Chapter 14 - Sweet Angel

53.7K 863 26
                                    

Kung gagawin lang nya kong back up plan.. HINDI NA LANG AKO AATTEND!!

Ako si Princess Marion!! Gagawin nyang wallflower sa ball?! No way!! Lahat ng lalake sa kaharian namin tinatanggihan ko maging escort ko sa lahat ng Ball na pupuntahan ko tapos sya…

AAHHH!! Nakakainis talaga sya!!

Sinisipa sipa ko ang bato sa harapan ko pauwi sa bahay..

Oo pauwi sa bahay.. sa bahay ng walang pusong si Flynn!!

Wala na ngang date sa ball! Alila pa ng walang pusong lalaking yun!! AAHHH!! NAKAKAINIS!!!

///BOOOGSSHH!!

“Aray ko ang sakit naman nun…” nakita ko ang isang babaeng napaupo sa pavement dahil ata sa pagkakasipa ko sa bato??WAAAHH!! BAKA MAGKA – AMNESIA SYA NYAN!!

Agad akong lumapit sa kanya

“Okay ka lang? Sorry.. Hindi ko sinasadya gusto mo dalhin na kita sa hospital? Ano? Ah… anong masakit sayo? Baka nagkaron ka ng brain clot.. Nako wag naman po sana.. ” natatarantang sabi ko sa kanya.

“Hahaha Miss okay lang ako.. Nadaplisan lang ako nung bato na sinisipa mo kanina.” Nangiti na sabi nya.

“Sorry…” umupo ako sa tabi nya. Napansin ko na iba ang uniform nya sa suot ko. Ano kaya yung school nya? Ang cute pa naman nya lalo na yung bangs nya nawawala yung mata nya pag ngumingiti. Ang cute nya!!

^______________________________^

“Miss..” Napatingin ako sa mga singkit nyang mga mata

“Bakit?”

“Artista ka ba?” Ha? Artista? Ano yun? Hindi ako nakasagot sa tanong nya “hahaha okay lang yan. Ganyan naman talaga ang mga artista tinatago nila ang identity nila kasi ayaw nila na guluhin ang private life nila ng mga fans nila. Sa ganda mong yan. Imposible na hindi ka makilala ng mga fans mo.” Ha? Ano bang pinagsasasabi nya? Ano fans? Anong artista?

“Hehehe kung ano mang sinasabi mo? Hindi ko alam yan baka hindi ako yun. Sige alis na ko” tumayo na ko sa kinauupuan ko. Gusto ko pa sana makipag usap sa kanya kaya lang parang may kulang na sa turnilyo ng babaeng to.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon