RISHIEL POV
Nanag makapagbihis na ako ay agad na kaming lumabas ng bahay. Kainis naman tong Nicu nato. Ano bang masama kong magshort ako? Hindi naman panget tong legs ko ah? Aaaarrgh! Nakakainis!
Pumasok na ako sa loob ng kotse tapos sinimulan nya na itong paandarin at imaneho paalis. Hindi ko nga alam kung saan nya ako dadalhin. Ewan ko ba sa tipaklong nato kung bakit naisipan nyang mamasyal.
“Hey? Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
“Basta. Malalaman mo din mayamaya.”
“K. Fine.” Matipid kong sagot.
Tumigil na yung sasakyan sa di ko alam na lugar. Pero pamilyar sa akin. Lumabas na si Nicu at pinagbuksan nya ako matapos nyang ipark ang kotse nya,.
“Nicu? Saan tayo?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Hindi mo ba natatandaan? Nandito tayo ngayon sa lugar kung saan tayo unanag nagkita.” Ahhh.. Naalala ko. Ito yung lugar kung saan ka iniwan ng manloloko mong ex.
“Ahh, oo nga nuh?”
“So? Halilka na? Masyal na tayo?” Pagyayanito.
“Sure.”
Habang naglalakad sa daan ay biglang umihip ang napakalamig na hangin. Kaya bigla nalang akong nilamig. Haixt.. Ang ginaw.
Dahil sa sobrang lamig ay bigla akong bumagal kaya napansin nya ako kaagad.
“Hey? Napaano ka?” Nagaalalang tanong nito.
“Kasi.. Nicu.. giniginaw ako.” Ginginaw kong sabi.
“Haixt.. Diba bumili ka ng damit? Bakit hindi kaman lang nagsuot ng jacket?” Ayan na siya.. Nagalit na.
“Ehh kasi-“
“Kasi ano? Hindi ka nakabili? Naku naman Rish? Alam mo namang ang lamig dito sa Korea diba? Tapos hindi kapa bumili. Halika na nga.” Sabi nya tapos hinila ako papunta sa pinakamalapit na store dito sa park.
Nang makapasok kami sa store ay agad nya akong ibinili ng kulay pink na jacket. Syempre dahil libre? Sinuout ko ito kaagad.
Lumabas na kami ng store kaso sakto namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya bumalik ulit kami sa loob at naghanap ng mabibiling payong.
“Nicu?Pano yan? Iisa nalang ang natitirang payong?” Alalang tanong ko.
“Pwede na yan.” Sabi nya tapos kuha sa natitirang payong at binayaran sa kahera.
Nang makalabas kami ng store ay agad namang humina ang ulan. Si Nicu ang humahawak ng payong at ako naman ang sa tabi nya habang sabay kaming naglalakad.
“Hmm? Nicu? Madalas ba kayong mamasyal dito ni Claire?” Tanong ko. Wala eh? Wala aking maopen na topic. Hindi naman kasi siya umiimik.
“Oo. Pero hindi na ngayon.”-siya
“Bakit naman?”-Ako
“Obvious ba? Siyempre wla na kami?” Nagtatanong lang naman eh. Ang sungit kaagad.
“Namimiss mo ba siya?” Tanong ko ulit tapos kinabit ko yung braso ko sa braso nya. Yung parang magsyoto lang ang peg?
“Bakit ba tanong ka ng tanong? Dyan ka na nga!” Sabi nya tapos inalis ang braso ko sa pagkakapit sa kanya at iniwan ako.
Kita nyu to? Niyaya akong mamasyal tapos iiwan lang pala ako?
Napakabitter naman! Ganyan ba talaga ang mga heartbroken?
“Oy! Nicu! Hintayin mo ako!” Pahabol kong sigaw habang patakbo akong humahabol sa kanya.
“Hey? Saan ka pupunta?” Tanong ko ng mahabol ko na siya.
“Pakialam mo?” Nireregla ba siya? Bakit ang sungit nya?
“Arrggh! Saan ka nga pupunta? Kasi naman eh! Dadalhin-dalhin mo ako dito! Tapos iiwan mo lang pala ako!”
“AAAAHHH! Pwede ba? Hayaan mo muna ako? Naiingayan ako sayo! Iwan mo m-“ Bigla siyang napatigil ng mapalingon sa direksyon ng coffee shop kaya napalingon dito ako dito. At dun nakita ko ang isang couple na sweet na sweet sa isa’t-isa.Kung hindi ako nagkakamali.. Si Claire iyon at ang fiance nya.
Nang makita ko sila ay napatingin ako kay Nicu.. At yun nga.. Sa inaasahan kong makita sa kanya.. Bigla siyang nalungkot.. Mababanayad sa mukha nya na nasasaktan siya. Nakita kong napakuyom kamao siya habang pinapanood ang dalawa.
“Nicu-“
“Ok lang ako. Pwede bang iwan mo muna ako? Hayaan mo muna-“ Hindi ko na siya pintapos dahil kusang gumalaw ang katawan ko at niyakap siya ng mahigpit.
Hindi ko alam pero parang bigla nalang akong nakaramdam ng sakit..
Sakit na nakikitang nasasaktan si Nicu.
“Nicu.. Please? Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Alam kong mahal na mahal mo siya. Pero nakikita mo naman siya diba? Mahal na mahal nya yung lalaki. Masakit man tanggapin pero iba na talaga ang mahal nya.” Nalulungkot kong sabi.
“Rish, Hayaan mo muna akong mapagisa. Bumalik ka na muna dun sa kotse. Wag kang mag-aalala. Babalik ako.” Sabi nya tapos kumalas sa pagkakayakap ko at tuluyan na siyang umalis.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
Roman d'amourSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...