Lumipas ang ilang araw at hindi na nga kami nag kita ni Jairus. Puro practice lang naman ng martsa sa school kaya hindi na rin ako pumasok. Nag simula na din ako asikasuhin ang business ng Peyton. Mula sa company hanggang sa another business namin.
Sa ilang araw ay wala akong ginawa kundi umattend ng meeting kasama si Kuya. Kilalanin ang ibang board member.
Sa isa pa naging business ay nakilala ko na din ang ilang mahahalagang tauhan ko. Bukod pala kay Zarah may ilan pang capos, pero si Zarah ang pamilya nito ang namumuno sa lahat.
Bukod din kay Lenox at Khaye may mga past na consiglier at underboss. Na buhay pa kung kaya hindi pa talaga nabibigay ng buo ang pwesto sa kanilang dalawa. Kumbaga kailangan pa nila pag aralan. Habang ako ay inaassist pa ni Kuya.
"Second floor" wika ko sa earpiece kausap si Khaye nasa isa kaming shooting range kasama ang ilang tauhan na kasing edad din namin. Nasa isa kaming field at kalaban ang ilang D. A. V at sila kuya, si Joms kasama din ang ilang Dav, nag pustahan kaming tatlo, nag lalaban kami at kung sino ang panalo ay makakakuha ng 500k.
Hindi naman namin gamit ang totoong baril pero sa oras na matamaan ka ng bala ay sobrang sakit. Parang isang paint naman din ang bala na sa oras na tumama sayo ay puputok at mag kakaroon ng kulay. Pink ang kulay ng bala ko, Blue kay kuya, green kay Joms, white sa ibang DAV at brown sa buong peyton .
Soon to be Hades versus Peyton versus Soon to be Dracul ang labanan
"Clear" sagot ni Khaye
"Capos ready" wika ko "Lenox"
"Copy" wika ni Lenox
"Capos"
"In position" Wika ni Zarah
"First batch go" wika ko bago lumabas ang ibang soldier, ito na rin ang pag kakataon ko na makuha ang box, umakyat ako sa second floor at doon kami nag kaabutan ng kuya ko
"Hello sis" binaril nya ako na agad ko naman inilagan. Puro baril sya habang ako ay umiiwas sa kanya.
Patalon ako umiiwas at papalapit sa box. Kukunin ko sana ito ng may humila sa akin.
"Not now" wika ni kuya agad ko sya sinipa sa tyan pero hinawi nya ako. Kukunin sana ang box pero biglang sumulpot si Joms
"Not now" gaya ni Joms sa sinabi ni kuya
Nang kukunin nya ang box ay agad ko pinaputukan ang kamay nito. "Not now too" wika ko "Rule no 1 you need to kill your enemy before you get that box" wika ko sa napag usapan naming rules kanina
"Well" agad kinuha ni Joms ang isa pang pelet gun sa gilid nya at tinutok sa amin, tinapunan namin ni Kuya ng tingin ang isa't-isa bago kami sabay na sumugod kay Joms.
Puro atake namin ni kuya kay Joms na puro ilag lang. Umikot ako at sinipa sya sa likod. Nilabas ko ang isang pelet gun at sabay namin pinaputukan si Jairus. Tumama ang bala ko sa balikat nya habang ang bala ni Kuya ay sa dibdib nito. Agad ko din naman tinutok ang baril ko pero naunahan ako ni Kuya, kaya naputok na nya ang baril at sakto ito sa dibdib sa puso ko.
"Ang daya" wika ko "masyado ka ng professional sa mga ganito e" napanguso ako
"Just accept it na natalo ka" tinarayan ko sya
"Hahaha the Manle attitude" wika ni Joms
"What?!" Sabay na wika namin ni Kuya
"Hahaha wala" wika ni Joms "Sabi ko libre naman Rohan"
"Talo tayo Gwyn" Nakanguso akong humarap sa mga kagrupo ko ng mag salita si Zarah
"Aw" lumapit ang tatlo at niyakap nila ako.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away : Here Tonight [Completed]
Roman pour AdolescentsSi Gwyn ay isang simple estudyante lang na nag hahangad na maging masaya at maging malaya, she also wants the person she loves to like her. But one day she found out that she would be the heir of an organization. The 'Peyton Organization'. But one...