Pinagsusuntok nya si Kidnaper 1 hanggang sa dumating ang mga kasamahan nito. Pinagtulungan nila ang lalaki na hindi ko pa nakikita ang mukha. Pinagtulungan nila ito. In the end. Talo pa rin silang apat. Ibang klase ang lalaking to.
Naalala ko yung time na ganito din yung nangyari. Yung time na dumating ako dito. Muntik na akong mahalay. Pero nailigtas din ako. Katulad ngayon. Nailigtas na naman ako. Salamat kay Nicu. Dahil sa kanya. Ligtas na naman ako. Walang duda. Si Nicu na naman ang lumigtas sa akin. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ng lalaking to. Alam kong siya si Nicu.
Napatumba nya ang apat na unggoy. But still hindi ko pa rin nakikita yung mukha nya. Madilim yung kwarto. Ni walang ilaw na nakasindi. Nang matapos nyang mapatumba yung apat ay agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit.
"Thank you Nicu. Iniligtas mo na naman ako. Maraming salamat." Naiiyak kong sabi habang mahigpit pa rin yung pagkakayakap ko sa kanya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina. Halos gusto ko ng mamatay sa takot. Hindi ko alam na pagtatangkaan pala nya akong halayin. Mabuti nalang dumating ka. Salamat Nicu. Maraming salamat. " patuloy pa rin ako sa kakaiyak.
Biglang lumuwag yung pagkakayakap ko sa kanya ng magsalita siya.
"Aaahh, Pasensya ka na miss. Nagkakamali ka. Hindi ako si Nicu. Ako si Yohan." What? Oh my? May payakap-yakap pa akong nalalaman. Hindi naman pala siya si Nicu. Nakakahiya ka Rishiel!
"Sorry. Akala ko kasi ikaw si Nicu. Pasensya na. Pero, salamat na rin. Salamat dahil iniligtas mo ako." Lumayo na ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakakahiya kasi e.
"Ahh, wala yun. Ano kaba? Sige na umalis na tayo dito. Baka kasi magising pa tong mga unggoy nato."
"Teka? Hahayaan lang natin sila dito? Pano naman yung ginawa nila sa akin? Hindi na nila pagbabayaran yun?" Hindi ako makakapayag na hayaan nalang sila. Pagkatapos ng mga ginawa nila sa akin? Ano sila? Hello? Gusto kong pagbayaran nila yun. At lalong lalo nat gusto kong malaman kung sino ang may pakana ng pagkidnap sa akin.
"Hey? Chilaks kalang ok? Nagpatawag na ako ng mga police kaya don't worry. Makukulang din sila." Sabi nya tapos hinila nya na ako palabas ng abandonadong gusali. Pero bago kami lumabas ay pinasuot nya muna sa akin yung jacket nya. Para matakpan yung napunit kong blouse.
Nang makalabas kami ay agad namang dumating yung mga police tapos isa-isa na nilang dinakip yung apat na unggoy na bugbog sarado sa pambubugbog ni Yohan sa kanila.
"Uhm, miss. Pwede bang ihatid na kita sa inyo?" Sabi nito.
"Ahh, sige."
"Pero bago kita ihatid. Sumama ka muna sa akin. Papalitan lang natin yang nasira mong damit. Kung ok lang sayo?"Ang bait naman nang lalaking to.
"Ahh, ok."
Pagkasabi ko nun ay binuksan nya na yung pinto ng sasakyan nya at pumasok na ako dito.
Dinala nya ako sa isang coffee shop na ni minsan hindi ko pa napupuntahan. Pinaupo nya ako tapos nag order siya ng dalawang coffee for us.
"Uhm, miss. Alam mo ba kung ano ang pakay ng apat na unggoy na yun sayo? Kung bakit ka nila kinidnap?"
" Hindi e. Yun nga yung pinagtataka ko. Bakit nila ako kikidnapin? Hindi naman ako mayaman." Haha, hindi ako mayaman.
"Ahh, ganun ba? Uhmm? Bakit mo pala ako niyakap kanina?" Eh, malay ko ba? Akala ko ikaw si Nicu.
"Uhmm, kasi akala ko ikaw si Nicu.Sorry sa ginawa ko."
"Nicu?"
"Oo, si Nicu . Si Nicu. Clarkson. Bakit kilala mo ba siya?"
"Haha, ibang klase talaga si Nicu. Daming chicks." Mahinang sabi nito.
"Kilala mo rin ba si Nicu?" Takang tanong ko.
"Yes. Actully we're bestfriends. "What? Si Nicu may bff? Wow! Astig din sya nuh?
"Bestfriends? Ngayon ko lang nalaman na may bestfriend pala siya." Hindi man lang nagkwekwento ang tipaklong na yun.
"Haha, hayaan mo na si Nicu. Hindi naman kasi nagkwekwento yun kung hindi siya tinatanong. "
"Kaya naman pala."
Dumating na yung order naming kape.
“Sir, here’s your order.” Sabi ng waitress.
“Uhmm. Tnx.”
“Miss? Ok lang ba kung lumabas muna ako? May kukunin lang kasi ako.” Sabi nito ng makahigop ng kape.
“Ahh, sige. I’ll wait. ^_^” sabi ko w/ smile.
Lumabas na si Yohan at nakita kong parang may isang lalaking nag abot sa kanya ng isang paper bag. Ano naman kaya ang laman nun?
Pagkakuha nya ng paper bag ay bumalik na sya ulit sa loob.
“Miss. Kunin mo to. Tsaka magpalit kana ng damit. Nandyan na lahat. Hihintayin nalang kita dito.” Sabi nya sabay abot sa akin ng isang malaking paper bag.
Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako ng cr. Haixt. Bakit dress yung binigay nya sa akin? Alam nya namang naka tennis ako diba? Ito tuloy. Ang panget tignan.
“Hey? Wow. Ang ganda mo naman.” Maganda? Tignan mo nga yung suot ko a paa?
“Haha, ano kaba? Hindi naman masyado.” Hahaha. Ang kapal ko.
“Oh? Teka? Bakit naka tennis ka pa rin?” Takang tanong nya ng makita nya yung suot kong tennis.
“Eh, kasi wala namang sandals dito.”
“Ah ganun ba? Sige halika na. Lumabas na tayo. Maraming sandals dun sa kotse ko.” Maraming sandals sa kotse nya? Ano yun? Sinusuot nya.
“Teka lang? Nagsusuot ka ng sandals?” Takang tanong ko.
“Hahaha. Hindi. Ano kaba? Halika na nga.” Hinila nya na ako papunta sa labas.
Nang makalabas na kami ay tumungo na kami sa kotse nya. Pinapasok nya ako dito. At nangalungay siya ng mga sandals na nandun sa kotse nya.
“Oh? Ito. Nakita ko. I hope na magkasya sayo.^_^”
“Uhmm? Tnx. Bakit ka ba may mga sandals dito?” tanong ko ulit.
“Haha. Mga naiwang sandals yan ng mga ex ko. “
“Ha? Gravi? Ang gandang ng mga sandals iniiwan lang nila dito. Sayang naman.”
“Gusto mo? Sayo nalang?”
“Sigurado ka?” Wow. Akin nalang lahat.
“Oo. Naman hindi ko naman kasi magagamit yan e. Kaya sayo na.”
“Talaga? Sige thank you.”
“Walang ano man. Sige hatid na kita sa inyo.”
“Ok.”
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
RomanceSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...