Chapter 40

165 2 0
                                    

RISHIEL’S POV

“Hi Babe? GoodMorning. Bumangon kana ready na yung breakfast mo.”

Morning greetings sa akin ni Nicu pag pasok nya ng kwarto ko.

“Babe.. Oy Babe? Bumangon kana. Kain na tayo.. Oy..”

Pilit nya akong gingising kahit ayaw ko pang gumising..

“Oy? Babe? Sige na. Gumising kana.”

Niyuyug-yog nya yung balikat ko .

“Haixt,, Kainis! Ang aga-aga pa e. Sige na. Susunod na ako. Manghihilamos lang ako.”

Bumangon na ako at nagderetso sa banyo.

“Sige.. Bilisan mo lang ha?”

“Oo na.”

Narinig kong sumara na yung pinto..

Habang nanghihilamos ako ay bigla kong napansin yung mukha ko sa salamin..

“Ako pa ba talaga to? Si Rishiel pa ba to? Ito pa rin yung dating Rishiel?” Maraming tanong ang nasaisip ko ng makita ko sa salamin ang maganda ng bagong Rishiel.

Wala na ang salamin ko. Pinakuha ko na rin yung braces ko. At malayong-malayo na yung itsura ko sa dati. I wonder na kung if ever makabalik ako. Makikilala pa ba nila ako? Makikilala pa ba ako ng mga kaibigan ko?

Ano ba ang rason kung bakit ako nandito?  Ito ba yung rason?

Rason para lumaban na ako? Rason para hindi na ako mag papaapi? O rason para makilala at mahalin ko si Nicu?

Hindi ko alam kung tama na mahalin ko siya. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik.  Hindi ko alam ang gagawin ko kapag bumalik na ako.

Mahal ko si Nicu… At hindi ko siya kayang iwan.  Tama man o maling mahalin ko siya. Ang masasabi ko lang…

Mamahalin ko siya hanggang sa makabalik na ako sa mundo ko.

Hindi ko buburahin ang alaala na nakilala ko siya. Mananatili siya sa puso’t isipan ko. Magpakailanman.

------------

NICU’S POV

Haixt. Ang tagal naman ni Rishiel.

“Babe? Matagal pa ba yan? Bilisan mo na dyan! Baka lumamig natong pagkain.” Inip na inip kong sabi.

“Oo. Andyan na.” Sabi nya ng makalabas na siya ng kwarto.

“Bakit ba ang tagal mo Babe?” Tanong ko.

“Siyempre? Nanipilyo at nanghilamus pa ako nu?” sabi nya tapos umupo na siya.

“Ah? Ganun ba Babe? Oh sige kumain na tayo.”

Tahimik kaming kumaing dalawa. Haixt. Ewan ko? Bakit ang awkward ng feeling?

Kagabi,, May nangyari kagabi… Ahh walang nangyari kagabi. Nag kiss lang kaming dalawa. Yun lang yun. And guess what guys?...

Kami na ni Rishiel! Yes! Kami na! Ang sarap ng feeling. Pero bakit ang awkward? Haixt! Ano ba yan?

“Uhmmm…” Pagsisimula ko.

“Yes? Nicu?” Takang tanong nya. Kainis naman. Bakit Nicu yung tawag nya sa akin? Eh samantalang ang tawag ko sa kanya ay Babe? Unfair naman.

“Kasi.. “

“Kasi ano nga?”  Kainis talaga! Ang Unfair!

“Ahh. Wala never mind nalang.” Haixt. Natotorpe na naman ako.

“Nicu? Ano bang gusto mong sabihin sa akin?” Haixt! Kainis ka!

“Wala. Nevermind nalang.” Haixt. Ang saklap naman. Kawawa naman ako.

“Nic…” Hindi ko na talaga mapigilan. Ang sakit sakit na e. Hindi ko na kayang tawagin nya ako sa pangalan ko.

“Ang sakit sakit na Rishiel. Ang sakit sakit na. “

“Ha? Pinagsasabi mo?” Kainis talaga!

“Rish.. Bakit mo ba ako tinatawag sa pangalan ko? Rish? Ang unfair-unfair na. Tawagin naman akong Babe oh? Please?” Todo emote talaga ako.

“HAHaHAAHAHA! NICU! HAHAHAHA!NICU? Naririnig mo ba ang sarili mo? Hahaha. Nakakatawa ka. “

“Eh ano ngayon? Sige na? Tawagin mo na akong Babe? Please?” Nagmamakaawa ako Rishiel.

“Ayoko nga.” Ang tigas-tigas talaga ng babaeng to.

“Ayaw mo? Ok Sige. Haixt. Kawawa naman ako. Babe lang naman e. Ayaw pang masabi. Ok Sige? Kung ayaw mo edi wag.” Padabog akong tumayo na aakmang tatalikod n asana kaso bigla nya akong pinigilan.

“Hep! Hep? Saan ka pupunta? Tapos ka na bang kumain?” Haixt! Naiinis na talaga ako! Akala ko pag pinigilan nya ako tatawagin nya na akong Babe. Kaso hindi pala! Kainis!

“Alis na ako! Wala na akong gana.” Masungit kong sabi sa kanya. Tatalikod na ulit ako kaso bigla siyang nagsalita.

“Wait! Umupo ka nga dito. May paguusapan tayo.”

“Ayoko nga!” Matigas kong sabi,

“Sinabi ng umupo ka dito eh!”  Hala? Nakakatakot. Help me! Takot ako?

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Nakakatakot kasi sya.

“Ayan? Very good. “

“And? Now?”

“ Bakit ka na walan ng gana? Ano ba ang ikinagagalit mo?” Kainis! Hindi nya pa rin napapansin.

“Tinatanong mo? Kung ano ang ikinagagalit ko? Babe? Gusto kong tawagin mo rin akong Babe. Yun lang yun. Please? Tawagin mo naman akong Babe oh?” Haixt. Parang gusto ko nang maiyak.

“Hmmmm? Ok sige. But? (Nag pause siya ng sandal.) Mamamasyal tayo mamaya. And? (Nag pause siya ulit.) Ikaw. Ang gagastos. Gets mo?” Ang saklap naman?

“Alam mo? Ang saklap mo? Tatawagin mo lang ako ng Babe? May pa kondikondisyon kapang nalalaman. Argggghhh! Kainis ka! Sige na nga! Haixt.” Inis na inis kong sabi.

“Hahaha. Sige. Mamaya mga alas dos. “ Alas dos?

“Oy? Bakit ang aga?” Bakit kaya ang aga?

“Alam mo kung bakit? Kasi? Magshoshopping pa tayo. Hahahah! Libre mo naman kasi e. Kaya magshoshopping tayo. May reklamo?” Parang baliw talaga ang babaeng to.

“Wala.” Haixt. Kainis!

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon