“Sir, Sir Nicu. Tapos ko na po syang palitan ng damit. Pwede po ba akong umalis?" Sabi ni Benji ng makalabas na sya ng kwarto ko.
"Sige, pwede ka nang umalis. Pakikandado nalang ng pinto pagkalabas mo. Salamat. And wait. Pwede bang ikaw nalang muna yung kumuha kay Mariah sa ospital? Hindi kasi ako pwede ngayon. Inaalagaan ko pa kasi si Rishiel." Sabi ko habang nakahiga ako sa sofa.
"Yes po Sir. Dont worry, kukunin ko po siya ngayon din. "
"And pwede bukas mu nalang siya iuwi dito? For now dun muna siya sa inyu."
"Ok po sir. Sige po aalis na ako."Sabi nito tapos lumabas na sya.
Tumayo na ako tapos tumungo na ako sa kwarto ko para tignan ang kalagayan ni Rishiel. Haixt. Kainis naman kasi tong babaeng to e. Sino bang nagsabi sa kanya na hanapin ako? Yan tuloy nabasa sya. At nagkasakit pa.
Pumasok na ako sa loob. At still masama parin yung pakiramdam nya. Wala pa rin syang malay. Sana bukas gumaling na sya.
Lumapit ako sa kanya para tignan kung bumaba na ba yung lagnat nya. Ang taas kasi kanina ng lagnat nya. Hinawakan ko yung noo nya. At nagulat ako dahil sobrang init nya ngayon. Anong gagawin ko? Hindi ako doktor. Hindi ako marunong manggamot. Anong gagawin ko? Baka lumala pa tong sakit nya.
Aaaaaaah! Gulong-gulo na ako? Dadalhin ko ba sya sa ospital o hindi? Naku naman Nicu! Anong ginawa mo? Magisip ka!
Ano kaya kong tumawag nalang ako ng doktor para tignan tong kalagayan ni Rishiel? Oo nga nuh? Magtatawag na lang ako ng doktor. Tama! Tatawagan ko nalang si Yohan? Oo nga nuh? Bakit kaya hindi ko naisip yun? Kaw talaga Nicu. Ang tanga mo.
Dial...
Dial...
Dial...
Kainis naman e! Bakit hindi nya sinasagot? Sige try ko pa nga ulit.
Dial...
Dial...
Dial...
Kainis talaga! Ano ba ang ginagawa ng mokong nato? Bakit hindi nya sinasagot? Isa nalang talaga last nato.
Dial...
Dial...
Di..
"Hello?? Nicu? Bakit napatawag ka? Ano ba naman pare? Maghahating gabi na oh? Distorbo naman sa pagtulog e." Sabi ng nasa kabilang linya.
" Pare, kailangan ko ng tulong mo. Importanteng-importante talaga."
"Anong klaseng tulong? Pera? Naku pare? Pasensya na. Hindi talaga kita matutulungan. Walang-wala kasi ako ngayon e. Sorry talaga." Ha? Ayos lang sya?
"Hoy? Pinagsasabi mo? Alam mo? Ni minsan hindi ako humiram sayo ng pera. Ikaw nga tong hingi ng hingi e. Ang kapal mo naman. Alam kong wala kang pera. Kaya no need for me na humingi pa ako sayo nuh.. Ang gusto ko lang naman ay pumunta ka dito ngayon. May papatignan ako sayo. Ang taas kasi lagnat nya e. Hindi ko alam ang gagwin ko. Pano ba to?" Ang kapal talaga nitong bestpren ko. Pera? Ako? May problema sa pera? Asa sya.
"Naku pare? Lagnat lang naman pala e. No need na para pumunta ako dyan. Kaya mo na yan. Ikaw pa? Eh parang mas magaling ka pa nga sa akin e. Remember dati ng nagkasakit si Mariah? Diba ikaw rin dati yung nag alaga sa kanya? I know na kayang-kaya mo nang alagaan yang alaga mo. Carry mo na yan pare." Kainis naman.
"Hoy! Hindi hayop ang may sakit dito kundi TAO. Pare pumunta ka na dito. Hindi ko kaya to." Anong akala nya kay Rishiel? Hayop? Eh siya naman tong mukhang hayop e. Kainis!
"Really? Totoo tong naririnig ko? Nagpapapasok ka na pala ngayon ng TAO sa loob ng bahay mo? Gravih pare? Nagbago kana?"
"Ano ka? Sa tingin mo? Si Claire hindi TAO kaya nakapasok siya sa bahay ko?" Sira ulo talaga to.
