Chapter 17

197 3 0
                                    

Ilang oras na kaming nagpapakalunod sa alak. Kaso ako? Hindi pa rin na lalasing. Hindi ko nga alam kung bakit e. Samantalang si Nicu naman ay sobrang lasing na lasing na. Kahit lasing na siya ay patuloy pa rin siya sa kalalaklak ng alak.  Ano ba tong lalaking to? Ilulunod nya nalang ba ang sarili nya sa paglalasing? Kainis ha? Haaay! Hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na kayang nakikitang nagkakaganto si tipaklong. Dahil sa babaen yun? Magpapakalasing siya? Haixt. Bahala na. Iuuwi ko natong mokong nato.

Sinubukan kong patayuin si Nicu mula sa pagkakaupo nito. Pero hindi ko siya makaya. Hindi nya na rin kasi makayanang tumayo. Sobrang lubog na yung katawan nya sa alak. Kaya tinawag ko nalang yung mga naglalakihang bouncer para tulungan akong buhatin si Nicu palabas papunta dun sa sasakyan nya. Mabuti na nga lang ay marunong akong magdrive. Kay carry kong ipagdrive tong lasing nato.

Inalalayan na ng dalawang bouncer ng bar si Nicu palabas ng Hotel tapos dinala na nila ito sa kotse nito. Tapos iniwan nila kami dun. Habang nasa kotse na kami ay napapaisip ako? Pano ko naman maipagdrive tong tipaklong nato kung. Hindi ko alam ang dan pauwi. Haixt. Kainis! Mabuti pang maghanap ako dito ng mapa sa loob ng sasakyan nya. Haaayyy! Map! Magpakita ka sa akin.

"Nicu! Gumising ka nga! Ituro mo muna sa akin ang daan pauwi sa inyo! Kainis ka naman e! Gising ga dyan!" Pasigaw kong sabi sa kanya habang niyuyog-yog yung magkaliwa nyang balikat.  Kung hindi pa to sumagot. Tiyak! Masasakal ko talaga ang tipaklong nato.

"Sa park. ... Park st.... # 4. .." nanghihina nyang sabi. Mabuti naman at sumagot tong mokong nato.

"Haixt. Ok asan ba yung park st. # 4?" Sabi ko habang sinastart ko yung kotse.

Nang biglang nabigla ako ng may biglang lumabas sa monitor. Mapa ng address ng bahay ni Nicu. Wow! Talagang hitech na ngayon yung teknolohiya. At salamat naman dahil dito hindi na ako mahihirapang magtanong-tanong kung san itong park st. nato. Nakakanosebleed kaya kapag kinausap ko yung mga koreans dito. Lalo na't hindi naman ako taga dito. Makapagdrive na nga. Tulog na kasi tong lalaki sa backseat.

Naging madali na sa akin yung ipagdrive si Nicu. Nakarating kami ng maayos sa kanilang tahanan. Tulad ko hindi rin kasama ni Nicu yung mga magulang nya. Dahil nasa ibang bansa din ito. At inaasikaso yung negosyo nila. Ang lungko pala ng buhay ni Nicu nuh? Akalain nyu yun? Nagawa nyang mabuhay dito na kasama yung mga alaga nya? Kung sabagay mayaman naman sya e. Kaya hindi siya magugutom.

Inalalayan ko na si Nicu papasok ng kanilang bahay hanggang sa kanyang kwarto. Ihihiga ko na siya sana sa kama niya kaso bigla akong na offbalance kaya dalawa kaming napahiga sa kama niya tapos napunta ako sa ibabaw niya. Tapos nagulat nalang ako ng biglang maglapat yung mga labi namin. AAAAAAHHHH! ANONG GAGAWIN KO? AAAHH NAKAKAHIYA! VIRGIN PA AKO! BAKIT SIYA? BAKIT SIYA ANG NAKA UNA? KAINIS! AAAAHHHHH! AYOKO NA! Sa sobrang hindi makapaniwala ay hindi ako kaagad nakaalis sa pagkakapatong sa kanya.

Nag tagal ng ilang secs bago ako mahimasmasan sa nangyari kaya agad na akong umalis sa pagkakapatong sa kanya.Habang siya ay sarap na sarap pa rin sa pagtulog.  Sana hindi nya alam tong nangyari.  Sana hindi niya malaman to. Sana ng nangyari to ay natutlog pa rin siya. Nakakahiya tong nangyari. AAAAAAHHHHH! Ayoko na! Mabuti pang lumabas na ako dito bago magising tong tipaklong nato.

Palabas na sana ako kaso bigla akong nakonsensya. Hahayaan ko nalang ba siyang ganun yung damit habang natutulog? Hahayaan ko nalang ba siya dun na nag aamoy alak yung baho nya? Aaaaaahhh! Kainis! Sige na nga! Mabuti nalang mabait ako. Hindi kaya ng konsenya ko na hayaan nalang siyang ganun.

 Lumapit na ulit ako sa kanya tapos. Unti-unti ko nang iniaalis yung pantaas niya. Kainis! Doble pa yung damit nya! Pinahihirapan ba ako ng tipaklong nato? Kung sabagay? Malamig dito kaya sa sobrang lamig ay dinoble nya na yung damit nya.

Nang maialis ko na yung damit nya sa taas ay hindi ko maiwasang mapahanga sa abs nya. Oh God. Wag nyu po sana akong hayaang matukso sa katawan ng lalaking to. Haixt. Here I come. Kailangan ko pa bang hubarin tong pants ng tipaklong nato? Ok na siguro to diba? Sige. Hindi ko na huhubarin yung pants nya. Baka kasi pagkamalan niya pa akong pinagnanasaan ko yung katawan niya. Ok nato. Sige maiwan ko na siya dito.

Bago ako lumabas ng room niya ay pinalitan ko muna ng bago yung damit nya na hinubad ko. Amoy alak kasi e. Tapos inayos ko na yung pagkakahiga niya.  Tatakpan ko na sana ng kumot yung katawan niya kaso bigla siyang nagsalita.

"Claire.... Claire. ... Bakit mo ako niloko? Bakit mo ako iniwan? Bakit ka sumama sa kanya? Alam mo namang mahal na mahal kita diba? Bakit mo nagawa sa akin to? Bakit." Umiiyak nyang sabi habang tulog. Nakakaawa si Nicu.

"Ssssshhhh. Tama na. Wag kanang umiyak. Pinapangako ko sayo Nicu. Simula ngayon. Tutulungan na kitang kalimutan ang manloloko mong ex. She does'nt deserve your love Nicu. Kung ako sayo hindi ko sasayangin ang panahon ka para sa manlolokong yun. Move on Nicu. Move on. I'll swear to you Nicu. Makaka move on ka rin at higit makakaganti ka din dun sa babaeng yun. Kaya Nicu. Magpakatatag kalang. Habang nandito ako tutulungan kita. Ayokong mawala ako dito na hindi man lang kita nakitang masaya. Nicu. Makakamove on ka din. Kaya stop crying na ha? Magiging ok ka rin. Sige na. Goodnyt." Sabi ko tapos inayos ko na yung kumot niya at lumabas na ako ng kwarto niya.

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon