“BAAAAAANNG! “
Narinig ko ang malakas ng baril.. at biglang naramdaman ko nalang na may isang napakabigat na bagay ang bumagsak sa sahig.
Iminulat ko ang aking mga mata…
And to my surprise…
“HINDI! HINDI! NICU! NICU! LUMABAN KA! WAG KANG SUMUKO! HINDI KA MAARING MAMATAY! NICU! WAG MO AKONG IWAN! MAHAL NA MAHAL KITA.” Patakbo akong lumapit sa kanya.
Nakahandusay siya sa sahig at may tama ng bala sa kaliwang dibdib ng Makita ko siya ng imulat ko ang aking mga mata..
At dahil sa sobrang galit ko ay tumayo ako at binuhat ko yung upuang kanina’y inuupuan ko at inihampas ito ng malakas kay Claire haggang sa matumba siya sa sahig at nanghina.
Nang Makita ko siyang natumba ay nag madali na akong lumapit kay Nicu na kasalukyang nakahandusay sa sahig at puno ng dugo ang kanyang katawan.
“Rish… Babe.. Mahal na mahal din kita… Babe.. Tumakbo kana habang may oras kapa.. Tumakbo kana..” Nanghihina nyang sabi.
Pilit nya akong pinapatakbo . Gusto nya akong tumakas. Pero hindi ko kaya.. Hindi ko siya kayang iwan.
“Nicu.. Hindi.. Hindi kita iiwan. Ayokong iwan ka dito. Mahal na mah…” Naputol ang pagsasalita ko ng magsalita siya ulit.
“TUMAKBO KA NA RISHIEL! IWAN MO NA AKO DITO! TUMAKBO KANA!” Pasigaw na nitong sabi ng makita nyang unti-unti ng bumabangon si Claire.
“HAHAHA! WAG KA NANG MAGBALAK NA TUMAKBO RISHIEL! DAHIL IKAW NA MISMO ANG MATATAMAAN NG MGA BALA KO!” Nababaliw na talaga siya.
“RISHIEL! TUMAKBO KA NA!” Pasigaw pa ring sabi ni Nicu.
“PERO… Hindi ko kay…”
“TUMAKBO KA NA....!”
Nakikita kong unti-unti ng pumipikit ang mga mata nya...
Nag aagaw buhay na siya..
NICU! WAG! WAG KANG SUSUKO! NICU!"
"Babe... Pataw...ad...Mahal na mahal ki... ta.."
Sobrang sakit sakin ng makita mismo ng dalawang mga mata ko ang pagkamatay ng lalaking pinakamamahal ko..
Wala na akong magawa kundi… Sundin si Nicu.
Tumayo na ako para tumakbo…
Sinimulan ko nang ihakbang ang dalawang mga paa ko at
Tatakbo na ako …
Sana…
Pero parang hindi ko mailakad ng mabilis ang mga paa ko…
Na parang may pumipigil sa akin….
“HAHAHA! HINDI KA MAKAKAALIS DITO RISHIEL!” Nakatawang sabi ng baliw na si Claire.
Inilakad kong muli ng mabilis ang mga paa ko…
Pero…
Hindi ko magawa…
Hindi ako maktakbo…
Parang may pumipigil sa akin…
“RISHIEL! HINDI KA MAKAKATAKAS!”
Pinipilit kong lumakad ng mabilis pero… Huli na. Huli na ako…
“BAAAAANG!”
Naramdaman kong may isang mainit na bagay ang bumaon sa katawan ko. At unti-unti ko na lang naramdamang…
Unti-unti ko na lang naramdamang naghihina na ang aking katawan at unti-unti akong natutumba…
Haggang sa bumagsak na ako ng tuluyan sa sahig…
At unti-unting pumipikit aking mga mata….
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
RomanceSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...