"Bakit? Matatawag mo bang TAO? Ang babaeng yun? Sa kabila ng mga panlolokong ginwa nya sayo? Alam mo kung anong tawag sa kanya? AHAS. AHAS ang dapat tawagin sa kanya. HINDI TAO!"
"Hey? Pare? Chilaks ka lang dyan. Ok? Kung maka reak ka? Parang ikaw yung niloko a? Remember? IBANG TAO ang pinaguusapan natin ngayon hindi si Claire." Ibang klase talaga tong si Yohan.
"Oo nga nuh? So? Sino pala yung taong tinutukoy mong may sakit? Babae ba? Maganda? Sexy? Ano?" Manyakis talaga tong lalaking to.
"Babae sya. Kaso napulot ko lang sya. Wala kasi syang matirhan. Kaya ito pinatuloy ko siya dito. Naawa kasi ako. At ngayon andito siya sa bahay ko. Nakahiga sya sa kama ko. May sakit at walang malay." Sana bumuba na yunng lagnat ni Rishiel.
"Ano napulot mo? Yuck pare? Pumapatol ka dyan? Kadiri ka? Haixt. Ayokong ma meet ang babaeng yan. Bibilinan nalang kita ng mga riseta na kailangan mong ipainom sa kanya. Ang gamot na ipapainom mo sa kanya. Ay ang BIOFLU na gamot para sa may lagnat,sakit ng ulo, sipon at ubo. Yan yung bilhin mo sa butika at ipainom mo sa kanya at gagaling siya kaagad. Tandaan mo tong mga sinasabi ko sayo. Painomin mo siya ng gamot after she eats her food. Trice a day mo siyang painomin ng gamot pag masama pa rin yung pakiramdam nya. Kung mainit pa sya ay punasan mo lang ng malamig na tubig yung noo nya ng malinis na towel. Nakakatulong yun para bumaba yung lagnat nya. Yun lang. Sige pare. Pakisabi nalang sa babaengnapulot mo na get well soon. Sige night. Bye."
"Ok. Bye." Pagpapaalam ko sa kanya. Tapos ibinaba ko na yung telepono.
Parang tae talaga tong bestpren ko. Hmmmm. Sorry kong ngayon ko lang nasabi na may bff ako. Si author naman kasi e.
Haist. By the way. Sa ngalan ng pangalan ng bestpren kong si Yohan ay ikinagagalak kong ipakilala siya sa inyong lahat. Si Yohan Maravilla ay nagiisang anak ng pinakamatalik na kaibigan ng papa ko. Dahil matalaki na magkaibigan ang papa ko at ang papa nya ay syempre naging close din kami. Si Yohan ang bestpren ko simula ng maliit pa ako. Matanda sya sa akin ng limang taon. Graduate na siya at ngayon ay nagtatrabaho na bilang isang doktor. Nagmana siya sa mama nya. Doktor din kasi yung mama nya at ang papa nya naman ay isang mayamang businessman. Mayaman siya kagaya ko pero ang pinagtataka ko ay lagi siyang nanghihingi ng pera sa akin. I know him. Mahilig syang mambabae. Mahilig siyang manloko at magpaikot ng babae. Alam ko naman kung anong rason kung bakit ginagawa nya yun sa mga babae. Katulad ko, niloko din sya at sinaktan. Pero ang pinagkaiba ko lang sa kanya ay hindi ko kayang paglaruan ang mga babae. Alam kong gumagante lang siya sa mga babae kaya nya ginagawa lahat ng yun. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Umaasa ako na sana may isang babaeng makakapagpabago sa kanya. Tulad ni Rishiel. Na nagawa nya akong baguhin. Dahil kay Rishiel ay nagkaron ako ng pag asang mabuhay at maging maligaya. Sana meron ding makapagpabago sa kay Yohan.
----------
Buong gabi kong inalagaan si Rishiel. Sinunod ko yung ibinilin sa akin ni Yohan. Thanks to him kasi bumaba na rin yung lagnat ni Rishiel.
“Siguro it’s for me na magpahinga na. Dito nalang ako matutulog sa sofa. So atleast mabantayn ko pa rin sya.”
Kinumutan ko na siya ng maayos. Pero habang kinukumutan ko siya ay bigla syang nagsalita.
“Guys, guys.. Alex? Iris? Chloe? Angel? Miss ko na kayong lahat. Gusto ko na kayong Makita. Gusto ko nang makabalik.” Narinig kong pagsasalita nya habang tulog pa rin sya.
“Shhh. Wag kang mag alala. Tutulungan kitang makabalik. For now matulog ka muna ng mahimbing. Goodnyt Rish. Muaaahh” Sabi ko sabay halik sa noo nya. Tapos tumungo na ako sa sofa at natulog na rin ako ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
Storie d'amoreSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...