Chapter 35

165 4 1
                                    

YOHAN'S POV

"Hi, guys? Ako nga pala si Yohan. Alam kong alam nyu na kung sino ako. Kaya no need na para magpakilala pa ako.

Hmmmm? Gusto nyu bang malaman kung bakit ako napasama sa eksenang pagliligtas sa babaeng muntik ng ma rape? Well, magflashback muna tayo.

 (A/N: Nasa right side yung photo ni Yohan. ------------------------ >>>>>>>>>>>>>>>>>)

FLASHBACK (Saturday  4:45pm)

I'm on my way papunta sa house ni Nicu. Paparada na sana ako sa harap ng bahay nya kaso may nakita akong isang babae na lumabas galing sa loob ng bahay ni Nicu. Sa nakikita ko sa babae. Maganda siya, maputi, matangkad, maganda yung hubog ng katawan nya. Hahaha. Ang galing talagang mamili ng bestpren ko. Haixt, sayang naman. Sa ganda nyang yan? Pumayag syang mapasama sa mga koleksyon ni Nicu? Alam kong hanggang ngayon nasasaktan parin si Nicu sa ginawa sa kanya ng ex nyang si Claire . Kaya ito? Siguro nangungolekta sya ngayon ng mga babaeng lolokohin.

Pinagmasdan kong maigi yung babae. Hindi ko nga alam kong bakit ko siya pinagmamasdan. Nakikita ko yung mukha nya na inip na inip sa paghihintay ng masasakyang taxi. At dahil mas nagagandahan ako sa kanya. Mas maganda syang tignan kapag na iinip. Siguro nagmamadali sya kaya ganyan nalang yung pagkabagot nya.

Habang pinagmamasdan ko siyang inip na inip ay bigla na lang akong nagulat ng biglang may humarang na isang van sa harap nya. Lumabas yung dalawang lalaki at pilit syang isinakay dito. Wala akong magawa ng makita ko yung mga pangyayari. Kaya ang ginawa ko, sinundan ko yung van na tumangay sa kanya.

Sinundan ko kung saan nito dadalhin yung babae. Hanggang sa tumigil na yung van sa harap ng isang abadonadong gusali. Nakita kong inilabas ng dalawang lalaki ang babae sa sasakyan  na wala ng malay.  Nang mailabas na nila ito ay may lumabas pang dalawang lalaki na galig sa loob ng van. Bali apat na unggoy yung kumidnap sa kanya.

Nang makalabas na yung dalawa ay pumasok na yung isa tapos ang isa naman ay nagpaiwan. Nang makapasok na yung isa ay agad namang kinuha nung lalaki yung cp nya na siguro tatawagan yung mastermind sa pangkikidnap sa babae. Para marinig ko yung usapan ng lalaki at nung taong nasa kabilang linya ay kinailangan kong magtago at pakinggan siya ng malapitan. Nang makatago na ako malapit sa kanya ay malakas ko nang narinig yung usapan nila.

"Boss, andito na po kami. Ano po yung gusto mong gawin namin sa kanya? Bugbugin o patayin?" Wow! Hindi lang sila kidnaper kundi all around pa.

"Ok boss. Masusunod." Ano ba yan? Hindi ko man lang narinig yung sinabi ng boss nila.

"Ano po? Nicu? Sino po yun?'" Oh? Bakit napasama yung pangalan ni bestpren sa usapan?

"Akong bahala boss. Bukas na bukas kikidnapin din namin yun. Tiyak na isusunod ko siya pagkatapos ko sa babaeng to. "

"Wag kang magalala boss. Hindi naman namin sila papatayin. Papahirapan lang namin sila. Asahan mong gagawin namin lahat ng mga utos mo." Anong klasing pagpapahirap ang gagawin nila kay Nicu at sa babae? Bakit gusto nilang pahirapan si Nicu? At pati na rin yung babae?

"Opo ma'am. Masusunod." Ma'am? Babae yung boss nila?

"Ok po ma'am Claire" What?! Si, si Claire? Pano? Hindi pwede to! Bakit gusto nyang pahirapan yung dalawa? Bakit?Kailangan kong mailigtas yung babae.

Nang matapos na yung paguusap nila ay pumasok na yung lalaki sa loob. Habang nasa labas na ako ay gumagawa na ako ng plano kung pano ko maililigtas yung babae.

“Wag! Wag! Ayoko! Lumayo ka! Lumayo ka sa akin!”

Sa kalagitnaan ng pagpaplano ko ay bigla ko nalang narinig ang malakas na sigaw ng babae. Kaya tumakbo na ako papasok ng gusali.

“Tumahimik ka! Kahit anong sigaw mo. Wala pa ring tutulong sayo! “

Narinig kong sigaw ng lalaki sa kanya.  Pero patuloy pa rin ako sa katatakbo.  Hinahanap ko kung san galing yung ingay na narinig ko.

