Chapter 4 - My first day

67.5K 1.3K 27
                                        

Author’s Note:

 

Nakakahiya mang i-type pero i-tatype ko pa din. Sorry po sa readers ng story ng isang napakapasaway at makulit na Prinsesa na si Rio. Sana nagustuhan nyo sya. Pero SORRY po talaga sa super late UPDATE sa kadahilanang hahaha ang lalim ng tagalog ko. Dahilanan talaga di ba? Anyway, kasi  madami lang po akong ginawa last week kaya hindi po ako nakapagUD sorry po. Pero makakapag UD nap o ako ngayon dahil petix na me!! Petix naman talaga ako kahit kelan eh pero mas petix pa ngayon haha Eto na po ang story. Have fun reading.

 

P.S

Please LEAVE YOUR COMMENTS!! I want to correct myself!  If you like the story hit the star there oh.. dun sa kanan pero kung ayaw mo naman okay lang. Comment ka na lang hahahah

 

Ang kulit ko no? hahaha Sige na eto na talaga

 

_ PiggypiggyChoi

 

 

“Where’s Flynn?” tanong nya sakin na natutulala pa sa kanyang kagwapuhan. Ang gwapo na, ang pungay pa ng mata nya!! Grabe na talaga to! Siguro isang malaking blessing na napapunta ako sa bahay ng halimaw at walang pusong lalakeng to! At least nakita ko ang gwapong nilalang na to. Ang dami ko nang ikwekwento kay Yam yung assistant slash maid ko na din sa Genofiel Kingdom opppss!! Di pala pwede baka sabihin nya kay Dre. Si Dre ang simple at gwapong at secret boyfriend ko sa amin. Kaya lang parang alam na ni Papa. Bwisit talaga yun si Yam!! Baka sya yung nagsabi yari talaga sya sakin pag – uwi ko!!

Wait gusto nyo ba makita ang gwapong nilalang na to!! Eto sya oh!!!

---------------------------------------------------- > Ayiiee ang gwapo nya no??

“Ah eh sino ba---” natigilan ako sasasabihin ko. AISSSHH!!! SIYA YUNG WALANG PUSONG LALAKE!! “Ah andun sa kwarto nya” walang ganang sagot ko.

Papasok na sana ang gwapong nilalang na to. Kaya lang hinarangan ko syang pumasok ng bahay.

“Hep! San ka pupunta? Porket gwapo ka papasukin na lang kita basta basta? Hindi pwede yun no?! NO TRESPASSING!!” para akong security gurad na todo kumpiska sa taong papasok sa kaharian namin. Hahaha teka lang… anong sabi ko ‘Porket gwapo ka’ waahhh!! Nakakahiya!! Napayuko na lang ako sa harap nya habang nakastop ang dalawang kamay ko sa harap nya.

“HAHAHAHA!! Thanks sa compliment ha anyway ano ka ba dito?” dahan – dahan niyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Napatingin na lang ulit ako sa sahig sa sobrang ilang ko sa kanya. “Ano bang pangalan mo Miss Window?” mahinang sabi nya sakin at napalunok ako at

Natulak ko sya palayo sakin

My Personal Maid is a Princess?!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon