Sumakay agad ako sa taxi pagkalabas na paglabas ko ng gate ng walang hiyang Halimaw na yun. Tumawag kasi si Bridget na pumunta daw ako sa Grand Hotel na ngayon ginagawa ko na.
Anong oras na? bakit naman kasi na uso pa na gabi gawin ang initiation nay un? Madami kayang sasali? Woahh!! So dadami na ang sinasabi nina Aina na mga B. I. T. C. H? Nako wag naman sana dumami ang papulsyon nila. Baka gumunaw na agad agad ang mundo nun sa malakas na yanig.
Kung si Aina praning makuha si Luke ng buhay nya. Si Bridget naman despiradong makasali sa group nina Clarise.
Haaay tao nga naman hindi makuntento. Iba – iba ang gusto nakakaloka sa dami.
Nakita ko agad sila sa tapat ng isang abandunang building at si Bridget lang ang nasa unahan nilang tatlo.
“Look who’s coming girls! Mukhang makikihoin din ara sa barkada natin ang new girl sa school” tumabi ako kay Bridget “Ano namang masamang hangin ang nagdala sayo dito?”
Ngumiti na lang ako kay Clarise na kanina pa nagbubunganga
“Sorry to disappoint you pero hindi ako sasali sa inyo. Kontento na ko sa 1..2..” nagbibilang ako sa kamay “Hmmm hindi ko kasi sure yung isa kasi minsan okay kami pero madalas hindi. Meaning aso’t pusa pero sige na nga tatlo. Kahit tatlo lang sila. I’m happy to have them”
“Ang dami mo pang satsat! Bat ka ba nandito?”
“Dahil sa kanya” tinuro ko si Bridget sa tabi ko “Pwede bang wag nyo na sya pagawin ng initiation nyo? Gustong gusto nya talaga kayo” pakiusap ko sa kanila
“HEP!! SINO KA PARA PAGSABIHAN KAMI NG GANYAN?! ARE YOU THE PRESIDENT OF THIS CLAN?! HINDI DI BA? KAYA WALA KANG KARAPATAN NA UTUSAN KAMI!” sabi ni Tiffany na galit nag alit sakin. Wala namang masama sa sinabi ko ah?
“He he he Relax lang kayo. Kung pwede lang naman eh. Kayo naman masyado kayong hot”
“ikaw!! ---” akmang sasampalin na sana ako ni Tracy sa inis kaya lang pinigilan ito ni Clarise
“Simulan na natin ang initiation. Masayang ang oras natin kung papatulan nyo si Rio”
“Good luck” pabulong na sabi ko kay Bridget. Umurong ako ng konte para magkaron naman sila ng space ang kagandahan nila hahaha joke lang
BINABASA MO ANG
My Personal Maid is a Princess?!
Novela Juvenil(Formerly titled: Maid for each other) © copyright.mysweetstories.Nov,2012 This is formerly titled Maid for each other, the fatty Author realize that there's a lot of stories that has the same title of her stories. It's a little bit different to Ma...