Nasa canteen kaming dalawa ni Jairus at kumakain ng lunch, may iilan na lang ang estudyante ang nasa canteen dahil class hour na ulit, napag desisyon naman namin ni Jairus na wag na pumasok para sa subject namin ngayon tutal late na rin naman kami.
Umangat ako ng tingin kay Jairus na nasa harap ko na tahimik na kumakain. Nangunot naman ang noo ko ng makita si Joms sa di kalayuan kasama si Sofia na katulad namin ay kumain din hindi naman nya kasama si Bryson at si Caleb dahil di tulad nitong dalawa, o well kaming tatlo, ay medyo matino ang dalawang yun kaya ang hula ko ay nasa classroom na yun sila at nakikinig habang kami naman ay cutting na.
"Do you still like him?" hindi ko pinansin si Jairus at tutok pa rin ang tingin kay Joms habang naka ngiting kausap si Sofia "You still like him" paninigurado nya
"Kumain ka nga lang dyan" wika ko habang hindi inaalis ang tingin kay Joms
"It's been year's. I think it's 3 Or 4 years? But still him, I told you he don't like you" diretsong wika nito kaya napatingin ako sa kanya na nakasandal na pala sa upuan nya at nakatingin sa akin ng diretso
"Pwede bang suportahan mo na lang ako"
"Alam mo, there is someone who deserve to you, or if you want, confess your feelings for him"
"Hell no, ayaw ko ng gulo, at isa pa mukhang sila na ni Sofia"
"You don't have to hide your feelings for him, you don't have to secretly in love dahil ramdam ka nyan hindi ka lang talaga nya type"
"Thank you talaga sa suporta ah"
"I Just saying the truth"
"Tss" inirolyo ko ang mata ko at tumingin ulit kila Joms na papalapit na pala sa gawi namin.
Shete wag naman sana sila makisabay na kumain sa amin o maki upo dito.
"Jairus" tinignan ko si Jairus na naka taas ang isang kilay na hindi man lang nililingon ang kaibigan
"Hi Gwyn" bati ni Sofia sa akin ngumiti lang ako
"Hello wala ka class" tanong ko
"Meron pa pero binigyan lang kami assignments, may mga meeting ang mga teacher para sa event" -Sofia
"Bro gusto nyo ba sumama? Mag mall kami" -Joms
"No" diretsong sagot ni Jairus na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin
"It's that so" ngumiti si Joms "So see you tomorrow then, let's go Sofy" tumungo lang si Joms sabay alis
"Masyado kang halata na gusto mo, I told you" natatawang wika ni Jairus hindi ko naman ito pinansin at inubos ang kinakain ko
Walang umimik sa amin habang inuubos ko ang pagkain ko, puro lingon naman si Jairus sa paligid at ngumingiti sa mga babaeng bumabati sa kanya, kung minsan naman ay nararamdaman ko ang pag sulyap sa akin sabay iiling iling nanaman syang titingin ulit sa paligid.
Ang lakas talaga ng Amats nya minsan. ( ̄へ ̄)
Umiinom naman ako ng tubig ng bigla itong tumayo at nag lakad ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Bastos talaga kahit kailan. Kaya tumayo na din ako at sinundan lang sya.
Sa pag lalakad ay nakarating kami sa isang malaking garden ng eskwelahan kung tawagin ay Main garden kuno.
Umupo si Jairus sa ilalim ng isang malaking puno bago humiga at ginawang unan ang ang kanyang braso. Nag lakad ako papalapit at humiga din sa tabi nya.
"Jairus, ahm... Si Mr. Tatum?" tanong ko habang nakatingin sa kanya "Si Dean Tatum, hindi pa rin ba kayo okay?" huminga sya ng malalim bago pumikit "Ah... Sige... Hindi na ako mag tatanong" iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ang mga ibon na nasa sanga ng puno.