“Wag! Wag! Lumayo ka! Tama na! Bitawan mo ako!”

Patuloy pa rin ako sa katatakbo.  Hanggang sa finally natunton ko na rin ang kwarto kung saan ikinulong yung babae. Kung saan siya pinahihirapan. Hinawakan ko yung doorknob para buksan yung pinto. Ang luckily bukas ito at agad na akong pumasok. Nagulat ako ng makita yung ginagawa ng kidnaper sa babae. Siya ang kidnaper na nakita ko kanina na nakikipagusap sa telepono. Pilit nyang hinahalikan sa leeg yung babae. Napakababoy nya. Walang hiya yung Claire na yun. Ito ba yung gusto nyang mangyari sa babaeng to?.

  Hindi ko na talaga matatagalan ang ginagawa nila.. Sumusubra na...

“TULONG! TULONG! TULON…..”

Sinugod ko na yung kidnaper at agad ko na siyang sinunggaban ng mga suntok. Hanggang sa dumating na rin yung mga kasamahan nya. Pinagtulungan nila akong bugbugin but in the end ako parin yung panalo.

Nang matapos ko na lahat silang bugbugin ay agad na lumapit yung babae at agad ako nitong niyakap ng mahigpit. Nang niyakap nya ako ay parang may naramdaman akong kakaiba na parang hindi ko maipaliwanag. Ano bang meron sa babaeng to? Bakit biglang tumibok ng malakas ang puso ko.

*End of FLASHBACK*

-----------

“Walang ano man. Sige hatid na kita sa inyo.”

“Ok.”

"Uhm, miss? Saan pala yung address mu?"

" Park St. #4." Sa Park St. #4? Diba address yun ni Nicu? Anong gagawin nya dun.

"Ah, sige. ^_^"  Nag lilive in na ba sila?

"Uhmm, miss. Ok kana ba?"  Tanong ko habang nagmamaneho.

"Hmm. Medyo. Alam mo? Hindi talaga ako makapaniwala na meron pa palang gustong magpakidnap sa akin. Ang akala ko, dahil malaki na ako, wala nang kikidnap sa akin. Kaso mali pala ako."  Malungkot nyang sabi.

"Bakit? Nakidnap kana ba noon?" Tanong ko.

"Oo, nung 5 at 9 years old ako. Pero ngayon kinalimutan ko na yung past ko. " kawawa naman pala siya.

"Nahuli ba yung mga kumidnap sayo noon?" Tanong ko ulit.

"Oo. Kainis nga e. Kikidnapin nila ako para ipagpalit sa malaking halaga. Naawa na nga ako nun kay papa kasi pera nya yung panggamit para mabawi ako. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil na huli din yung mga kumidnap sa akin."

" Ang saklap naman."

"Ahh, Yohan? Pwede? Paki bilisan mo? I'm sure na alalang-alala na si Nicu sa akin. Gabing-gabi na kasi oh. Kanina pa siguro yun naghihintay. Baka pagalitan na naman kasi ako nun. Mahirap na."

"Haha, sure."

Binilisan ko na yung pagmamaneho para madali ko siyang maihatid.

“Miss, andito na tayo.”

Lumabas na ako ng kotse at pinagbuksan ko na siya.

“So? Yohan. Dito nalang ako ha? Maraming salamat sa lahat. Sige bye2. “

“Ano kaba wala y…” Naputol yung pagsasalita ko nang biglang…

“Rishiel! Alam mo ba kung anong oras na?Bakit ngayon kalang ha?” Rishiel? Don’t tell me? Siya si Rishiel?

Biglang lumapit si Nicu sa amin. At hinila papasok si Rishiel ng bahay.

“Teka bro? Magpapaalam pa ako e.” Pahabol ko.

“Umuwi kana Yohan. Hinahanap kana ng asawa mo.” Anong asawa ang pinagsasabi nito?

“RISHIEL! RISHIEL! UUWI NA AKO! NICE TO MEET YOU NGA PALA!” Malakas kong sigaw tapos pumasok na ako sa kotse ko. At pinaharurot ko na ito paalis.

Habang  nagmamaneho ako ay bigla ko nalang naalala si Rishiel. Hindi ko makalimutan ang pagmumukha nya.

Nang makita ko siya kaninang inip na inip parang na feel ko na parang I found something special to her. Hindi ko alam kung bakit. Nang niyakap nya ako ay parang may naramdaman akong kakaiba. Nararamdaman kong kakaiba sya sa lahat ng mga babaeng nakikilala ko. Nang makita ko siyang nangangailangan ng tulong parang feel ko na kailangan ko syang protektahan. Yung feeling na parang gusto mong nasa tabi kanya palagi? Yun yung nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit na pasama pa sya sa mga koleksyon ni Nicu. Ngayon palang siguro kailangan ko na syang ilayo dito.

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon