Chapter 36

170 2 0
                                    

NICU'S POV

"Rishiel! Alam mo ba kung anong oras na?Bakit ngayon kalang ha?" Ano bang ginagawa nya? Alam nya ba kung anong oras nya?

Lumapit ako sa kanila at bigla si Rishiel papasok ng bahay.

"Teka bro? Magpapaalam pa ako e." At ano to? All this time? Kasama nya lang pala si Yohan?

"Umuwi kana Yohan. Hinahanap kana ng asawa mo." Pano sila nagkakilala ni Rishiel?

"RISHIEL! RISHIEL! UUWI NA AKO! NICE TO MEET YOU NGA PALA!" Narinig kong sigaw nito ng makapasok na kami ng bahay.

Ano bang nangyari? Bakit ngayon lang siya.

"Ikaw babae! Bakit ngayon ka lang?" Galit kong tanong sa kanya.

"Eh ano naman ang paki mo?" Tignan mo nga naman oh? Pilosopa ang babaeng to.

"May pakialam ako! Kaya sabihin mo sa akin kung bakit ngayon kalang!" Malakas kong sabi.

"Teka nga? Bakit ka ba nagagalit ha? Anong ginawa ko?" Anong ginawa nya?

"Anong ginawa mo? Alam mo bang pinagalala mo ako? Kanina pa kita hinihintay dito. Tapos makikita ko lang pala na nakikipagdate ka?Ano kaba Rishiel? Makikipagdate ka na nga lang dun pa sa bestpren ko!" Nakakainis ang babaeng to,. Nakikipagdate sya kanino? Sa bestpren ko pa? Naku naman. Manloloko ang lalaking yun e.

"Eh ano naman ngayon kung nakikipagdate ako dun?"

"Eh ano? Alam mo namang kanina pa ako naghihintay dito diba?"

"Eh anong problema mo dun?" Nakakainis na talaga ang babaeng to!

"Ang problema ko?! IKAW!! Habang naghihintay ako dito at nagaalala. Ikaw! Nagpapakasarap sa date mo!"

"Ako? Nag papakasarap sa date ko?"

"Oo? Bakit hindi ba? Habang naghihintay at nagaalala ako dito. IKAW! Nakikipaglandian sa bestpren ko!"

"WHHHHAAAATT? Anong sinabi mo? Ako? Nakikipaglandian?"

"OO!"

*SLAAAAAAPPP!*

-----------------------

RISHIEL'S POV

*SLAAAAAAPPP!*

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHIN NA NAKIKIPAGLANDIAN AKO! ALAM MO BANG MUNTIK NA AKONG MAGAHASA? YUN BANG SINASABI MONG PAKIKIPAGLANDIAN? ANG KAPAL MO!"

"Magahasa? Rish, hindi ko sinasadya. I'm sorry. Anong bang nangyari?" Tanong nito sabay hawak ng dalawang balikat ko.

"NIcu..." Umiiyak kong tawag sa pangalan nya.

"RIsh! Anong nangyari? Sabihin mo!" Niyuyog nya na yung dalawang balikat ko.

"Nicu... Dinukot nila ako. ....At muntik na akong magahasa..... Mabuti nalang nailigtas ako kaagad ni Yohan. ..." Humahagolhol kong sabi.

"Sino? Sino ang nagpadukot sayo! Sino!" Galit na galit nitong sabi.

"Nicu... Hindi ko alam...Please huminahon ka. Please." Niyakap ko siya. Habang patuloy pa rin ako sa kakaiyak.

"Rish,. Hahanapin ko ang nagpadukot sayo. At pinapangako ko. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo." Mahinahon nitong sabi.

" Nicu... Natatakot ako." Mas hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya.

"Ssshhh. Wag ka nang matakot. Hindi ka nila gagambalain as long as nandito ako sa tabi mo. Wag kang mag alala." Niyakap nya rin ako ng mahigpit sabay sabing...

