Lumipas ang ilang araw at hindi na ulit kami nag kita ni Jairus. May mga dumating naman na pulis kinabukasan after ng christmas party, nag imbistiga sila pero ang tanging sagot ko lang ay hindi ko alam at wala akong nakita.
Tatlong araw naman bago mag pasko ay nag pahatid ako sa mall para mamili ng pang regalo sa pamilya ko. Sinabihan ko naman ang driver na tatawag na lang ako pag mag papasundo na ako dahil baka matagalan ako.
Ito rin yung unang beses na bibigyan ko ng regalo ang magulang ko.
Binilihan ko din ng regalo ang mga kaibigan ko at ilang kakilala na nakasanayan ko naman bigyan.
Agad ko naman dinadala ang mga napamili ko sa costumer service para mapabalot ang lahat.
Napadaan naman ako sa isang store ng mga palamuti. Pumasok at tinignan ko ang ilang nandoon. Wala pa pala akong regalo para kay Jairus.
"Hi ma'am ano po hanap nila" tanong ng tindera
"Ah pang regalo din sana" sagot ko
"Para po ba sa fiance nyo, may bago po kaming labas na palamuti limited lang ho sya, sandali lang po"
"Ate" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang umalis sa harap ko, pag balik naman nito ay may dala na itong dalawang maliit at mahabang box
"Ito po" binuksan nya ang isa at pinakita nya sa akin ang isang keychain na may pendant na puso, binuksan naman nya ang isang kahon, may pendant naman itong cupid's arrow. Kinuha nya ito habang ang kamay nya ay may gloves bago pinag dikit nya ito.
"Wow ang ganda" mangha ko "Kaso ate hindi ko sya fiance""Po?" takang tanong nya at napatingin sa kamay ko "may Engagement ring po kasi kayo" napatingin ako sa daliri ko.
Hanggang ngayon pala suot ko ang singsing na binigay ni Joms nung birthday ko.
"Boyfriend nyo po ba? Pwede po itong pang regalo, bilin nyo na po limited lang po ito, kung may kapareha man po sya ay hindi kakasya ang pana sa pinaka puso, Magugustuhan po ito ng nobyo mo"
"Kaibigan ko kasi sya"
"Ganun po ba?"
"Pero bibilhin ko na rin"
"Talaga po, dito po tayo" nasa counter na kami at habang inaayos ang binili ko ay tinignan ko ang ilang palamuti na naka display sa counter "Ito po ma'am nag iisa lang po yan"
"Salamat" binayaran ko ito at binigyan ng tip ang babae.
Nang makalabas ako sa store ay nag lilibot pa ako. Medyo madami na din ang mamimili sa mall.
Kinuha ko ang mga napabalot ko ng regalo at nilagay sa Cart na tulak tulak ko.
Bumili ako ng pagkain at nag lalakad ako habang kinakain ang pagkain na binili ko.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...