Walang nag salita sa amin. Hindi ko alam kung tulog na ba sya o gising pa. Nilingon ko ulit sya. Walang pinag bago ang itsura nya pero ang ugali nya ang laki ng pinag bago simula mamatay ang daddy nya.
Matagal ko ng kilala si Jairus, mag kaibigan ang parents namin kasama si Mr. Tatum at parents ni Joms. Masayahin si Jairus dati, pala biro at maraming kalokohan, si Jairus ang kasama ko noon pa man bata kami, partners in crime kung tawagin. Pero 2nd year highschool kami nung mamatay ang papa nya, hindi ko alam ang dahilan ng ikinamatay ng papa nya, pero doon nag simula ang pag babago nya. Naging asawa naman ng kanyang nanay si Mr. Tatum pag kalipas ng ilang buwan ng pag kamatay ng tatay nya, at doon nag simula ang tuloy tuloy nyang pag babago, naging mainitin ang ulo, minsanan na lang din kung ngumiti at tumuwa, kung Tatawa naman minsan maikli lang at bitin, hindi ko na rin naman masakyan ang mga biro nya dahil aaminin ko minsan ang biro nya nakaka panakit ng damdamin, pero kahit ganun pa man ay hindi ako mag sasawa na pakisamahan sya dahil sa dinarami ng kaibigan ko, isa sya sa mga pinaka totoo.
Tumayo ako sa pag kakahiga at umupo, tumalikod akong umupo, at ginawang sandalan ang tagiliran nya.
"What the?! Ang bigat mo" sigaw ni Jairus "Get out! Get out!" tinutulak tulak nya naman ako kaya napasubsob ako sa damuhan
"Aray hoy!" sigaw ko din at lumhod sa harap nya habang sya nakahiga pa rin "Ikaw!" asik ko sabay suntok suntok sa dibdib nya
"Hahaha stop" tawa nya sabay hawak sa kamay ko
"Tss" binawi ko ang kamay ko at iling iling ako bago tumalikod at sumandal ulit sa kanya narinig ko naman syang bumuntong hininga.
Wala naman na ulit ang nag salita sa amin. Tinignan ko lang ang ilang estudyante na nag lalakad habang sya naman ay pumikit ulit at hinayaan ako na gawing sandalan ang tagiliran nya.
Masyado akong komportable pag si Jairus ang kasama ko, feel ko pag sya ang kasama ko ay parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, hindi ito ang unang beses na makasama ko sya pero parang ito yata ang unang beses na pakiramdam ko ay parang 2hrs na lkami na mag kasama kahit ang totoo ay mag iisang oras na at ano mang oras ay matatapos na ang oras para sa subject na hindi namin pinasukan.
Muntik naman ako mapahiga ng bigla syang umupo mula sa pag kakahiga. Nginiwian ko sya.
"Tara na" wika nya bago tumayo at nag lakad papalayo
Nakanguso naman akong sumunod sa kanya papunta sa senior highschool building. Pero kapansin pansin na parang wala na ang mga estudyante.
"Nasaan sila?" tanong ko
Pumasok kami sa classroom at wala na din ang mga bag ng kaklase ko tanging bag ko at bag ni Jairus ang nandoon.
"Nasaan silang lahat?" tanong ko
"Umuwi na"
"Umuwi?"
"Sinabi ni Sofia na wala nang pasok diba dahil sa meeting"
"Huh?"
"Tss"
"Kung ganon ay kanina pa sila umuwi? Bakit nag stay pa tayo?"
"Ayaw ko pa umuwi, e ikaw?"
"Akala ko may pasok pa tayo kasi diba kanina sa canteen napag usapan natin na wag na pumasok kasi late na tayo" tinaasan naman ako ng kilay ni Jairus
"Dahil akala ko may pasok pero sabi ni Sofia ay wala na. Remember you asked her kung may class pa sila then sinagot ka nya"
"Oo nga pala" hindi naman ako pinansin ni Jairus ng makuha nya ang bag nya at lumabas na sya "Uy sandali"
♥To be continued♥
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...