Pumasok na kami dun sa loob ng room kung saan dun ay may party. Maganda yung theme ng party parang nasa bar kalang. Maraming mga tao ang nasa gitna tapos nagsasayawan. Ang ingay-ingay nga e.Kahit hindi ako sanay sa ingay ay pinipilit ko parin. Kasi natatakot ako dito sa tipaklong nato. Ayokong pumalpak yung pagpapanggap ko nuh!
Nang makapasok na kami ay agad kaming nilapitan ng isang lalaki.
“Hey? Buddy? New girlfriend? Ang bilis ah? Naka move on kana kaagad.” Sabi ng lalaking lumapit sa amin.
“Hahaha. Oo. She’s my new girlfriend. At matagal na akong naka move on.” Sagot naman ni Nicu sa lalaki. Matagal na daw siyang naka move on? Maniwala naman ako? E alam ko namang mahal niya pa rin yung babaeng nanloko sa kanya. Akalain nyu? 2 years na silang magkasama pero ngayon nya lang nalaman na niloloko pala siya ng babae? Kawawa naman si Nicu.
“Haha. Ang ganda ng new girlfriend mo ah? Hi miss? What’s your name?” Sabi naman ng lalaki sa akin sabay abot ng kamay niya sa akin para makipagshakehands. Inabot ko naman yung kamay ko para makipagshake hands sa kanya. Pero nagulat ako dahil iba yung ginawa niya. Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinalikan ito. Nakakainis! Playboy ang lalaking to!
“Hehe? HELLo. By the way I’m Rishiel.” Sabi ko w/ fake smile tapos binawi ko na yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
“So? Bro? Punta muna ako dun ha? Marami kasing chicks dun. Kita nalang tayo later. Bye!” sabi niya tapos pumunta na siya dun sa mga nagtutumpukang kababaihan.
Nang makaalis na yung lalaki ay agad ko namang tinanong si Nicu.
“Oy? Sino yun? Bakit ang bastos nun?” tanong ko sa kanya.
“HA?” Ahhh! Nakakainis. Biglang lumakas yung tugtog.
“ANG SABI KO! SINO YUN! BAKIT ANG BASTOS NUN!” Pasigaw kong sabi sa kanya.
“AH? SI RONALD YUN. KABABAYAN NATIN” Ang bastos naman nun.
“AH? GANUN BAH?”
“OO. GANUN NGA. HALIKA NA MUNA DITO. UMUPO MUNA TAYO. INUMIN MUNA NATIN TO.” Sabi nya tapos inabotan niya ako ng isang basong wine. Inabot ko naman ito tapos ininum iyon.
“Ahh. Ang panget ng lasa.” Sabi ko ng mainom ko yung wine.
“ANO?” Ang bingi naman.
“ANG SABI KO! ANG PANGET NG LASA NITONG WINE!” Ulit ko sa kanya.
“AHH?” Yun lang yung sagot nya tapos lumagok na siya ng wine.
Habang nagiinuman kami dun ay biglang may lumapit sa aming magandang babae. Napaka tangos ng ilong nya. Ang tangkad nya. Mukhang model. Ang puti-puti.
“Hey? Nicu? Mabuti nakadalo ka sa party ko. Sino siya? Girlfriend mo?” Tanong ng babae sa kanya. Wow? Filipino rin pala siya? Akala ko koreana e.
“Hey? Claire? Ikaw pala? Kumusta kana?” Claire? Siya si Claire? Siya? Siya yung ex ni Nicu? Wow! Kaya naman pala hindi makapag move on si Nicu e. Ang ganda-ganda naman pala ng ex nya. But still. Manloloko. Hahaha!
“I’m Fine. How about you?” tanong ng babae.
“Uhmm. Ok lang ako.” Sagot naman nitong sinungaling na si Nicu.
“Ahh. Siya ba yung pinagpalit mo sa akin?” tanong ng gurl sabay tingin sa akin. Mula sa taas pababa. Ah ganun? May ganun?
“Yes. She’s my new girlfriend. Claire meet Rishiel and Rishiel meet Claire.” Pinakilala nya ako sa babae. Tapos inabot ko yung kamay ko sa kanya. Naghintay ako ng ilang seconds pero hindi nya inabot yung kamay ko. Napaka maldita naman pala nitong si Claire.
“Ahh. Nicu. Babalik muna ako dun ah? Kasi tignan mo naman oh? Naiinip na kasi yung fiancée ko sa table namin. Sige maiwan ko na kayo. And you Miss. Nice to meet you.” Sabi ng babae w/ fake smile tapos tumalikod na siya at bumalik nadun sa table nila ng boyfriend niya.
Nang makabalik na yung babae sa table nila nung bf ay biglang humina yung music kaya kinausap ko kaagad si Nicu.
“Oy? Nicu? Hanggang kailan ba tayo magpapanggap? Eh parang wa effect naman dun sa maldita mong ex ang tungkol sa pagpapanggap natin.” Sabi ko sa kanya.
“Heh! Tumahimik ka nga dyan. Wag kanang umangal. Basta magpanggap lang tayo hanggang sa tumalab tong plano natin.” Tumalab? Pano? Eh my fiancée na nga yun e.
“Hayy. NAKU! NICU! KAWAWA KA NAMAN. IKAKASAL NA YUNG PINAKAMAMAHAL MONG EX.” Malakas kong sabi.
“Hoy! Tumahimik ka nga dyan! Baka may makarinig! Mabuti pang salohan mo nalang ako dito sa paginom ng alak. Para naman tumahimik ka.” Bakit? Maingay ba ako?
“HAaaaaiiixxxt! Sige na nga!” sabi ko tapos kinuha ko na yung baso ng wine tapos nilagok ko ito hanggang maubos tapos humingi na naman ako ulit ng wine sa waiter.
Nilunod ko nalang yung sarili ko sa wine. Wala naman kasi akong magawa e. Boring namang kasama tong lalaking to. Nilulunod nya rin kasi yung sarili nya sa alak. Alam kong nasaktan siya ng Makita nyang kasama ng ex niya yung fiancée nito.Wala naman akong magawa para icomfort siya. Kaya ito sinasaluhan ko nalang siya sa pagdadalamhati nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2330122-288-k769137.jpg)
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
RomanceSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...