Chapter 13

244 3 0
                                    

“TIK-TILAOK! TIK-TILAOK! TIK-TILAOK!”

Nagising nalang ako bigla ng marinig ko yung tik-tilaok ng manok. Ang pinagtataka ko? Sa korea? May ganito? Asan ba talaga ako? Bumangon na ako sa kama tapos hinanap ko na si Mariah. Asan na ba yung ahas na yun? Kailangan ko lang magpasalamat sa kanya kasi hindi niya ako ginawang midnight snack kagab.e.

“Hoy? Wala ka bang balak na lumabas? Kanina pa kita ginising ng alarm clock ko. Ang hirap mong gisingin.” Kaya naman pala e? Alarm clock pa niya yun.

“Si Mariah? Nasan?” asan nab a kasi si Mariah?

“Nasa sala hinihintay ka.” Tae naman oh? An gaga namang nagising ni Mariah.

“Ah ok. Just a sec. aayosin ko lang tong tinulagan naming ni Mariah tapos bababa na ako.

---------------

Lumabas na ako ng kwarto ng maayos ko na yung higaan. Tapos dumeretcho na ako sa sala. Nakita kong nakaupo dun si Nicu na hinahawakan yung alaga niyang ahas. Ano ba ang naisip ng baliw nay un? At bakit siya nag alaga ng mga ahas? Haixt.

“Oy? Rishiel? Kumuha ka nga ng tubig dun sa kusina. Nauuhaw kasi si Mariah. Pakibilisan lang ha?” Ano ako? Pinatira niya ba ako dito para gawing alipin? Ano siya sinuswerte. Haixt. Kainis wala na akong magawa kundisundin nalang siya.

Kumuha na ako ng tubig sa kusina. Tapos kumuha na rin ako dun ng makakain. Tapos bumalik na ako sa sala at ibinigay yung tubig kay Nicu.

“Oh, ito.” Sabi ko sabay abot ng tubig sa kanya.

“Wait? Saan mo nakuha yang pagkain? Bakit ka kumuha ng pagkain?” Gulat niyang tanong sa akin.

“Nagugutom ako . Kaya kumuha ako ng pagkain sa kusina. May problema ba?” tanong ko sa kanya.

“Oo. May problema. Kinuha mo nalang yan ng bast-basta ng hindi nagpapahintulot. Ibalik mo yan. Alam mo bang? Pagkain yan para sa mga alaga ko?” What? Alaga? Kadiri naman.

“BU-BU-BU..” nasusuka akong tumakbo sa banyo. Tapos isinuka ko yung mga pagkain na kinain ko. Hayyy. Nakakainis. Gutom na gutom na ako.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng cr at eksakto namang paglabas ko ay wala na dun sa sala yung tipaklong. Siguro babalik na muna ako dun sa kusina. Maghahanap ulit ako dun ng pagkain. Yung pagkaing pantao. Nakakainis naman kasi si Nicu e. Hindi nya man lang ako pinakain. Makapunta na nga sa kusina. Papunta na sana ako dun ng biglang tawagin ng tipaklong yung pangalan ko. Nilingon ko naman siya. Nakita kong bihis na bihis siya.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sa mall." Mall?

"Sa mall? Bakit may date ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yes. Kaya magbihis kana." Bakit naman ako magbibihis?

"Pinagsasabi mo? Bakit mo ako pinabibihis? Diba ikaw ang may date? Hindi ako sasama." Pagtatanggi kong sabi.

"Arrrgggg! Sige na nga wag kanang magbihis. Wala ka naman kasing dalang damit e. Halika na." Sabi niya sabay kaladkad ako palabas papasok sa kotse niya.

"Oy? Oy? Saan tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin?" Takang tanong ko sa kanya. Saan nya ba ako dadalhi?

"Pwede? Tumahimik ka nalang? Pupunta tayo ngayon sa mall. Bibili tayo ng damit mo. At ngayon magsisimula na yung pagpapanggap mo bilang girlfriend ko. Kaya sa ayaw at sa gusto mo. Pupunta tayo dun." Wow? Kami? Magdedate? Wow. Firstym ha?

"K. FINE!"

---------

Tumigil na yung sasakyan sa tapat ng isang pinakamalaking mall. Ipinark niya muna yung car bago kami lumabas.  Pagkatapos nun ay lumabas na siya. At pinagbuksan ako ngpinto. Gentleman naman pala tong lalaking to.

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon