Pinauwi na kami ng adults dahil may pasok pa daw kami.
Paano naman ako makakapasok kung alam kong nasa ospital pa ang dalawa.
Minsan ang weird din sila.
LUNCH time na namin at katulad ng nakasanayan na namin tuwing lunch ay kasama namin ang boys pati na rin ang dalawang babae na sila Dian at Sofy.
Wala naman sila alam tungkol sa nangyari sa dalawa, hindi din naman namin sinabi dahil baka mag taka sila kung bakit at ano ang dahilan kung bakit nangyari yun sa kanila.
Ang tanging nakaka alam lang ay ako, dalawang bakla at ang boys.
"Kayo kamusta naman ang ginagawa nyo sa organization" nag katinginan kami ng mga kaibigan ko dahil sa tanong ni Sofy, organization? Anong organization? May alam ba sya? "I mean sa organization management"
"Well si Gwyn ang nagawa ng pinaka blue print para sa diorama, Hindi namin ka group ang boys" sagot ni Khaye
"Talaga marunong ka pala mag drawing?" masiglang tanong ni Sofy
"Yeah" maikli kong sagot
"No wonder mag bff nga kayo ni Jairus, same kayong magaling mag drawing" Maarteng singit ni Dian "Babe do you want to hangout later?"
"No" maikli ding sagot ni Jairus, medyo natawa ako sa itsura ni Dian
"Why you don't seem to be in the mood? Both of you, Gwyn, Jairus?" maarteng wika pa rin ni Dian
Tumayo ako at inayos ang gamit ko "Mauna na ako sa room"
Tumalikod ako sa kanila at nag lakad palayo.
Wala akong ganang makipag usap ngayon, basta feel ko pagod na pagod ako kahit wala naman ako ginagawa.
Pumasok ako sa room, wala masyadong tao sa loob dahil lunch time.
Umupo ako sa upuan ko at nag lagay lang ng earphone sa tenga. Tumingin ako sa labas. Makulimlim na feel ko anytime uulan.
Ilang saglit pa ay napansin ko ang paunti-unting patak ng ulan. Kulob ang classroom dahil sa air-con kaya hindi mo rin rinig ang patak o kahit na anong ingay sa labas. Depende na lang kung may sisigaw.
Binutones ko ng buo ang blazer ko dahil sa lameg.
Isang klasikong musika ang tugtog sa cellphone ko.
Tumungo ako sa lamesa. At tuluyan na lang ako nakatulog.
***
Nagising ako dahil sa ibang pakiramdam, hindi ito maganda.
Pero wala naman siguro mangyayayaring masama sa araw na ito diba, isa pa nasa Eskwelahan ako?
Pumikit ako at sinubukan ulit pakiramdaman ang paligid.
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng mga matang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung ilan sila pero sa pakiramdam ko madami.
Dumilat ako at sinubukan hanapin kung kaninong mga mata iyon. Pero sa pag dilat ko ay isang tingin lang ang nakita ko.
Si Jairus.
Nilabanan ko ang tingin nya. Wala syang sinasabi pero ang mata nya ay puno ng salita.
'Ano ang gusto mong sabihin?' sa isip ko
Lumapit sya sa akin. Hindi ako umiiwas o hindi ako kumukurap.
Bumilis lahat ng nasa paligid pero ang galaw nya lang ang tanging mabagal.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...