Chapter 14

217 4 0
                                    

Naglakad –lakad na ako sa mall. Nagtanong-tanong ako kung saan yung foodcourt. And luckily may nakapagturo sa akin. Kaya ito on the way na ako papunta dun.

Malayo palang ako. Eh tanaw na tanaw ko na yung tipaklong. Kitang-kita sa mukha niya na inip na inip na siya dun sa kakahintay sa akin. Kaya binilisan ko yung paglakad para makapunta na ako dun kaagad. Baka kasi iwan nya ako e.

“Hey! Tipak. Este, Nicu? Kanina ka pa ba dyan naghihitay?” tanong ko sa kanya ng marating ko na yung foodcourt.

“Sa tingin mo? Kita mo namang inip na inip na ako dito diba? At bakit yan yung suot mo? Yan nab a yung pinamili mo? Sana pala sinamahan na kita sa pagpili ng mga damit mo. Ang panget mong pumili. Panget ka talaga.” Ouch? Bakit nasaktan ako ng sabihan nya akong panget? Eh sa iba naman hindi naman ako nasasaktan ah? Sa katunayan sanay na akong tawaging panget. Pero bakit nang siya yung nagsabi. Nasaktan ako? Hayyyyy. Ano ba to?

“Hoy?Akala mo kung sino ka diyang makapanlait ah? Eh ano ngayon kung panget ako? Alam ko namang panget ako. Pero bakit kailangan mo pang sabihin yun?Kainis ka! Dyan ka na nga!” galit kong sabi sa kanya tapos tinalikuran ko na siya. At iniwan dun na nakatunganga.

“Hey? Hey? Saan ka pupunta? Nakalimutan mo? May pupuntahan tayo ngayon kaya halika na.” Pahabol nyang sabi sa akin tapos hinila nya na ako palabas ng mall.

Isinakay niya ako sa kanyang sasakyan tapos inihinto nya yung sasaklyan sa tapat ng isang salon.

“Oy? Anong gagawin natin dito?” Takang tanong ko sa kanya.

“Obvious ba? Edi papagandahin ka. Ang hard mo naman. Lumabas ka na nga.” Arrrrg!

Lumabas na ako ng sasakyan tapos pumasok na kami sa loob ng salon. Papagandahin ako? Ok naman tong itsura ko ah?

“Goodmorning po sir. Ano pong maitutulong ko.” Wow? Filipino pala ang nagtatrabaho dito?

“Benj, may partyng dadaluhan kami mamaya. So? Paki ayos naman tong itsura ng kasama ko. Siya kasi yung ka date ko. I hope pagbalik ko. Tao na yung itsura niya ha? Gawin mo ng maayos yung pinagagawa ko. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho.” Ang sakit talaga magsalita ng tipaklong nato. Ano akala nya sa akin? Hayop? Na kapag bumalik siya dapat tao na ako? AAAAHHHHH! NAKAKAINIS NA!

“Ok po sir.” Sagot naman ng baklang inutusan ni tipaklong.

Pagkatapos nun ay lumabas na si tipaklong at iniwan ako sa mga baklang nagtatrabaho sa salon nay un.

“Miss? Ano bang gusto mong hairstyle?” tanong naman ng bakla sa akin.

“Ha? Kahit ano. Basta bagay sa akin.” Sagot ko naman dun sa bakla.

“Ah ok.” Yun lang yung sabi nya tapos sinimulan nya nang basain yung buhok ko.

Habang ginugupitan niya ako ay nakaharap ako sa salamin. Habang pinapanood ko. Ay may mga katanungan ako na gusto kong sagutin nya. Hindi ko alam kong bakit natatakot siya kay tipaklong.Bakit ba siya natatakoy dun?

“Hey? Bakit ka natatakot sa tipaklong na yun? Hindi ko na napigilang itanong ito sa kanya.

“Ha? Tipaklong? Sino yun?” Tumigil siya sandal tapos pinagpatuloy nya ulit yung ginagawa niya.

“Si Nicu.” Sagot ko sa kanya. Tapos bigla siyang natawa sa sinabi ko.

“HAHAHA! Tipaklong? Si sir Nicu? Gravih. Ngayon ko lang yan narinig.” Tawang sabi nya.

“Bakit ka ba natatakot sa kanya?” paulit kong tanong sa kanya.

“Ha? Hindi mo ba alam?” takang tanong nya.

“Ang alin?” takang tanong ko rin sa kanya.

“ Siya yung anak ng may ari nitong salon. Kaya nga natatakot kami sa kanya. Napaka sungit kasi e.” AA-Anak? Anak ng may ari nitong salon?

“Anak siya ng may ari nitong salon?” paulit kong tanong.

“Oo. Sa katunayan. Sila rin yung may ari ng mga hotel dito sa Korea. Oh? Diba ang rich nya?” Gravi. Di ako makapaniwala. Anak siya ng isa sa mga pinakamayamang may ari ng mga hotel dito?

“Wow? I can’t believe it? Ganun ba talaga ka yaman si Nicu?”

“Oo. Naman. Alam mo miss? Ngayon ko lang nakitang nagdala ng babae dito si sir.  Although marami siyang naging gf noon. Pero ikaw palang yung pinakauna na naka punta dito.” Ako?

“Hahaha. Ano ka ba? Siyempre? Panget ako. Kaya nga ako nandito diba? Para pagandahin ako.” Natatawang sabi ko sa kanya.

“Miss? Alam mo? Hindi ka naman panget e. Sa katunayan maganda ka. Kaso nakasuot kalang kasi ng makapal na salamin sa mata mo. Tapos meron kapang brace sa mga ngipin mo. Kung tatanggalin natin yan. Edi hindi ka na magiging panget.” Totoo ba tong sinasabi ng baklang to?

“Tatanggalin mo yung salamin ko? Ayoko. Hindi ako makakita kung tatanggalin mo to.” Pagtatanggi ko sa kanya.

“Wag kang mag alala. Akon bahala, papagandahin kita. Tatanggalin lang natin yang salamin mo. Tapos magsusuot kalang ng contact lense para makakita ka.”

“Ah ganun ba? Ok. Sige. By the way. Ako pala si Rishiel. Ikaw?“ pagpapakilala ko sa kanya.

“Ako nga pala si Benji. Call me benj for short. ^_^” Ang bait naman ng baklang to.

After 987463543755986 years. Sa wakas natapos na rin yung operasyon sa mukha ko. Iminulat ko yung mga mata ko at tinignan yung mukha ko sa salamin. Super hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko. Rishiel ? Ikaw ba yan?.

Siguro nagtataka kayo kung bakit iminulat ko yung mga mata ko. Habang inaayosan kasi ako ni Benji ay sinabihan niya akong magrelax muna ako. Ipikit ko daw muna yung mga mata ko. Para surprise daw pagmulat ko. And now? Totoo nga na surprise ako sa nakita ko. Gumanda ako. Bumagay yung kulot na buhok sa akin.  Tapos wala na rin yung eye glasses ko. Pero still my braces pa rin ako. Hindi naman kasi dentist si Benji para kunin yung brace ko. For now? Ok na ok ako ngayon sa new look ko.

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon