Nagsimula na kaming maglibot-libot sa mall. Ang unang gumawa hakbang ay Iris.
"WOW! guys? Toys oh? Halika Aldrich? Bili mo ako ng teddy bear? Dali na? Guys? Mauna na muna kayo, bibili lng kami ng toy ni Aldrich. Sa fountain nalang tayo magkita-kita. Sige! Babush!" Sabi niya sabay hila ng braso ni Aldrich papunta sa toy store.
Tapos ang pangalawang gumawa ng hakbang ay si Angel.
" Ah? Ehhh? Guys? Ako rin e. May Pupuntahan din ako. May bibilhin lang ako. Magkita-kita nalang tayo sa fountain." Sabi naman ni Angel tapos tumalikod na sa amin at umalis. At ng makaalis siya ay sinundan na siya ni Kevin.
"Naku? Akala ko ba magshoshoping tayong magkasama? Eh bakit kanya-kanyang lakad na lang tayo ha? " Naiinis na sabi ni Alex.
"Ewan ko? Eh, baka importante lang siguro yung lakad nila." sagot ko naman habang tutok na tutok ako sa hawak kong android. Para makasiguro kung ano yung ginagawa ko ay bigla siya sumilip.
Ngayon, ang natitira nalang ay ako, si Kein, si Zander, si Alex, si Chloe at si Clarence.
Ang sunod na gagawa ng hakbang ay si Chloe na kasalukuyang kuha ng kuha ng pictures ng mga cute guys.
"Hey? Chloe? Tama na nga yang pagpipicture? Alam mo? Kanina pa ako nahihilo sa mga pinanggagawa mo. Tigilan mo na nga yan?" pakunwaring pananaway ko sa kanya. Pero ang totoo ay kanina ko pa siya sinisinyas na umalis na..
"Heh! Ayoko nga atsaka minsan lang naman to e." Aba naman? Nakalimutan niya bang may plano kami?
"Hahaha! Bakit inaano mo ba yan ha? Kung mga cute guys lang yung gusto mong kuhanan e andito naman ako e?" Pangaasar na sabi naman ni Clarence sa kanya.
"Che! Tumahimik ka diyan! Close ba tayo? Ang kapal m.... Wait? Ano yung nakikita ko? Guys? Magkita nalang tayo mamaya ha? I need to buy a new cam kasi e. So? Kitakits nalang tayo later? BYE2!" sabi niya tapos nagpaalam na siya sa amin. Akala ko nakalimutan niya na yung tungkol sa plano. Hindi pala.
"Hoy? Clarence san ka pupunta?" pahabol na tanong ni Alex sa kanya.
"OBVIOUS ba? Edi sinusundan si Chloe. Sige na bye na! Boring kasi pagkasama ka! BLEEEEEEEEEEEhhh!" Sabi niya tapos tumakbo na palayo. Iniwan niya kaming apat Ako, si Zander, si Alex at si Kein.
" Ano ba yan? Bakit nila tayo iniwan? Kainis naman eh!" Inis na inis na sabi ni Alex sa aming apat.
" Hahaha! Bakit ka naiinis? Eh nandito pa naman ako ah? Ayaw mo nun? Nandito pa ako?" pang aasar na sabi ni Zander sa kanya.
"Che! Tumahimik ka diyan! Ok na kanina e, kasi ang tahimik mo tapos ito? Aasarin mo na naman ako? Kainis ka!" Naiinis niyang sabi. Ano ba tong dalawang to? Ang hilig mag away.
"Bakit? Ayaw mo bang asarin kita? Eh parang gusto mo naman e? Kunwari kapa? Suuuusss?" Pangaasar na naman ni Zander sa kanya.
Dahil sa pangaasar ni Zander ay nagkaroon ako pagkakataon para isagawa yung pinakahuling hakbang. Yun ay iwan silang dalawa sa gitna ng mall at kaladkarin si Kein palayo sa kanila. Chance ko nang makalayo sa kanila. Habang nagaaway sila. Alam kong hindi nila kami mapapansin.
"Hey, Kein? Halika muna dito samahan mo ako. Halika na." Pabulong kong sabi sa kanya habang nag aaway parin sina Alex.
"What? Aalis tayo? Pano sila?" Takang tanong niya sa akin.
"Ahh. Basta, wag kanang umangal. Halika na. Mamaya ko na sasabihin sayo ang dahilan. Basta sumama ka nalang sa akin. Hinihintay na nila tayo." Sabi Ko tapos hinila ko na siya papalayo sa kanila.
"Wait la..." Naputol yung pagsasalita niya ng magsalita akong muli.
"Wag kanang maingay baka mahalata pa nila tayo e. Lets go!" Galit ko nang sabi sa kanya. Ang kulit kasi e.
Hinila ko na siya hanggang sa makalayo kami kina Zander tapos ng makalayo na kami ay agad ko na siyang binitawan.
"Hey? Anong pinagsasabi mo kanina? Sinong sila?" Takang tanong niya sa akin.
"Ano ka ba?Akala ko ba si Zander at Alex lang yung hindi nakakaalam ng plano? Pateh ba naman ikaw? Diba isa ka rin sa mga campus hearthrobs? Eh bakit wala kang alam sa ginawang palno ng mga kaibigan mo?" Ano ba tong lalaking to? Excempted?
"AA-Anong plano?" Nauutal niyang tanong. Hay, ano ba yan. Hindi niya alam.
"Hayyyyy. Hindi mo ba nakita? Or napansin man lang?" Ang hard naman ng lalaking to.
"Ang alin nga?" Naiinis Niya ng tanong sa akin.
"Na...
Na..
Palapitin sa isa't-isa
si Zander at Alex." talagang pinatagal ko pa yung pagsagot ha?
"Hindi pwede to." Pabulong niyang sabi. at bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya.
"AA-Ano yun? Pakiulit nga?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi iba lang yung narinig ko.
"Ahhh, Wala. Sige mauna na ako." Sabi niya sa akin na aakma na ng tatalikod nang magsalita akong muli.
"Wait? Saan ka pupunta? Sama ako sayo wala akong kasama."
"Wag na, itext mo nalang yung mga friends mo tapos sumama ka sa kanila. Sige Bye!" Sabi niya tapos lumakad na palayo.
Iniwan niya ako dun na nagiisa. Kaya ayun wala na akong magawa kundi. Itext nalang yung mga kaibigan ko. Saan naman kaya pumunta yun Kein na yun?
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.
RomanceSi Rishiel. Si Rishiel ay Isang simpleng nerd na adik sa pagbabasa ng Wattpad. Dahil sa pagbabasa nya dito ay mapupunta siya sa isang mundong hindi niya inaasahan. At makakatagpo ng lalaking bibihag ng kanyang puso. Subaybayan ang fantacy story ni R...