Chapter 21

30 18 0
                                    

Gwyn Reese POV

Halos 8:30 na ng gabi ay nag rereview pa ako habang nag papatugtog. Pero hindi na katulad ng mga klasikong tugtog, nag download ako ng ilang kanta sa cellphone ko at kaysa sila nilagay sa isang folder para pag pinatugtog ko ay tuloy tuloy at puro kanta lang nila at hindi mahaluan ng klasikong tugtugin. Puro kanta ng ilang sikat na banda dito sa pinas.

Habang nag rereview ako ay sinasabay ko sa beat ng tugtog ang ulo ko.

Halos sabayan ko din ang ilang kanta na alam ko. Grabe feel ko tuloy ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.

Napatigil naman ako sa pag susulat ng marinig ko ang kanta na pamilyar sa akin.

"♪ ♬But I need you here tonight
I need here inside
I need you here tonight
I really really need you here... Tonight" ♪ ♬

Napasandal ako sa upuan ko, sinusubukan ko intindihin ang mensahe ng kanta. Pumikit ako at dinama ito.

♪ ♬"Made up my mind on this
Too late for me to hold you back

Maybe too short or dumb
To cry for you but I will anyway"

Too late for me to hold you back? Dahil ba ikakasal na ako kay Joms? Bakit naman sya iiyak para sa akin?

♪ ♬"It's all my fault
To feel, feel this way for you this day

I know I'm and I will
Though it's wrong, so wrong, so wrong"

So ibig sabihin may feeling sya sa akin, pero alam nyang mali, dahil ba mag kaibigan kami?

Apaka assuming ko naman kung iisipin ko na may gusto si Jairus sa akin. Ganun na sya na mismo nag sabi na wala.

Bakit ganito ba ang iniisip ko. Wala syang gusto sa akin at mas lalong wala din akong gusto sa kanya. Period. Bakit naman ako mag kakagusto sa kanya.

Pinindot ko ang next button ng cellphone ko.

Pinilit ko mag focus ulit pero hindi ko magawa. Ano ba itong pinaparamdam sa akin ni Jairus. Bakit ganito.

Hindi ko naman sya gusto, ang totoong gusto ko si Joms.

Iba ang nararamdaman ko pag si Joms ang kasama ko at mas lalong iba ang kay Jairus.

Masaya naman ako pag kasama si Joms, napapasaya nya naman ako kahit papaano.

Hinawakan ko ang puso ko. Please lang Jairus, mas ayos na mag kaibigan kami dahil alam kong yun ang tama.

Ayaw ko sya masaktan kung nag kaganun nga, alam kong masasaktan ko sya.

Oo napapasaya nya ako, pero hindi ko alam kung napapasaya ko ba sya. Nandyan sya pag kailangan ko ng tulong pero hindi ko alam kung kaya ko ba sya puntahan pag sya na ang nangangailangan, pero may parte sa akin na kahit saan pa man, bumagyo man ay handa akong sumugal. 

Iba si Jairus sa lahat ng nakilala kong tao. Mas pipiliin nya na maging masaya muna ang mga taong nasa paligid nya bago sya. Hindi sya showy pero mararamdaman mo ang sincerity nya.

Hindi man nya sabihin ang gusto nyang sabihin ay mararamdaman mo sya.

Pero kung ganun bakit parang hindi ko naman ramdam na gusto nya ako.

Tss boba, hindi ka naman nya talaga gusto.

Pero kung ganun ano yung kanta?

Napahilamos ako sa mukha ko at tumungo sa lamesa.

Wala lang yun, wala lang ito, hindi sya ang gusto mo, kahit kailan hindi mo sya magugustuhan.

Jairus Gail POV

The One That Got Away : Here Tonight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon