Mahirap makalimot lalo na kung mahal na mahal mo ang taong gusto mong kalimutan.
Mahirap palitan ang mga memories na ginagawa nyo lalo na kung puro ngiti ang dala sayo
Kahit sabihin pa ng utak mo na kalimutan sya hindi mo magawa dahil ang puso mo walang sinasabi kung kundi pangalan nya
Masakit pero kelangan… Kelangan na kalimutan sya kung isang laro lang pala ang tingin nya sa mga pinagdaanan nyo
Kung ang lahat ng pinagdaanan nyo ay isang wrong grammar na gusto mo nang burahin.
Pero kahit ganun… it takes a long time to forget the person you love the most
“That’s my advice… Pero depende din yan sayo” nasa radio station ako ngayon at tinutulungan ang mga taong my love problems na resolbahin ang problema nila.
Hep! Hep! Hep!
Hindi na to point of view ni Flynn.. Ako na to si Tristan teka nga… Miss PiggypiggyChoi palagyan nga ng Tristan P. O. V baka kasi pagkamalan nila na ako si Flynn. Hindi ako yun!
Tristan P.O.V
Thank you Miss Piggypiggy!
Ayan ngayon alam nyo na?! Ako na to si Tristan. Last set na yung babaeng kinakausap ko ngayon dahil alam nyo na sa lovelife. Hindi ako nandito para kwentuhan ko kayo ng mga problema ng caller ko at ng buhay ko. Next story na lang yun pati sa ngayon.. kaibigan ako ni Flynn hindi ang bida sa story na to
^_________________^V (PEACE!)
Pribado akong tao~~ hindi ako mahilig sa publicity hahaha~~
“H- Hello… Papa Fries?? Nandyan ka pa ba?” nangingiyak na sabi ng caller ko. Papa Fries ang code name ko sa radio world. Hindi kasi pwede na Tristan ang ibigay ko dahil kilala ako bilang vocalist guitarist ng banda namin. Nung una natatawa na lang ako sa pinangalan ko sa sarili ko. Dahil nung iniinterview ako ng management kumakain ako ng Mcfries kaya ayan ang kinalabasan Papa Fries. Pampakulit lang hahaha
“Oo nandito pa ko kanina pa. You need to move on dahil kung mag – stick ka sa past may mga taong maapektohan. Malay mo nasa tabi lang pala ang taong pupunan ng iniwan nya sa puso mo” Yuck! Hindi ako ganito in real life! But girls are girls mas gusto nila ang mga ganitong line but for us guys.. No way!
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Novela Juvenil(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...