ulit ko sa isip ko'ng mali ako ng rinig,pero may parte pa rin talaga na hindi ako naniniwala. Malapit na kami sa taas at nakakatakot na tumingin sa ibaba dahil napaka-taas na namin.

"Are you okay?" Tanong ng istructor.

Naupo ako. "Okay lang po,sir." Usal ko sa tanong niya. Hindi na napakali ang utak ko kakaisip sa narinig ko. Totoo ba 'yon o hindi.

Sweet Lover (The Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon