Lumabas na ako ng kwarto matapos kong magbihis. Nakita ko siya na nakaupo sa salas nilalaro ang alaga nyang si Mariah. Napansin kong hindi na siya nakasuot ng uniporme. Hindi ba siya magaaral? Saan siya pupunta?
Lumapit ako sa kanya tapos tumigil ako sa harap nya.
"Nicu? Bakit hindi ka naka uniporme?" Takang tanong ko sa kanya.
"Hindi ako papasok ngayon." What? Akala ko ba isasama nya ako sa school nya? At bakit hindi siya papasok?
"Oy? Bakit hindi ka papasok? Diba sabi mo? Isasama mo ako ngayon sa school nyu?" Kainis naman e.
"Hindi ako papasok ngayon. Dadalhin ko kasi ngayon si Mariah sa doctor nya. Napansin ko kasi na in this few days hindi na siya masyadong kumakain. Ewan ko ba kung bakit. Baka may dinaramdam ngayon si Mariah kaya much better na madala ko siya ng maaga sa doctor nya." Haixt. Kawawa naman pala si Mariah e.
"Hay. Ok sige. Maiwan na lang ako dito. Total kaya mo naman siyang dalhin dun e. Kaya no need na para sumama pa ako."
"No. Sumama ka. Kailangan kita dun." Kainis naman e.
"Bakit mo naman ako isasama? For what?"
"Basta sumama ka. Halika na. " sabi niya tapos tinulak niya na ako papalabas ng bahay at pinasok sa loob ng kotse nya. Tapos ibinigay nya sa akin ang isang malaking basket kung saan nakalagay si Mariah.
Pumunta kami sa isang malaking animal ospital. Kung saan dinadal ang mga hayop na may karamdaman.
“Nicu? Iiwan lang ba natin dito si Mariah?” Takang tanong ko ng makapasok na kami sa loob ng ospital.
“Oo naman. Atsaka may magaalaga naman sa kanya. Ano pang silbi ng binabayad ko? Kung hindi man lang nila maalagaan ng maayos ang alaga ko?” sabi nya tapos binigay nya na si mariah sa isang nurse para maalagan ito ng maayos.
“Haixt. Bakit ba natin siya dito iiwan? May pupuntahan ba tayo?” Oo nga? May pupuntahan ba kami?
"Oo. Kaya halika na." Sabi nya sabay hila sa akin palabas ng ospital.
"Nicu? Sandali nga? Saan ba tayo pupunta?" Tumigil sya sa panghihila sa akin. Tapos nagsalita siyang muli.
"Basta. Sumama ka nalang. May ipapakita ako sayo." Sabi nya tapos hinila nya na naman ako ulit.
"Haixt. Sige na nga." Nagpahila na ako sa kanya. Hanggang sa makapasok na ako ng kotse.
Habang nagmamaneho siya ay napapatingin ako sa labas. Tinitignan ko yung mga magagandang view na nadadaan namin.Haixt, kainis! Hindi man lang ako ipinasyal ng mokong nato.
"Hey? Rish? Lumabas kana. Nandito na tayo." Ha? Ang bilis ah? Ni hindi ko nga namalayang tumigil na yung sasakyan.
"Haaaaayyy. Alam mo nakakainis kana? Wala ka na bang ibang alam na mapupuntahan kundi ito lang? Simula ng mapunta ako dito. Palagi mo na ko dito dinadala. Favorite place mo ba to?" Inis na inis kong sabi ng maka labas na ako ng sasakyan. Eh pano ba naman? Dito nya na naman ako sa park dinala. Hindi ba kayo maiinis kung hanggang dito nalang palagi yung pupuntahan nyu?
"SSsshhhhh. Wag ka nga dyang magreklamo. Halika na. Baka hindi pa natin mapa nood yun e." Sabi nya tapos hinawakan nya yung kamay ko. At hinila nya na ako.
Habang hinihila nya ako ay hawak2 nya pa rin yung kanang kamay ko. At dahil dun ay may naramdaman akong kakaiba. Hindi to1st time, pangalawa nato. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdamAn ang mga ganitong pakiramdam. Merong part sa akin na kinikilig ako. At meron ding part na pumipigil sa nararamdaman ko ngayon. Dapat ba akong kiligin sa Wattpad Guy nato? Dapat ko bang pigilan ang mga nararamdaman ko ngayon? Hindi ko alam ang sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/2330122-288-k769137.jpg)
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
عاطفيةSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...