Chapter 28

179 4 0
                                    

RISHIEL'S POV

"Aaaaaargh! Kainis! Bakit ako tinakbohan ng mokong na yun? Ito tuloy? Hugas pinggan ako ngayon? Nakakainis! Humanda ka sakin mamaya Nicu! Humanda ka!" Inis na inis kong sabing habang naghuhugas ako sa kusina ng fastfood.

Hinugasan ko lahat ng plato hanggang sa matapos ko lahat ng  yun. Nakakainis si Nicu. Akala ko ililibre nya ako. Pero bakit nya ako tinakbohan? Kainis talaga!

Lumabas na ako ng fastfood ng magsira na ito. Mga alas nuebe na ng gabi, ako nakalabas sa fastfood na yun. Mabuti na nga lang mabait ang may ari. Pasalamat ako kasi hindi nya na ako dinimanda.  Haixt.

Habang naglalakad ako sa daan ay may napansin ako sa di kalayuan. Tinakasan nya ba talaga ako o tinaguan? Kainis ang tipaklong nato! Bakit nandito pa yung sasakyan nya? Hindi kaya nandito lang sya sa palagid? Talaga naman oh! Humanda ka sa akin pag nakita kita.

Nang makita ko yung sasakyan nya na naka park sa kilid ng park ay nilapitan ko kaagad ito. Balak ko sanang hampasin ng tubo yung window glass ng sasakyan nya kaso wala akong tubo kaya hindi ko magawa. Kainis talaga. Siguro hihintayin ko nalang ang tipaklong na yun na bumalik dito.

Sa kalagitnaan ng paghihintay ko sa kanya ay biglang bumuhus ang malakas na ulan. Ganito ba talaga palagi sa Korea? Laging umuulan?

Dahil sa lakas ng ulan ay sumilong ako sa pinakamalapit na shed dito sa park. Haixt, kung minamalas ka nga naman. Kainis! Saan ba nagpunta ang lalaking yun?

Mag iisang oras na akong naghihintay sa shed na yun. Pero ni anino ni Nicu ay hindi nagpakita. Dahil dun ay kinabahan na ako.

Pano kung may masamang nangyarisa kanya? Pano kung? Napaano na siya? Pano kong nasaksak na siya sa daan?  Paano kung? Naholdap siya? Paano kung? Napatay siya? Paano kung? Paano?

"Aaaahhh! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nicu! Saan ka ba nagpunta? Aaahh! Ayokong mapahamak ka! Hindi kaya ng konsensya ko! Aaahh! Kainis ka!" Malakas kong sabi tapos sinulong ko yung malakas na pagbuhos ng ulan.

Tumungo ako sa park. Hinanap ko siya sa kong saan2. Hanggang sa matagpuan ko siya na nakupo sa isang bench na maraming lata ng SODA ang nakapalibot sa kanya. Tila wala siya sa sarili at basang-basa sa ulan. Ano bang nangyayari sa lalaking to? Dis oras ng gabi? Naglalasing siya? Anong nangyari?

Nilapitan ko siya tapos inalalayan siyang tumayo kaso nagmatigas siya. Ayaw nya pang umalis. Haixt. Ang arte naman ng lalaking to.Kainis! Bakit ko ba ginagawa to? Anong pakialam ko sa kanya? Ka ano-ano ko ba siya?

"Hoy? Wag kanang mag matigas. Sumama kana sa akin. Wag kanang mag inarte hindi bagay sayo. Pag hindi ka sumama sa akin. Tandaan mo. Wawasakin ko ang window glass ng kotse mo." Pagkasabi ko nun ay nagulat sya. Tapos tumayo na siya't sumama sa akin papunta sa sasakyan niya.

Nang mapuntahan na namin yung sasakyan nya ay ipinasok ko na siya dun backseat. Tapos ipinagmaneho ko na siya ng sasakyan pauwi sa bahay.

Pagdating namin sa bahay ay inalalayan ko siya papasok sa kwarto nya.  Habang naglalakd kami papunta sa kwarto nya ay bigla syang nagsalita.

"Claire. Claire." Claire? Siya na naman? Ang impakta na yun ang dahilan ng paglalasing nya? Oh my goodness.

Sa narinig ko ay dali-dali ko siyang dinala sa kwarto nya hanggang sa matuntun na namin yun. At pwersahang inihiga ko siya sa kama nya. Kainis talaga! Ano to author? Back to the beginning na naman tayo? Huhubaran ko na naman ng damit to? Argh! Kainis! Humanda sa akin ang lalaking to. Pagnagasing na siya. For now. Hayaan muna natin sya. Ipagpabukas nalang natin yung surprise ko sa kanya.

Nang ma ihiga ko na siya sa kama ay agad na akong tumungo sa banyo para humanap ng ipupunas ko sa katawan nya. Nang makahanap na ako ng pampunas ay lumabas na ako ng banyo. Tapos lumapit na ako sa kanya.

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon