"San punta natin?" tanong ko mula sa passenger seat nya
"Ihahatid ka" wika nya habang sinumulan mag drive
"E ayaw ko pa umuwi, wala akong kasama sa bahay, nasa school pa ang kapatid ko at sigurado na hindi yun uuwi sa bahay, sa bahay nya yun uuwi, si mama at papa naman ay paniyak nasa trabaho pa." nakanguso kong wika "Gusto mo ba tumambay muna sa bahay? Maaga pa naman, para may kasama ako" tanong ko
"Sige"
Ngumuwi ako sa kanya dahil sa iksi ng sagot nya.
"Tamad mo mag salita a, dat--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binuksan nya ang speaker ng sasakyan nya at tinodo ang pa tugtog
♬ ♪♬ ♪♬ I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat ♬ ♪♬ ♪ ♬ ♪ (Song : Passenger seat by Stephen Speak)"Oh ang ganda nyan" mabilis akong napangiti naman ako dahil sa tugtog, at ganun din kabilis naman na wala ang ngiti ko ng palitan nya ang tugtog
♬ ♪♬ ♪♬ ♪Hangga kailan pa matatago sa katotohanan na ikaw lang talaga,
Kung sakali magunaw na ang daigdig, Panahon na para sabihin,
Ang tinatanong pag ibig na para sayo bago magunaw ang mundo sasabihin ko na na ikaw lang ang mahal ko ♬ ♪♬ ♪♬ ♪♬ (Song : Ang tinatagong pag ibig by Agsunta)"Wow ang ganda ng mga tug-" hindi ko na ulit natapos ang sasabihin ko ng bigla nya patayin ang speaker "Bakit mo pinatay ang ga-"
"Please shut up"
"Pe-"
"Pag hindi ka pa nanahimik sisipain kita palabas ng sasakyan" sa takot na baka gawin nya nga ang sinabi ay nanahimik lang ako at naka ngusong tumingin sa labas
Sungit talaga nya maski kailan. Halos talikuran ko naman sya habang naka tingin pa rin sa labas ng bintana ng sasakyan malayo pa ang village kung saan kami nakatira, same lang naman kami ng village na tinitirahan ni Jairus kaso malayo ang pinaka bahay nila kaysa sa amin. Mula naman sa school at sa village ay 30 minutes ang biyahe.
Hindi naman na kami hinarang ng guard dahil sa sticker ng village na palatandaan na residente ka sa lugar na yun na nakakabit sa sasakyan ni Jairus. Nang huminto si Jairus ay bumaba sya at ganun din ako.
"Hi manang" bati ko
"Ang aga mo naman anak" nakangiting wika ni Manang "Oh kasama mo pala ang kaibigan mo"
"Hello po" magalang na bati ni Jairus na nginiwian ko. Akala mo mabait.
"Sa music room lang po kami"
"Sige hahatiran ko kayo ng meryenda"
"Sige po, Jairus tara"
Umakyat kami ni Jairus sa music room. Agad naman sya umupo sa sofa.
Simula naman ng umalis ang kuya ko ay wala na masyado nagamit ng music room, mahilig naman din ako sa musika may alam rin naman akong instrumento na kaya kong tugtugin katulad na lang ng gitara at ng Beatbox.
Nag paalam ako kay Jairus na mag papalit lang ng damit. Tumungo naman sya kaya lumabas ako para pumunta sa kwarto ko. Nahiga muna ako sa kama at nag pahinga sandali bago maligo at mag palit ng pambahay.
Bago naman lumabas ng kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag bago buksan, may ilang missed call at text mula sa mga kaibigan ko na sinasabi na wala na daw pasok, napangiwi ako dahil ngayon ko lang nabasa ang mga text nila.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Ficção AdolescenteSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...