NICU’S POV
“Oh? Natawagan mo na ba? Anong sabi? Uuwi na ba siya?” Sunod sunod na tanong k okay benji ng isuli nya na sa akin yung cp ko.
“Naku. Sir? Siguradong lagot ka dun pag nalaman nyang niloloko mo lang siya. “
“Hahaha. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang umuwi na siya dito. Yun lang.” Pero ang totoo. Ayoko lang talaga tumagal yung date nila. Wala akong tiwala kay Yohan. Baka ano pang gawin nya kay Rishiel.
“Sir? Kailangan ko nang umuwi bago pa dumating si Rishiel. Mahirap na baka maabotan nya pa ako dito. Sige sir alis na ako. Ingat na lang po kayo kung ano man ang mangyari mamaya.” Pag papaalam nito.
“Sige. Maraming salamat. Ikaw din. Magingat ka.”
Lumabas na siya ng bahay while ako ay nandun parin nakatayo, nakatunganga at nakatambay sa pintuan. Inaabangan ang pagdating ni Rishiel.
“Haixt! Bakit ang tagal ng babaeng yun? Kainis naman e.” inip kong sabi.
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa wakas ay dumating na siya. Dali-dali na akong tumakbo at pumasok sa kwarto at humiga na sa kama ko.
Bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Naramadaman kong lumapit si Rishiel sa akin at nagsalita.
“Nicu? Ano bang nangyari sayo?”
“ Alam mo bang pinag alala mo ako ng sobra?”
“ Thank god,ligtas ka. “
“Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina ng malaman kong may nangyari sayo.”
“ Sige magpahinga ka muna dyan.”
HAhaha! Nakakatawa ang babaeng to. Hahahahaha!
“I Love you Nicu. Muaaahh.” Sabi nya sabay halik sa noo ko.
Mahal nya ako? Kailan pa? Akala ko gusto nya lang ako.
“I Love you Too, Rishiel.” Sabi ko sabay hila sa kanya pahiga sa kama ko at niyakap ng mahigpit.
O_O? Ito yung itsura nya ng sumagot ako ng I love u too.
“Teka? Oy? Oy? Bitawan mo ako! Bitawan mo nga ako sabi e! “ Malakas syang kumawala sa pagkakayap ko.
“Bakit? Takang tanong ko.
“Aminin mo nga Nicu? Niloloko mo lang ba ako?” Obvious va.?
“Hindi ah.. May nangyari sa akin nu! May sakit ako.”
“Talaga? Tignan ko nga kung may sakit ka?”
Inilapit nya yung kamay nya tapos hinawakan nya yung noo ko.
“Oh? Wala naman ah? Sabihin mo nga sa akin Nicu? Bakit mo inutusang tawagan ako ni Benji? At talagang ginamit mo pa si Benji sa mga kalukuhan mo. Bakit ba Nicu? Bakit mo ginagawa to?”
“Kasi……” Nagseselos ako! Hindi ba obvious?
“Kasi ano?”
“Kasi… “ HAixt! Natotorpe ako. Hindi ko kayang sabihin na nagseselos ako.
“Kasi nga ano? Ang tagal!” Inip na inip nyang sabi.
“Kasi…………Nagugutom na ako! Umalis ka ng bahay ni hindi ka man lang nag iwan ng pagkain!” Haixt. Wala na akong maisip na ibang rason.
“Nagugutom ka? Naku naman? Nicu? Sinira mo yung date ko ng dahil lang sa nagugutom ka?Edi sana? Nagpadeliver ka ng pagkain mo!” Aba? Siya pa tong may ganang magalit?
“Ayokong magpadeliver! Gusto kong ikaw ang magluto para sa akin!” Iba ang lutong bahay kesa sa lutong labas!
“Ano? Gusto mong ako ang magluto para sayo? Yun lang ba ang dahilan mo? Kaya sinira mo yung date ko? Ano kaba? Nicu? Kainis ka! Dyan ka nga!” Galit nitong sabi..
Tumalikod na siya at Lalakad na siya sana palabas ng nagsalita akong muli.
“Rish… May sakit ako.. “ Narinig niya akong nagsalita kaya humarap siyang muli sa akin.
Nakaharap siya sa akin na may tanong sa mukha niya.
“May sakit ako…. Sakit sa pagmamahal. “
“Rish..Mahal kita… “
“Nagseselos ako kay Yohan. Nagseselos ako. “
“Hindi ko kaya na nakikipagdate ka sa iba. Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Nasasaktan ako.“
“Nasasaktan ako… Dahil mahal kita.”
“Sabihin mo na na sira ulo ako. Baliw ako… Pero hindi ako magiging ganito kung hindi kita mahal.”
“Rish… Ikaw ang nagbago ng buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pag-asa para magmahal muli.”
“At ang pag-asang iyon ay ikaw. Ikaw Rishiel. Ikaw ang mahal ko.”
Pagkatapos kong sabihin iang lahat ng yon ay naramdaman ko nalang na bigla niya akong niyakap ng mahigpit..
“Nicu… Mahal na mahal din kita.”
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
RomanceSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...