Hapon na at wala si Jairus dahil may kailangan syang ipasa sa school ngayon, ayaw ko muna din na pumasok dahil wala pa akong gana.
Ganun pa rin ang suot ko at nakapaa lang ako na palakad lakad sa bahay.
Tumawag din si Kuya kanina bago umalis si Jairus. Sinabi daw nya na kasama ako ni Joms kaya hindi na ako hinanap ng magulang ko, pumayag naman si Joms at pag hinanap ako sabihin na lang na mag kasama kami. Ayaw ko pa kako umuwi hanggang nandoon ang magulang namin, umangal pa si kuya pero mas makulit ako, kaya hindi na nila ako napilit na umuwi.
Nililibot ko ang bahay ngayon para hindi ako masyado ma bore. Maganda ang bahay na ito, glass wall sya, well hindi sya totally na glass wall, nag simula ako sa entrance na bahay, sa labas may hagdan paakyat sa entrance, kaya pag pasok mo ay second floor agad.
Sa second floor, sa gilid ng hallway papasok ay may isang kwarto may sariling T&B (Toilet and bath). Dining area at kitchen, may powder room din, sa isang gilid din ay may grand piano, may office room din sa tapat ng kwarto, may outdoor dining area din. Kitchen at indoor dining area, nandito din ang living room.
Sa third floor naman may isang malawak na space kung saan may couch, living area din yata ito, may isang kwarto at master bedroom, dito ako natulog kanina, malawak ang kwarto, ang kama ay nakaharap sa glass wall na kita ang labas at tanaw din ang taal volcano. Sa kwarto may sarili office living area. May walk in closet, muntik na nga ako magulat dahil para syang boutique store, puro salamin at may island setup may iba't ibang relos at kurbata na iba't ibang kulay ang mayroon, mayroon din itong T&B.
Sa fourth floor ay open space sya, roof top na outdoor dining area at bbq.
Nang makaramdam ako ng pagod ay tumambay ako sa 1st floor. Dito naman makikita ang game room, music room laundry, sauna at may isang kwarto din sya, movie theater, powder room at outdoor swimming pool, sa gilid ay pinto kung saan ang garahe at sa isa pang gilid ay may hagdan pataas papuntang entrance sa at sa tapat nito ay hagdan pababa papuntang garden.
Nasa mataas na bahagi pala nakatirik ang bahay. Kaya kita ko ang kabuuan ng lugar, at ilang bayan na di kalayuan sa taal volcano.
Sariwang hangin ang humahalik sa balat ko. Humiga ako sa mahabang upuan na nasa bakuran na naka tapat sa taal, bago pumikit. Hanggang sa makatulog ako.
Jairus Gail POV
Nag mamaneho na ako pabalik sa bahay ko. Dapat kanina pa ako pero dahil nag paturo pa ako kay manang kung paano mag luto.
Nilingon ko ang dalawang tupperware na may laman na ulam habang ang isa ay kanin.
Great may isang ulam na ako alam lutuin marunong na din ako mag saing, napaturo na din ako kung paano mag prito.
Tumigil ang sasakyan ko dahil nasa stop light na ako.
Napahawak ako sa labi ko ng pumasok sa akin ang alaala kagabi, yung pag halik ko at yung pag ganti nya ng halik sa akin. Wala ba sya natatandaan kagabi?
Ayos lang ba yun o hindi?
Pero mas mabuti nga na wala sya matandaan.
Nag mag go signal na ay pinaadar ko na ang sasakyan ko. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa bahay. Pinark ko sasakyan sa tapat ng bahay bago kinuha ang paper bag.
"I'm home" wika ko pero walang tao na sumagot sa akin "Gwyn?" nilagay ko ang dala ko sa lamesa "Gwyn" ulit ko, nakaramdam na ako ng kaba at pag aalala dahil hindi ko sya makita.
Halos libutin ko na din ang buong bahay habang tinatawag sya, sinusubukan ko din na tawagan sya pero naka ang off ang cellphone nya.
Halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya. Napaupo na sa sofa dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos mapaluha na ako dahil halos malibot ko na ang bahay pero wala sya sa kahit saang sulok.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...