Chapter 17

25 18 0
                                    

Nakatulala lang ako sa kawalan. Nasa clinic pa rin ako. Pinauna na naman ni Nurse Gia ang ang mga kasama ko kanina.

Napatungo nanaman ako ng tumulo ang luha ko. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak na parang aagos din ang mga problema ko.

Lumapit si Nurse sa akin at hinihimas himas ang likod ko. Kung dati ayaw ko na may nakakakita sa akin na umiiyak, pero hindi ko na talaga kaya.

"You know what?" wika ni Nurse "Sabi nila 'tears is the best medicine for your pain' pag hindi mo na kaya iiyak mo lang"

"I don't really know what to do Nurse Gia, napupuno ako ng problema at hindi ko na alam kung paano na lagpasan, parang hindi ko na po kaya, gusto ko na lang po na sumuko"

Ngumiti si nurse "Look our life is like a novel, where the weeks represent the pages, the months represents the chapters and the years represents for the new season of our life. Your pages and the chapters of your story, you will face different challenges" kwento nya "Hamon na magpapatibay sayo, hamon na mag bibigay sayo ng lakas at aral sa huli and each season ay may darating na makabagong hamon ulit sayo, pero katulad ng ibang istorya may taong mananatili sa tabi mo para samahan ka sa nobelang binubuo mo, maaaring nabanggit na sa mga nakaraan o nakakasama mo ngayon o baka parating pa lang" hinawakan ni nurse ang isa kong kamay "Tandaan mo sa bawat hamon ay hindi ka nag iisa, palaging may taong tutulong sayo, kung ang Disney princesses nga may prince charming malamang ikaw din, sya ang nakakasama mo sa bawat hamon na tinatahak mo. Kaya huwag mo sabihin na hindi mo kaya at gusto mo na sumuko, maaaring nag simula pa lang ang hamon ituloy ang laban, dahil di rin mag tatagal mararating mo ang tunay na tagumpay"

Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi nya.

Hinawakan ni Nurse ang pisngi ko bago sya ngumiti.

"Isa ako sa mga readers mo, Gwyn, na nag hihintay para sa happy ending mo" niyakap nya ako at gumanti ako ng yakap sa kanya.

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok bago buksan at niluwa nito si Jairus.

Humiwalay si Miss "Sabi ko na nga ba at pupunta ka, hinanda ko na din ang gamot para sa mga sugat mo, haist mga kabataan talaga ngayon barumbado" umiling lang si Miss Gia bago tumayo. Umupo naman si Jairus sa isa pang higaan.

Tumalikod ako sa kaniya. Ang awkward na ng atmosphere dito sa loob ng clinic.

Sinimulan ni Miss Gia na gamutin ang sugat ni Jairus. Habang ako ay nakatungo at pinag lalaruan ang daliri ko.

"Ayan ayos na, nasaan pala si Joms?" rinig kong tanong ni Miss Gia wala naman sumagot sa kanya "Okay kung ayaw mo sagutin, pupunta naman yun dito kung gusto nya mag pa gamot"

"Gwyn" tawag nya sa akin

"O... Kay... Lalabas muna ako" ngumiti sa akin si Miss Gia at ginantihan ko sya ng ngiti

Pag labas ni Miss Nurse Gia ay ang tanging hangin lang ng AC ang lumalalabas ang syang naririnig namin. Sobrang nakakabinging katahimikan.

May nilapag ito sa lamesa na nasa gilid ko, tinignan ko ang Mp3 ko na lasog lasog.

Huminga ako ng malalim, pabalik na sana sya sa higaan nya ng mag salita ako "Alam mo bang sobrang halaga nyan sa akin?" naramdaman ko ang pag tingin nya sa akin.

Lumapit sya at umupo sa tabi ko "Dahil bigay ng lola mo yan" sagot nya.

"Isa yan sa bagay na ginagamit ko pag ayaw ko marinig ang kaguluhan ng mundo, isa din yan sa nag papakalma sa akin"

Hindi na sya sumagot. Nakatingin lang kami sa kawalan. Pinakikiramdaman ko sya sa sasabihin nya at gagawin nya.

Gusto ko sana tanungin kung ayos lang sya pero mukhang namang hindi dahil sa mga sugat na natamo nya.

Nag alala ako sa nangyari kanina para sa kanya. Pero hindi ko mahanap ang tunay na salita para kamustahin sya.

"Tuloy pa rin ang Audition natin sa sabado"

Napatingin ako "Kahit ganito ang nangyari?"

"Oo, pero kung gusto mo umalis hindi kita pipigilan" tumayo sya "May practice sa bahay mamaya, bahala ka kung sasama ka o hindi" wika nya bago mag lakad palabas

Napanganga ako. Sa nangyari kanina tuloy pa rin kami hindi ba ang awkward nun para sa aming tatlo.

Well kung nakapag usap na sila ni Joms kanina at ayos na sila, e paano naman kaming dalawa ni Joms?

Ano ang sasabihin ko kung baka mag kita kami?

'Sorry kanina, sorry din kung umiyak si Sofy' bulong ko sa isip ko

Wait bakit naman ako mag sosorry? Wala naman ako ginawang masama.

'Hindi ako mag sosorry dahil wala naman akong ginawang masama sayo at kay Sofy, ikaw dapat ang mag sorry sa akin' bulong ko ulit sa isip ko

Para naman inaaway ko pa sya pag ganun ang sinabi ko.
  
Tss bahala na nga mamaya.

Tumayo ako kasabay ng pag pasok ni Miss Gia "Pwede ka na pumasok para sa next class"

"Opo thank you po"

Hinawakan nya ako sa ulo "Everything will be okay remember that"

"I know Nurse thank you po" ngumiti ako bago lumabas ng Clinic

Nag lalakad na ako papunta sa classroom at binibigyan ko ng mga pamatay na tingin ang mga natingin sa akin.

Hindi talaga mawawala yung mga tsimosa. May mahuli pa talaga akong nakatingin sa akin malilintikan sila. 

"Gwyn" Nilingon ko ang babae na tumawag sa akin, agad naman gumana ang inis ko dito ng makita ko sya.

'Self kalma' tandaan mo parehas kayo naiipit sa sitwasyon

"Pasensya na sa ginawa ni Rayden, nakapag usap na kami" wika ni Sofy

"Bakit hindi na lang kayo mag balikan" wika ko

"Gwyn" hindi ko nilingon ang lalakeng tumawag sa akin

"Kung ano ang trip nyo wag nyo na lang ako idamay, dahil naiipit din ako sa sitwasyon na ito" nilingon ko si Joms at lumapit bago bumulong sa kanya "Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo"

Tinalikuran ko sila at nag lakad na palayo. Bahala sila sa buhay nila.

Ang lakas ng trip nila mag break tapos pag nasaktan ang isa sa kanila ako ang sisihin. Mga sira ulo.

"Gwyn" hinawakan ako ni Joms sa kamay dahilan para mapatigil ako

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya "Hindi Kita maintindihan yung mga pinakita mo yung mga pinaramdam mo lahat yun hindi ko maintindihan. Pero sige kung gusto mo ng laro..." lumapit ako sa kanya at nilapit ko ang mukha ko na syang kinagulat nya "Makikipag laro ako... Sinimulan mo... Ako ang tatapos"

Hindi ako marunong makipag laro pero pag aaralan ko. Ito ang gusto nila sasakyan ko sila.

♥To be continued♥

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon