Mahigit isang Linggo na din akong hindi pumapasok simula nung nagsimula ang klase at simula nung kinasal sila.
Maggagabi na at napagdesisyonan ko na lumabas muna ng condo ko. Nakakabagot sa loob wala akong ginawa kundi yun at yun lang simula nung dumating ako dito. Hindi na nga din ako masyado kinukulit nung babaeng nakatira sa kalapit lang ng condo ko eh. Siguro pumapasok na yun?
Teka nga bat ko ba iniisip yung babaeng yun?!
Naglakad lakad lang ako hanggang sa tinamad na ulit ako at sumakay na ulit sa elevator pabalik sa condo ko kaya lang
Me ------------------- > O________________________O < ---------------- Yung babae
Bigla syang pumasok sa elevator at na uniform sya ng uniform ng dating stalker ni Luke na si Owie. Sa public school sya nag – aaral pero bakit nakacondo sya? Mayamanin? O nagmamayaman lang?
Tao nga naman
Pero may umagaw ng attensyon ko.
“Michael..” bigla syang nagsalita. Sinong Michael ba yung tinatawag nya. Nakatingin lang sya sakin at “Ay.. ikaw yun ” nakangiting sabi nya habang tinuturo ako.
“Hey! Flynn is my nickname not Michael. Never mind we’re not even close”
“Nah – ah – ah…Well neighbor naman kita at close na naman tayo tinatanggap mo nga yung mga cute cupcakes ko eh so we’re close” gusto kong batukan tong babaeng to sa sobrang assuming eh. Tumingin na naman sya sakin na parang may hinahanap sa mukha ko. Palapit na ng palapit ang mukha nya sa mukha ko at “Pumapasok ka ba?”
“AHHH!!!” tinulak ko ang mukha nya palayo sakin at
“ARAY!! Masakit ha?” sa wakas nagreklamo din. Akala ko hindi sya marunong magreklamo sa kakangiti nya sakin eh.
“Don’t be so close to me. Uupakan kita eh!” hinayaan ko sya ng suntok at ngumiti na naman sya sakin at biglang nanlake ang mata at tumalikod na naman sakin. Problema nya??
Nagcross arm na lang ako habang naghihintay ng pagdating ng elevator sa 22th floor. May bata atang may saltik na pinindot lahat ng up sa bawat floor kaya bukas ng bukas tong elevator eh!!
“Michael…” hindi ako umimik sa kanya dahil nangingilabot ako pagMichael ang tawag sakin. Para kasing hindi ako yun. Napatitig na naman ako sa palda nya at
“Hey…” hindi sya tumingin sakin. Grabe tong babaeng to pagtinatawag ayaw lumingon pag hindi naman todo lapit sakin. Feeling close lang?! Sapatusin ko to eh! “Hoy!” tumingin sya sakin.
“Siguro hindi mo sineryoso yung sinabi ko nung isang araw no? Totoo yun Michael gusto talaga kita” humarap sya sakin at bigla din naman tumalikod kaya nakita ko na naman yung palda nya na super distraction talaga! “Gusto kita.. okay lang naman kung hindi mo din ako gusto at least nalaman mo. Ang daldal ko kasi kahapon eh!!” palo palo nya ang bibig nya at pagbukas ng elevator.
Dumami na ang tao sa loob at hinila ko sya palapit sakin dahil baka makita pa nila ang palda nya na may dugo.
“Oh suotin mo” inabot ko sa kanya ang sweater ko at sinuot nga! Ay tanga “Hindi dyan.. itapis mo sa may palda mo” pabulong ng sabi ko. Ayaw ko naman kasi syang mapahiya na may dugo sya sa palda nya.
Buti nakabalik pa sya dito na ganyan ang sitwasyon nya. Buti hindi sya pinagtawanan ng mga nakakasalubong nya. Kung ako sa kanya I will burst my laughter sa kanya kaya lang hindi ko magawa sa dami ng tao dito. As what I said nga kanina ayaw ko syang mapahiya.
Bigla na lang namula ang pisngi nya at
Ting!
22th floor
“Excuse us..” sabi ko pinauna ko syang lumabas ng elevator at ako ang nasa likod nya para hindi halata ang dugo nya sa palda. Anak ng bakit ako pa?! kasi ang nakakakilala sa babaeng to?! Hindi ko nga sya kilala oo sa mukha pero pangalan malay ko dyan!
Paglabas namin ng elevator.
“AHHH!!!!! NAKAKAHIYA!!!” bigla syang umupo at tumalikod sakin na nakatakip pa ang mukha
“Umuwi ka na nga” natatawang sabi ko.
“Ahhh~~ Uuwi na talaga ko. Nakakahiya~~ Nakita mong may tagos ako!!” nagtatakbo syang pumunta sa unit nya. Tama bang isigaw?! Bopols talaga! Habang naglalakad papunta sa unit ko bigla syang dumungaw sa pinto nya at “Kanina mo pa ba nakita yun?” tumango lang ako at “AHHH~~~ nakakahiya talaga!” sabay sarado ng pinto.
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Roman pour Adolescents(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...