“I love you too Papa”
“Marion…” inangat ko ang ulo ko habang yakap nya ko habang sumayaw sa gitna ng mga tao. “hindi ka na namin pipilitin pa na magpagamot…” Ang layo ng tingin ni Papa “hindi ka na namin pipilitin na magpagamot sa Singapore” niyakap ko sya ng mahigpit
“Talaga Papa?” tumingin sya sakin at
“Oo.. kahit anong pilit naman ang gawin namin hindi ka namin mapapapayag…Pero Marion” ang mga tingin ni Papa habang nagsasayaw kami puro pag – aalala. “Magpalakas ka na lang para samin.. kahit yun lang.. masaya na ko na makita kita na malakas at masaya at kahit may asawa ka na aalagaan pa din kita coz your my one and only baby girl”
“Thank you Papa” ngumiti ako sa kanya at sabay nito ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib ng Papa ko. I feel so secured pagyakap yakap nya ko. Namiss ko to. Namiss ko na yakapin nya ko ng ganito.
Kahit gano pala ko kakulit at kapasaway sa kahiraan na meron ako. Masasabi ko na madami palang tao na nagmamahal sakin. Kahit hindi lahat ng tao sa Genofiel at Wattpad basta alam ko…sa dalawang lugar na pinuntahan ko may mga taong nagmamahal sakin. At sapat na sakin yun na malaman na nandito sila para sakin.
Natapos na ang party at nalaman ko kay Yam na tago ang pagpaplano nila ng kasal namin ni Flynn kahit press hindi nila napansin na nagkaron ng totoong kasal at nahospital ako ng ilang araw. Kahit kulang na lang na matulog ang mga press sa labas ng palasyo para lang makita kami. Siguro hindi lang ganun kagaling ang mga paparazzi dito samin (^.^)
///
BOOOGGSSHH!!
Dahan – dahan kong minulat ang mga mata ko dahil sa narinig kong malakas na kalabog. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita ko ang mga pictures ko at pictures namin ni Flynn na magkasama na nakasabit na parang bandiritas sa loob ng kwarto.
Kaya lang pagdating sa gitna may nalaglag na tali na may pictures at unti unti na naglaglagan ang mga pictures na nakasabit.
“Aaaayyyysssshh!!” may narinig akong boses ng isang lalake at hinanap ko sya sa paligid ng kama at nakita ko syang nakadapa at mukhang nalaglag sa upuan dahil nakahiga na ang upuan sa harap nya. Hinahawakan nya ang balakang nya habang dahan dahang umuupo at tumalikod sa unahan ng kama kung san ko sya pinagmamasdan. “Sabi ko na nga ba eh! Hindi ko gagamitin yung glue na yun dapat kasi glue stick yung ginamit ko para matibay” Nakacross arm sya at halatang inis na inis na. “Gumisng ako ng maaga para ilagay lahat yan tapos malalaglag.. Grrr.. Ahh~~ Flynn kung ako sayo ilagay mo na lang ulit yan at humanap na lang ng glue stick para matapos ka na” lalong lumawak ang ngiti ko nung narinig ko syang kinakausap ang sarili nya.
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Ficção Adolescente(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...