Nasa hotel na ako at mula sa kwarto malapit sa ball room ay rinig ko ang tugtog sa labas. Isang klasikong musika kung hindi ako nag kakamali ay Eine Kleine Nachtmusik ang pangalan ng musika na iyon.
Purong kaba ang nararamdaman ko. Maraming tao na rin ang nasa labas at ilang minuto na lang ay tatawagin na ako.
Tinignan ko ang sarili ko. Isang kulay pula na may halong itim ang gown na suot ko. Halter neck gown and suot ko. Napatingin pa ako sa cocktail dress na susuotin ko mamaya purong pula ito na backless.
Dapat masaya ako ngayon pero hindi. Sinarado ko ng tuluyan ang pintuan para hindi ko marinig ang nasa labas. Pinindot ko ang radyo at umupo sa sofa. Napapikit ako sa klasikong musika, moonlight sonata, bumalik sa akin ang ilang alaala.
***
Third person POV
(Way back 10 years ago)
Sabado ng hapon ay nasa isang parke ang dalawang mag kapatid na si Gwyn at Rohan, kasakasama nila ang kanilang bantay.
Masayang nag lalaro ang dalawang mag kapatid. Nag tatawanan nag hahabulan. Hindi pa mulat ang kanilang isip sa tunay na mundo, kung gaano ito kagulo at kung gaano ito kakumplikado.
Masyado pa silang inosente para sa tunay na problema. Hindi nalalayo ang edad ng dalawang magkapatid sa isa't-isa, walong taong gulang pa lamang si Gwyn habang ang nakakatanda nitong kapatid ay sampung taong gulang.
Malayo sa tunay na mundo ay masayang nag lalaro ang dalawang mag kapatid.
Nilingon ni Gwyn ang isang batang lalake na mag isang naka upo sa siso. Nilapitan ito ni Gwyn. Tumingin naman ito sa kanya.
"Hello" bati ni Gwyn
"Hi" bati ng batang lalake
"Gusto mo ba sumali sa amin ng kuya ko?"
"Hinihintay ko ang daddy ko at ang aking kapatid"
"Pwede mo silang hintayan habang nag lalaro tayo"
Lumingon lingon ang batang lalake sa paligid bago tumingin ulit kay Gwyn "Sige na nga"
Ngumiti si Gwyn at hinila ang bata papalapit sa nakakatanda nitong kapatid.
"Kuya" tawag ni Gwyn sa nakakatanda nitong kapatid "Kuya may bago tayong kalaro, sya nga pala... Ano nga pala pangalan mo?"
"Ako si Jairus Gail Emerson, kayo ano pangalan nyo?"
"Ito si Kuya Rohan Graysen Manle at ako naman si Gwen Reese Manle, pero pwede mo kaming tawagin Kuya Rohan" turo ni Gwyn kay Rohan "At Gwyn" turo naman nito sa sarili "Ikaw si Jairus"
Ngumiti ang batang lalake sa magkapatid, ito din ang simula ng pag kakaibigan nila.
Halos araw araw ay mag kasama ang sila, kasama na rin ang nakakabatang kapatid ni Jairus si Jamie Isabelle ang nakakabatang kapatid ni Jairus. Halos hindi mapag hiwalay ang apat napag alaman din ng mga magulang ng apat na bata na, tulad nila ay bumubuo na rin ng pag kakaibigan ang mga anak nila.
"Hindi ako pwede tumayo dito hanggat may natitirang pagkain sa plato" nakangusong wika ni Jairus "Mapapagalitan ako ni Daddy"
"Paano tayo mag lalaro nyan? Ikaw kasi ang dami mo kinuhang pagkain yan tuloy hindi mo naubos" napakamot ng ulo si Gwyn na tila'y problemado dahil hindi nya rin alam ang gagawin "Alam ko na ilagay mo na lang sa ilalim ng lamesa ang pagkain hindi naman siguro makikita yan"
"Talaga?"
"Oo tsaka pag nakita nila yan ubos na rin yan, kasi diba pag november 1 nag aalay din ng pagkain para sa mga kaluluwa, malay mo kainin din nila yan ngayon"
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...