KINABUKASAN
Malakas ang tilian ng ilang mga babae sa loob ng coliseum kung saan nagaganap ang laro ng basketball. Gamit ang bote na may laman na mga bato ay kinakalpag namin ito para mag ingay pa.
Dalawang strand ang nag lalaro ngayon ang strand namin, G. A. S at ang S. T. E. M.
Kaliwa't kanan din ang sigaw nila sa mga pangalan at apilyedo ng pambato nila.
"Kyaaaaaaaaaah" hiyaw namin sabay tayo ng maka three points si Joms
Sumuntok ito sa dibdib sabay turo sa gawi namin. Nag hiyawan naman ang mga tao sa gawi namin.
"Shet kinilig ako doon, 3 points sa puso mo Gwyn" wika ni baklang khaye habang pinapalo ang braso ko napangiti naman ako.
"Hindi para kay Gwyn yun" bulong ni Zarah, tumingin ako sa kanya sabay galaw ng ulo nya na paturo sa likod. Tumingin ako. Nandoon si Sofy.
So hindi para sa akin.
Tinarayan ko si Zarah sabay tingin sa basketball court, hawak na ngayon ng kalaban ang bola, binabantayan naman ito ng isa sa mga kateam nila Joms.
Hindi ko na pinansin si Zarah at nakiki cheer ulit. Halos mapaos ako sa kakatili pag nakakashoot ng bola ang strand namin, halos masira naman ang bote na hawak ko kakapukpok sa sahig. Feel ko din tuloy lumaki ang bicep ko dahil sa bigay todo na pag pukpok ko ng bote na may bato para makapag ingay.
Nang matapos ang laro ay dumaretso kami sa canteen. Nasa counter na sila Zarah at Khaye habang ako ang bantay sa lamesa namin. Hindi pa rin makakapasok ang baklang Lenox dahil sa mga pasa at sugat nya na di pa rin nagaling. Pero baka daw bukas pumasok sya.
Nang makabalik ang dalawa kong kaibigan ay ako naman ang pumunta sa counter at umorder.
"Ahm isang lasgna and--"
"Tatlong set c, Nanay merly" tumingin ako sa nag putol ng sasabihin ko
"Joms"
"Sagot ko na, panalo kami e"
"Okay" ngumiti ng ako malaki
"Pakidala na lang doon" turo nya sa lamesa kung nasaan kami, nandoon na din ang iba nyang ka team "Let's go" hinawakan nya ang kamay ko palayo sa counter.
"HHWW (holding hands while walking) yan hahahaha" si Khaye
"Sofy" wika ko ng makita ko sya na naka upo sa upuan kung nasaan kami
"Sofia" bumitaw si Joms sa pag kakahawak ko
"Makiki sit in sana kami, puno na kasi sa ibang mga lamesa" tumungo tungo lang ako
Umupo ako at ganun din si Joms, pinag gigitnaan namin si Joms.
"Hey, Jairus" singit ng isang babae, tumingin ako sa kanya, si Dian, umupo ito sa tabi ni Jairus at dinidikit ang katawan nito sa kanya
Nangunot ang noo ko at nakaramdam ng inis.
Aba ano sya linta?
Gusto ko hilain ang buhok nya, gusto ko balatan sya ng buhay. Gusto ko sya barilin at patayin.
Sinagi ako ng katabi ko sa bandang kanan "Baka masaksak mo ng mga tingin yan Girl" boses ni baklang Khaye, Umiwas ako ng tingin at baka kung ano pa ang magawa ko sa lintang babae na yun.
Bigla naman pumasok sa isip ko ang eksena nang makita ko ito sa kwarto ni Jairus.
Obvious naman na ginawa nila ang bagay na yun.
"Pwede ba akong pumunta sa place mo?" malanding wika nya, napatingin naman ako
"Bakit ano gagawin nyo?" hindi ko na naiwasan sumingit
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Teen FictionSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...