"Rish, pwede bang sa tabi mo nalang ako palagi? Rish, just stay w/ me. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko. I think... I think I'm inlove w/ you."

--------------------- 

CLAIRE'S POV

"Wow! Hon. Ang ganda naman nitong necklace na binigay mo. Thank you ha?" Tuwang-tuwa kong sabi ng matanggap ko yung ibingay nyang regalo.

Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant and as usual nagdedate na naman kami. Pero kakaiga ang gabi ngayo dahil.... 3rd anniversary na naming ngayon bilang magsyota. Sa susunod na linggo na yung kasal naming. And this days magiging buzy na kami for the preparation of our wedding. Pero magiging masaya ba ako kung ikakasal na ako? Pano si Nicu? I still love him. Ayokong maagaw siya ng iba sa akin. Pero? Hindi naman kami diba? At ikakasal na ako. Pero still ayoko pa ring maagaw siya sa akin ng Rishiel na yun. Gusto kong mawala ang Rishiel na yun sa buhay ni Nicu. Gusto kong mawala na siya sa mundo!

"Haha. You're welcome baby. I hope you'll like it. "

"Ano ka ba Hon? Ang ganda kaya nitong bigay mo? Siyempre magugustuhan ko to nuh." Hindi ko like! Super like ko pa!

"Akala ko kasi............." Naputol yung pagsasalita nya ng biglang nag ring yung cellphone ko.

Laserlight by Jessie J. 

"You're like a laserlight, burning up 

Burning down, on me 

You're like a laserlight, burning up 

Burning down, on me

You make me feel good, 

You make me feel safe, 

You make me feel like I could live another day 

You make me feel good, 

You make me feel safe, 

You know I wouldn't have it any other way"

"Uhm... Hon? Sandali lang ha? Importante kasi to. Sandali lag ako."

"Ok. Babe. I'll just wait here. Make it faster."

Dali-dali na akong lumabas at agad ng sinagot kung sino man yung tumatawag.

"Hell? Sino to?"

"Ma'am! Tulungan nyu po kaming makalabas dito. Nasa kulungan po kami ngayon." Aba? Bakit nasa kulungan si Castor at mga kasamahan nya? Don't tell me?

"Ano!? Anong ibig mong sabihin? Palpak yung utos ko sa inyo?" Mga inutil talaga ang mga lalaking to.

"May sumulpot kasin lalaki Ma'am at pinagbubugbug kaming apat."

"Ano? Diba apat kayo? Bakit kayo nabubugbog? Napaka inutil nyu naman!" Mag ugok!

"Magaling kasi siya ma'am kaya nabugbug nya kaming apat."

"Magaling? So ang ibig nyung sabihn? Hindi kayo magaling? Kaya nahuli kayo?"

"Hindi naman sa ganun ma'am. Hindi naman kasi namin akalaing magaling po siya sa karate."

"Ahh ganun? Sino ba yung lalaking yun? At nasan yung babaeng pinakidnap ko sa inyu?"

"Narinig ko pong tinawag ng babae yung pangalan ng lalaki. Nicu daw po yun. At ang babae naman ay itinakas ng lalaki kaya nandito kami ngayon sa kulungan dahil nagtawag sila ng mga pulis."

"Mga walang silbi! Mga inutil!"

"Ma'am? Pyansahan nyu po kami dito at pinapangako po naming hindi na makakaligtas yung babae at isasama din namin yung lalaki. Pangako po namin na gagawin naming maayos ang ipapagaw nyu ulit."

"Sige. Papyansahan ko kayo. Magpapadala lang ako ng tao dyan. Basta kapag nakalabas na kayo. Kidnapin nyu agad yung babae at isama nyu na rin yung lalaki. Pagkatapos nun. Dalhin mo sila sa lugar kung saan walang makakakita at tawagan nyu ako kapag nakidnap nyu na ang dalawa."

"Thank you po ma'am. Makakasa po kayo na gagawin namin ang lahat. Salamat."

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon