Chapter 23

211 2 0
                                    

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang fastfood chain. Hindi ko alam kung anong pangalan ng fastfood nato.Nakasulat kasi sa  pangkorean  na pangalan ang fastfood nato.

“Nicu? Masarap ba ang food nila dito?” tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa loob ng fastfoodchain.

“Oo. Masarap ang food dito. Sa totoo nga, pag wala akong makain dito ko mas pinipiling kumain. Malinis kasi ang mga hinahanda nila ditong pagkain.”



“Ah ganun ba? Sige maghanap na tayo ng table. Para makapagorder na tayo kaagad.” Sabi ko.

Nang makapag order na kami ay agad na kaming kumain. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang titigan si Nicu. He looks healthy. Nacucurious ako. Kung bakit Nicu yung pangalan nya.

“Uhmmm? Nicu? Pwedeng magtanong?” tanong ko sa kanya habang siya ay sumusubo ng pagkain.

“Sure? Ano yun?”sabi nya habang pinagpapatuloy nya pa rin yung pagsubo ng pagkain.

“Ehh, Kasi na cucurious lang ako. Bakit Nicu yung ipinangalan sayo? Diba? Ang kahulugan ng NICU ay Neonatal Intensive Care Unit? Ibig sabihin? Doon nilalagay ang mga premature na sanggol diba?”

“Alam mo kasi? Sabi daw ni mama sa akin. Ipinanganak niya daw ako ng hindi ko pa daw kabuwanan. Mga? 7 months ata ako nun? Ang swerte ko nga e. Kasi alam mo? Kahit 7 months palang ako nun. Still nakasurvive ako. I was thankful to god nga e. Dahil sa kanya buhay ako.” Kawawa naman pala tong si Nicu nuh?

“Kawawa ka naman pala Nicu. Hindi ko alam na ganun pala yung sinapit mo ng maliit ka.” Hiaxt. Kawawa.

“Haha. Di mo kailangang maawa. Matagal na yun. Tignan mo? Malaki na ako oh? Ni hindi nga makikita na premature ako ng ipinanganak.” Talagang natutuwa pa siya ha?

“Haaaaaaaayyyyyy. Nicu. Ang buhay talaga oh?” Sabi ko sabay hinga ng malalim tapos sumubo na naman ako ulit ng pagkain.

“Sige taposin mo na yang pagkain mo. Uuwi na tayo pagkatapos mo diyan. Nakakapagod na e. gusto ko nang magpahinga.” Hayyyyy. Oo nga naman nuh? Nakakapagod maghintay. Kainis!

UNEXPECTED LOVE To A WATTPAD GUY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon