Hayyy, nakakapagod na araw. Gusto ko nang magpahinga. Buong araw akong nagayos ng mga libro sa library. Bakit ba, book club pa yung pinasukan kong club? Sana nagtaekwando nalang ako. Para kahit papano mabugbug ko yung mga nambubully sa akin. Kainis! Bakit ba ako yung inutusan nilang ayusin yung library? Haixt. Bahala sila, hindi ako papasok bukas. Dahil sa kanila hindi ako nakabasa ng Wattpad. Kainis talaga. For now, magpapahinga muna ako. Antok na antok na kasi ako. Yung Wattpad. Bukas ko na muna yun babasahin hindi ko na talaga kaya e. Goodnight nalang sa inyo mga readers.
Kinabukasan ginising ako ng maaga ni manang Sonia. Kainis talaga ayoko talagang pumasok ngayon e. Bahala na hindi ako papasok. Kunin ko nalang tong android ko. At magbabasa na ako ng Wattpad. Hmmmm? Ano kaya ang babasahin? Ahh, oo nga pala hindi ko pa natapos yung wait for you. Yun nalang yung babasahin ko.
“TOK! TOK! TOK!”
“Rishiel! Rishie! Bumangon kana dyan. Ano ka bang bata ka! Ang hirap mong gisingin. Akala ko ba? Bumangon kana kanina? Bakit natutulog ka na naman? Haixt.”
“Manang! Hindi ako papasok ngayon. Tinatamad ako. Magpapass nalang ako ng excuse letter bukas. Sige na Manang. Wag mo na akong istorbohin!” pasigaw kong sabi sa kanya.
“Sandali ngang bata ka? Papasok ako diyan.” Sabi niya tapos pumasok na siya ng kwarto ko.
“Oh? Yan ba ang dahilan kung bakit ayaw mong pumasok? Naku? Rishiel ha? Sa ginagawa mong yan. Baka ako pa yung mapagalitan ng mama mo.” Sabi niya ng makita niya akong nagbabasa ng Wattpad sa android tablet ko.
“Manang? Magagalit lang naman si Mama kung nalaman niya e. Hindi siya magagalit kung tatahimik lang tayo. Kaya Manang hayaan mo na ako. Akong bahala sayo. Wag kang mag alala.”Mahinahong sabi ko sa kanya.
“Siguraduhin mo lang ha? Teka? Bakit ba ang hilig-hilig mong magbasa ng mg ganyan? Naku, Rishiel? Wag mong masyadong ilulong ang sarili mo sa mg ganyan. Baka isang araw magising ka nalang na wala kana sa sarili mo dahil lang dyan. Paalala ko lang sayo. Tigilan mo na yan. Adik.” Aba? Maka adik si Manang wagas ha?
“Haha, ikaw talaga Manang. Wag kang mag alala hindi mangyayarin yun. Sige na. Lumabas kana Manang. Hindi kasi ako makapagconcentrate sa binabasa ko.” haha. Siguro nagtataka kayo kung bakit sa haponan lang ako kumakain? May mini refrigerator kasi ako dito sa room. In case na malipasan ako ng gutom ay kukuha nalang ako dito ng pagkain. No need na para bumaba ako at kumuha ng makakain.Tinatamad kasi akong bumababa at kumuha ng pagkain sa kusina. Nakakapagod.
“Hayyy, sige. Wag mong kalimutang kumain dyan ha?”
“Opo!”
Lumabas na siya ng kwarto tapos ako ay nagsimula ng basahin yung continuation ng binabasa ko. Nasa chapter 2 palang ako. Ang pamagat ng Chapter 2 ay Alone in the rain.
Habang binabasa ko yung story ay hindi ko na namamalayang tumutulo na pala yung mga luha ko. Ang lungkot-lungkot kasi nang story e. Naaawa ako sa guy. Niloko siya nang girlfriend nya. Tapos iniwan pa siya. Ewan ko ba kung bakit nagpapakatanga siya dun sa babaeng yun.
“Hayyyy. Buhaya parang life. Kawawa naman tong guy na to. Ano bang kulang sa kanya? At bakit iniwan siya ng gurl? Sa pagkakadescribe sa kanya dito sa story e. Varsity player siya. Handsome siya. Matangkad, Mabait. Sweet. Lahat na siguro ng gusto ng isang babae e. Nasa kanya na. Kawawa naman siya. Sobrang mahal nya ang babae. Sana ako nalang yung mahalin nya. Single naman ako. kaso hndi pwede. Hindi naman kasi siya totoo. Sa story lang naman siya nageexist e. Haixt.” Sabi ko habang nagbabasa.
“Pero kahit hindi totoo. Sana magkatotoo pa rin. I wish Makita ko tong guy nato. I wish na macomfort ko siya. I wish na kahit ngayon lang makasama ko tong guy na to.” Napapikit ako ng masabi ko ang mga katagang yun.
Bakit parang may nararamdaman akong tulo ng tubig sa katawan ko? Bakit parang basang-basa ako? Bakit ang lamig? Tapos ang ingay? Hindi ko maintindihan.
Nacucurious ako kung anon a yung nangyari kaya unti-unti ko nang iminulat yung mga mata ko. Then suddenly… Iba yung nakita ko.
Nasan ako? Saang lugar to? Bakit ako nandito? Anong nangyari sa akin? Nasaan na yung bahay namin?
Sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko ng imulat ko yung mga mata ko. Naguguluhan ako ng mga panahon na yun. Tapos bigla kong napagtanto na nasa isang park ako ng isang lugar na hindi ko alam kung saan. Habang nakaupo ako sa isang mahabang upuan ng park na yun ay napalingon ako sa katabing upuan ng inuupuan kong upuan. Nakita ko ang isang lalaking basang-basa, malungkot, nagiisa, at parang kanina pa dun naghihintay. Ang lungkot-lungkot niya. Nakakaawa siya sino ba yung hinihintay niya? Bakit hindi siya sinupot ng hinihintay niya?
Habang nakatingin ako sa kanya ay parang may naramdaman kong may naapakan akong bagay sa ilalim ng inuupuan ko. Tinignan ko yung bagay na naapak ko. Then nakita ko yung isang paying. Tapos sa payong nay un ay may nakasabit na singsing. ??Hindi ko alam kong kanino yun. Basta ang naisip ko nalang na gamitin yung payong. Tapos isheshare ko nalang sa lalaking kanina pa nagpapakabasa sa ulan. Baliw na siguro tong lalaking to.

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
Storie d'amoreSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...