Wala naman masyadong magandang nangyari ngayong araw. Puro lesson lang at tulad ng dati nag no-notes lang ako, hindi ko kasi naintindihan kaya minsan pinipili kong mag self study.
Pag uwi ko sa bahay ay nalamam ko na kumpleto kami ng pamilya ko. Nasa office daw sila kuya at papa habang si mama ay nakita kong lumabas mula sa Kitchen.
Binati ako nito at hinalikan sa pisngi hindi ako sumagot dahil hanggang ngayon ay nag tataka ako kung bakit sila nandito. Pero kung ano man ang dahilan nila kahit paano ay nararamdaman ako ng saya dahil kumpleto kami.
Nag paalam lang ako kay mama bago umakyat sa kwarto. Tinawagan ko naman si Jairus at sinabi na nandito ang buo kong pamilya.
"That's good. How are you?"
"Ito sobrang saya ko. Pero nag tataka ako kung bakit sila nandito. You know, hindi naman mag aabala na mag stay sila mama at papa dito. You know how busy they are" humiga ako sa kama
"Because it's your 18th birthday, right"
Napatayo ulit ako sa pag kakahiga "What?!" ni-loud speak ko ang cellphone ko at saka tinignan ang calendar sa cellphone ko
"Do you forget it?"
Napa 'O' ang bibig ko na makita na sa susunod na Tuesday na pala ang birthday ko, Friday na ngayon at imbis na excitement ang maramdaman ko, kaba ang nararamdaman ko "Yeah, Tss sa martes na pala yun"
"Mm... What do you want for your birthday?"
Humiga ulit ako at tinignan ang small tattoo sa right finger ring ko. Sun ang tattoo na yun, ito din yung first tattoo ko, last year lang ito nung 18th birthday ni Jairus. Mas matanda sya ng isang taon sa akin. Ako naman din nag udyok na mag pa tattoo kaming dalawa as a sign of our friendship, una ayaw nyo pero sa huli napapayag ko sya. Full moon naman sa kanya at sa finger ring din nya.
"Still there, Gwyn?"
"Ah yes"
"Then what do you want?"
"Your presence is enough, Jairus. I'm happy to see you to be part of my birthday" hindi naman sya nag salita kaya nag pa tuloy ako "Thank you, Jairus. For always being there ah. I'm lucky to have you, my bestfriend"
_____________________________________
Nasa hapag kainan na kami ng pamilya ko ngunit wala pa ang gusto manguna sa pagkain dahil halos ugong lang ng aircon ang naririnig sa sobrang tahimik.
Bihira lang makumpleto ang pamilya namin, bihira lang din na mag kasabay kami kumain. Pero sa oras na nakukumpleto kami ay may importanteng bagay na kailangan sabihin o gawin ang magulang ko.
Sumenyas si papa dahilan para gumalaw ang ilang kasambahay at lagyan ng pagkain ang mga plato namin. After naman nila gawin yun ay nag simula na kami kumain ng tahimik hanggang mag salita ang tatay ko.
"Ahm... Mom, dad, kuya sa Tuesday po..." tumungo ako
"Don't worry, Hija I already planned everything" tumingin ako kay papa na nag tataka.
"What do you mean, Dad?" I asked
"Ibibigay ko na lang ang invitation sayo sa sunday, Reese" wika ni mama na patuloy lang sa pagkain
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...