Gwyn Reese POV
Sabado na ng umaga at inaayos na ang stage at ang ilang gagamitin sa concert mamaya. Final na naman ng lahat ng sports ngayon kaya busy lahat ng estudyante.
Halos may iba't iba na ring pagkain na binebenta mula sa culinary student. May mga booth na rin.
Sa isang malawak na field gaganapin ang concert at mag sisimula ito ng 7 ng gabi.
Nasa bench kami ng mga kaibigan ko habang kumakain ng ice cream at tinitignan ang ilang nadaan at nag aayos ng stage.
"Sino sino nanaman kaya ang aamin mamaya at sino sino nanaman din kaya ang makakabuo ng love story" tanong ni Khaye
"After this senior highschool saan nyo balak mag aral? Ano course kukunin nyo?" Lenox
"Gusto ko mag med school" -Zarah
"Gusto ko mag Law" -Khaye
"Mechanical engineering ako, alam nyo na" sagot ni Lenox
"Ako, hindi ko alam" sumandal ako at kinain ang apa ng ice cream "Madami akong gusto pero hindi ko alam kung ano kukunin ko, bahala na siguro"
"Hirap mag desisyon about sa course no" sagot ni Zarah
"Future na kasi natin ang pinag uusapan kaya mahirap na talaga" -Lenox
"Kailangan na talaga natin mag isip ng mabuti kasi ito na yun e, tayo mag dadala nito" -Khaye
"Alam mo girl kung ano ang gusto mo at kung saan alam mo na sasaya ka yun ang piliin mo, hindi naman ibang tao ang makikinabang kundi ang sarili mo" -Zarah
Huminga ako ng malalim. May mga point naman ang sinabi nila pero hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko.
Nung bata ako gusto ko maging pulis kasi sobrang astig nila sa pakikipag laban.
Nung nakita ko naman si Kuya na, sobrang galing mag luto, sabi ko mag chef ako.
Pero nung nakita ko yung nanay ni Zarah sabi ko gusto ko maging doctor.
Pero nung nakita ko at mapanood ang movie ng pearl harbor sabi ko magiging airforce army ako.
Pinag sulat kami ng isang kwento noong junior highschool ako kaya sabi ko magiging journalist na lang ako.
Nung nag electronic naman kami sabi ko magiging electrical engineer ako.
Nung isang beses naman na pinag drawing kami ng blueprint nung grade 10 kami sabi ko magiging architect ako.
Pero ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Gusto ko maging proud sila mama, yun lang naman ang importante sa akin kaya sabi ko baka mag business course ako.
Pero nag aalangan ako kasi hindi ko nakikita ang sarili ko na nasa isang kumpanya, kahit nga sa peyton hindi ko nakikita ang sarili na nag tratrabaho doon.
Pero bahala na.
Tanging ako at si Lenox na lang ang natira dahil may practice pa ng flag dance sila Zarah at Khaye.
"Nalalapit na ang kasal nyo ni Joms" napatingin ako kay Lenox "Pero hindi pa rin naaayos ang gusot ng Peyton"
"May mga naayos na ako, tumataas na din ang rango ng Peyton, unti unti na rin nakakasabay sa transaksyon ang Peyton"
"Pero sa tingin mo aabot pa kaya tayo?"
Huminga ako ng malalim "Ewan ko pero sana"
"Ayaw mo na ba kay Joms?"
"Huh?"
"Kasi kung ako ang tatanungin pabor na sa akin yun, ang pakasalan ang taong gusto ko kahit arrange marriage lang"
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...